OPLAN LIGAW DAY 3

61 4 0
                                    

Jackie's POV

Maaga ko talagang ginising ang sarili ko nagset pa ako ng alarm para talaga magising ako kasi inaayos na namin ang Pedapu para sa inspection ng mga taga Tourism.

4:00 am yun gising nako. Isa sa gawiin ko bago lumabas ng kwarto eh niyayakap ko ng mahigpit ang baboy na malaki paano ang cute cute magsalita tapos ang lambot lambot pa.

Pero nagtataka talaga bakit kaya 3 days ng hindi nagpapakita si Vice sakin dati sulpot ng sulpot eh.

Di ko nalang pinansin yun baka busy lang. Agad kong kinuha tuwalya ko , naligo at agad na nagbihis.

Matapos ay kumain nalang ng kaunti baka kasi gutumin ako wala pa naman nagbebenta dun.

Matapos kong kumain di ko nalang ginising si Mommy kasi alam naman na niya.

Agad akong sumampa sa motorsiklo at bumyahe na papuntang pedapu.
Medyo malamig butu nalang talaga nagdala ako ng Jacket.

Nang marating ko na ang Pedapu. Tinitigan ko pano ko pa ba pagagandahin iyon?

Isa lang naisip ko maglalandscape ako. Since may mga pintura naman naisip ko na magbuo ng 'Pedapu Beach' out of the stones tapos para magkaemphasis pipinturahan ko nalang.

Kaya naman agad na akong naghakut ng mga malalaking bato tapos dadalhin papunta sa paglalagyan ko.

Isang mga oras natapos ko na din ang paghahakot grabe yung pawis ko tumatagaktak.

Maya maya din nagsisidatingan na ang mga magaayos ng fence ng Beach. Habang abala ako sa pagpipintura at pagfoform ng letters out of stone bigla akong nagulat sa tumawa sakin.

" Mommmmmmy" patakbong pumunta sakin si Jaice. At may hawak hawak na bouquet.

Agad iyong binigay sakin ni Jaice sakin aba bouquet ng pink roses at may mga chocolates.

" mommy bigay nong lalaking nakamask po " saad ni jaice habng tinuturo yung puno na pinaparadahan ng motorsiklo ko.

" saan? Wala naman eh " sambit ko habang tinatanaw tanaw yung tinuturo ni Jaice na wala naman akong nakikita.

" ay mommy nawala siya "  saad ni Jaice ng wala na din siyang nakita.

" Next time baby girl wag ka tatanggap ng kahit na ano kapag nakamask ha? " pangangaral ko kay Jaice pagkatapos ay agad ko siyang niyakap. Yakap na mahigpit.

Matapos non agad kong hinanap ang card kong meron ba. At meron nga.

To Jackie :
Good Morning  Flowers and Chocolates pampaganda araw mo at pampatamis ng ngiti mo :)

Agad nalang akong napangiti. At agad na tumayo para ilagay sa may cottage ang bouquet.

Habang naglalakad ako. Naghihiyawan ang mga taong nakakita sakin.

" jackieee may manliligaw na !"
" Ayiiieee ate Jackiee "
" Sagutiiiin na yan "

Napapailing nalang ako habang bakas pa din sa labi ko ang saya.

Matapos ko yung ilagay agad akong bumalik sa pwestong pinagtatrabahuhan ko. Nagulat ako ng makita ko si Jaice. Sumisenyas sinyas dun sa may puno.

" baby Girl ?" Agad kong tawag at tinanaw yung puno wala namang tao.

" sino kausap mo baby girl?" Saad ko kay Jaice.

" yung lalaking nagbigay non mommy nawala na naman kanina nandyan eh ' bigla nalang ako napakunot ng noo. Pati bata kinukunsabo

Vice POV

Nakita kong bumyahe si Jackie at alam kong isa lang ang pupuntahan niya sa Pedapu. Kaya naman sinundanan ko siya at hindi nga ako nagkamali sa Pedapu nga siya pumunta.

Di ako masyadong lumapit sa Pedapu baka makita niya ako. Habang nakaupo sa motorsiklo ko nagiisip ako ano na namang gagawin ko.

