OPLAN LIGAW DAY 2

55 4 0
                                    

Vice POV

Maaga akong nagising as in sobrang aga like 3:00 ng umaga gising na gising na ako. Kasi nga diba may oplan ligaw ako kay Jackie at ayaw kong may mamiss akong araw. Dahil gusto ko araw araw ko siyang napapakilig at napapatawa.

Kaya naman nagisip ulit ako pano ko na naman siya pakikiligin?  Halos maubos yung neurons sa utak ko kakaisip eh.

Isa lang yung naiisip ko since maaga pa. Why not bilhan ko siya ng Coffee sa starbucks? Magugustuhan niya kaya?

Bahala na nga lang. Kaya naman agad akong bumayahe papuntang store ng starbucks na medyo malayu layu talaga pero para sa kanya titiisin ko.

Pagkarating na pagkarating ko. Agad na pumunta ako sa counter. Namili sa menu nila.

Parehas kaya kami ng Taste buds? Kasi sabi nila pagpareho daw ng taste buds parehas daw inlove eh.

" Miss isang Cappucino latte nga "  ani ko sa kumukuha ng order.

" may special promo po kami sir na pwede eprint ang picture sa mismong kape"

Medyo nagulat ako dun. Grabe na talaga yung technology ngayon pati kape pinagdidiskitahan.

" Ah sige sige miss sandali wala kasi akong pic niya eh " saad ko sabay kuha ng phone ko at senearch ang pangalan ni Jackie sa FB para kumuha ng pictures niya at siyempre magsave na din.

Nawili ako kakatingin ng mga photos niya pano lahat ang gaganda lalo na pag nagbibaby face siya.

" sir? Meron na po? " pagtawag pansin sakin ng nasa counter.

Pagtingin ko sa likuran ko dami na palang nakapila.

Tinawanan ko nalang sila sabay senyas ng piss ( peace) HAHAHA. At kita ko naman sa mga muka ng mga kasunod kung kapeng kape na sila mga strong na eh.

" ay sorry ito miss ito"  sabay pakita ko sa picture ni Jackie na nakapink na sando na parang nakanguso.

Agad namang parang may enilapit na kung ano ang babae sa phone ko and binigyan ako ng resibo maghintay nalang daw tatawagin lang ang number na makikita sa may taas ng resibo. Sorry kayo parang Mcdo yung way of waiting nila eh.

Maya maya lang tinawag na number ko. At subrang namangha ako sa nakita ko kopyang kopya ang picture dun sa kape.

" miss ok lang bang ebyahe to di pa mapapanget?" Paguusisa ko kasi baka pagdating nito hindi na Jackie kundi Chukie na. Aruyy!

" okay lang po sir as long as di po siya napapasukan ng hangin or anything na pwedeng makapanget sa picture pangregalo po ba?" Pagpapaliwanag niya sabay chismis na din.

" oo eh baka kasi ibang muka na pagdating nito sa pagbibigyan ko " napatawa nalang ang babae.

Maingat ko itong binitbit hanggang sa pagmamaneho ko. Tapos may nadaanan akong nagtitinda ng rosas.

Pulang pula yung rosas tapos hulmang hulma kaya huminto ako tapos bumili.
Wala ng tanong tanong ng presyo.

Bumili ako ng 5 para ' i love you so much'

Pagkatapos ay agad na sumampa sa motorsiklo ko at bumyahe pabalik.

Pagkadating ko wala pa di pa gising kahit na sino sa bahay nila Jackie.

Nagiisip ako pano magiging presentable ang coffee with rose?

Buti nalang may tape na nasa UBox ko at meron ding Card at ballpen diba Boyscout ako laging handa.

Dinikit ko Ng limang rosas sa gilid ng kape pagkatapos ay sinulatan ang Card

To Jackie :

Araw araw mong ginigising ang natutulog kong dugo. Nga pala 5 rosas para I love you so much.  Smile always :)

Tapos kong masulatan ay isiniksik ko siya sa kumpol ng rosas. Matapos ay marahang isinilid sa pinagsidlan ng kape since presentable din naman tingnan.

Tapos ay dahan dahan akong lumapit sa gate nila at isinabit iyon. Kasi alam ko paggising na paggising nila isa sa una nilang ginagawa eh binubuksan agad ang gate.

Matapos kong magawa na naman yun nakangiti na naman at sumisipol sipol pa akong umakyat sa kampo namin.

Success na naman yung misyon ko.

End of Vice POV

Kasalukuyan pa ding nakasabit ang regalo ni Vice kay Jackie sa may gate nila Jackie.

Maya maya nga eh unang nagising si Mommy Che. Agad na nanalangin at pagkatapos ay agad na binuksan ang gate.

Laking pagtataka niya ng may isang kung ano sa gate nila.

" may nakaiwan na namn siguro nako talaga " pagmamaktol ni Mommy Che nilapitan niya eto.

Una niyang nakita ang card. Tapos non ay tinitigan.

" aba kay Jackie naman pala " saad ni Mommy Che kaya naman agad niya itong kinuha at dinala sa kusina.

At sinubukang katukin si Jackie. Pero dahil nga may pagkaantokin tong si Jackie eh mahirap talagang ginising.

Ilang minuto ay sumunod na nagising ang pamangkin ni Jackie at maya maya din ay nagising na din si Jackie.

Lumabas na pumupungay pungay pa si Jackie sa kwarto niya.

" Nak may kape dyan sa kusina tas my rosas pa sino ba yang nagpapadala sayo ng kong ano ano?" Paguusisa ni Mommy Che.

Napadilat si Jackie at biglang napunta ang tingin niya sa kusina nila at nandun nga ang kapeng may nakadikit na kumpol ng rosas.

" aba ewan ko wala namang pangalan mommy eh " agad na sagot ni Jackie na tinitignan ang regalo na naman sa kanya.

Agad niyang hinanap ang card. At nang mabasa niya ito napangiti nalang siya nadagdagan pa nung makita niya ang kanyang picture sa kape. Sinubukan niyang tikman ang kape kung papasa ba sa panlasa niya.

" hmm mommy masarap yung kape dali try mo mommy tas may muka ko pa " pag aaya ni Jackie.

At agad namang tiningnan at  sinubukan ni Mommy Che. At sa di malamang dahilan eh napakunot noo si Mommy Che at tila ba parang nasusuka.

" ganyan na ba lasa ng kapeng pangmayaman ang panget ng lasa " saad ni Mommy Che na pilit tinanggal ang lasa ng kape sa dila niya.

" grabe si Mommy sarap kaya " sambit ni Jackie agad niya itong nilagay sa microwave para uminit naman ng kunti.

At nang uminit niya agad syang umupo sa biranda ng bahay nila. At enienjoy ang kape niya.

" Mommy mahal kaya to tas edudura mo lang " sambit ni Jackie.

"Oo mahal, mahal ka ng nagbigay niyan " pagbibiro ni Mommy Che.

Habang si Jackie napangisi nalang habang hinihigup ang kape niya.

" Thank youuu" bulong niya habang napatingin sa kampo nila Vice.

You're still the ONE ( COMPLETED)Where stories live. Discover now