At yun nga sa ilang minutong pagiisip napunta ako sa conclusion na bouquet ng Pink Roses and Chocolate nalang.

Agad akong humarurut ng takbo habang wala pang masyadong tao sa Pedapu.

Naghanap ako ng Pink Roses. Ang hirap pala hanapin non parang siya ang hirap pasagutin. Buti nalang sa pagiikot ikot ko nahanap din ako. At subrang fresh pa. Kaya agad ko iyong pinabouquet. Habang nagiintay bumili na din ako sa malapit na International store malapit dun.

Naghanap ako ng mamahaling Chocolates. Ayoko ng tinitipid si Jackie uy.

Nang makabili na ako agad akong bumalik at kinuha ng bulaklak. Pagkatpos ay pinasisiksik sa presentableng aura naman ng bulaklak ang mga chocolates.

Dala ang isang abot tengang ngiti bumyahe agad ako papuntang Pedapu. PeDalaro laking gulat ko ang dami ng tao. Pano ko to ibibigay sa kanya?

Naghanap ako ng makukunsabo, wala akong kilalang mapagkakatiwalaan eh.
Maya maya lang nakita ko aa likuran ko ang batang babaeng minamommy si Jackie.

Pasipa sipa itong nalalakad habang pasipol sipol pa.
" Putcha kapag binigay ko to makikilala ako nakoo di pa naman marunong magsinungaling mga bata" bulong ko sa sarili.

Inikot ko yung mata ko sa motorsiklo ko. Buti nalang may nakita akong itim na mask. Putchaaaa ang baho na ng mask pero bahala na.

Agad ko itong sinuot at habang papalapit ang bata nakaabang ako.
Tila ba nagdadalawang isip siya.

" dont worry baby girl mabait ako " saad ko sa kanya ng huminto siya sa paglalakad papalapit sakin. Natakot ata.

" gusto ko sanang ibigay to kay Jackie " dagdag ko sabay pakita ng bouquet. Maya maya ay agad na ngumiti siya pagkatapos ay agad na lumapit sakin.

Hay salamat lumapit din.  Nang makalapit siya aba agad niyang itinaas ang kamay niya at balak pa atang tanggalin mask ko. Makulit ka ha tsk.

" oh no no no " saad ko habang pasenyas senyas pa.

Di siya sumasagot nakatitig lang siya

" Nililigawan ko kasi si Jackie kilala mo siya diba ang gusto ko ibigay mo to sa kanya pwede ba yun?"

Inilahad niya ang kamay niya. Kinakabahan ako baka kung ano gawing kalukuhan pero nagdadalawang isip man dahan dahan kong binigay sa kanya.

Ngumiti siya matapos ay patakbong pumunta sa kinaroroonan ni Jackie.
Habang ako agad akong nagtago sa malapit ng punong malaki at nandon pa ang motorsiklo ni Jackie nakaparada.

Nakita kong subrang saya ng bata habang dala dala niya ag bouquet lalo na nong binibigay niya ang bulaklak.
Nakita ko din ang kislap ng mata ni Jackie ng makita niya ang bata at pati ang bouquet.

Di ko sila nadidinig dahil malayu ang pwesto ko sa kanila pero i am sure tinatanong ni Jackie si Jaice kung kanino.

At maya maya nga tinuturo turo na ako ng bata.

" Omg bataaa wag please "

Para akong baliw pilit tinatago ang sarili ko sa malaking puno. Nang di na nakatingin si Jackie.

At ang bata ay nakatingin pa din sakin agad akong sumisenyas na wag maingay, wag magsusumbong pero makulit ang bata tinuturo talaga ako.

Napakamot nalang ako ng ulo ko. Kay naisip ko nalang na umuwi baka makit pa ako ni Jackie.

" mga bata talaga " bulong ko na nagkakamot ng ulo ko.

Bago ako umalis nakita ko ang ngiti sa labi ni Jackie ng mabasa niya ang card na nandun sa bulaklak kaya success na naman ang misyon.

You're still the ONE ( COMPLETED)Where stories live. Discover now