CHAPTER IX

68 7 0
                                    

  Jackie's POV

Grabe yung duet na yun. Bigla akong nawala sa ulirat ko. Pero bat ganun di ko siya magawang pigilin sa mga pinaggagawa niya.

Ngayon nandun siya sa cottage inaasikaso sila kapitan
habang ako nagpapatulog kay Jaice. Nakatulog siya habang karga karga ko siya kanina wala eh napagod yung paa ko kaya umupo ako sa buhangin at dun ko siya pinapatulog.

Maya maya may naglagay ng jacket sa likod ko pano nakabackless ako sabay umupo sa tabi namin ni Jaice

" may anak ka na pala ?" Agad na tanong ni Vice habang hinihimas ang ulo ni Jaice.

" hindi a' bata to dun sa home for the girl nilapitan ako kanina yun nagmommy mommy na sakin " agad na sagot ko.

Bigla siyang natahimik di ko alam kong bakit the last time na tahimik siya ay yung tungkol sa ex niyang si Karylle.

" jackie " pagbasag niya sa katahimikan ng paligid namin.

" yes Vice?" Agad na sagot ko sabay harap sa kanya.

"May sasabihin ako sayo " ani niya na kinakabaha naman ako pero di ko alam kong bakit.

" Jackieee " tawag sakin nung taga social work na agad ko namang nilingon.

Tumayo ako sabay tinapik siya.
" sandali lang ha!" Pagpapaalam ko alam ko tungkol kay Jaice yun.

Kinukuha na nila si Jaice. Kaya ginising ko si Jaice.
" Baby girl uuwi ka muna ha pero magpupunta si Mommy dun ha? Goodnight baby girl " ani ko sabay halik sa pisnge niya.

Matapos non ay sumama siyang medyo malungkot ang muka pero di pa man nakakalayu si Jaice ay patakbong bumalik siya sakin

" thank you mommy " ani niya sabay halik sa pisnge ko.

Napayakap nalang ako. Ang bigat sa pakiramdam kung maampon lang sana kitang bata ka gagawin ko pero di pa pwede eh.

Tinitignan ko si Jaice na lumalayo. At ng di ko na siya maaninag agad kong ibinalik ang tingin ko kay Vice na nanatiling nakaupo dun sa kinauupuan namin kanina. Malayu ang tinatanaw.

Isa isa ng umaalis ang mga tao kaya kami nalang ni Vice sa dalampasigan.
Naglakad ako papalapit sa kanya.
Di ko maintindihan pero ang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong nagugutom na parang ano ewan ang gulo.

Umupo ulit ako malapit sa kanya.

" ano yung sasabihin mo Vice?"pagtatanong ko.

" Kinuha na si Jaice?" Nalito ako yun ba talaga yung tanong niya. Pero sinagot ko parin siya kahit naguguluhan.

" oo eh di kasi pwedeng sa bahay matulog yun " pagpapaliwanag ko.

Humarap siya sakin, tumitig.

" anong tingin yan Vice ?" Pagtatanong ko.

" pwede ako nalang?"  Napadilat ang mata ko ng bahagya sa tanong niya medyo di agad nagsink in sa utak ko.

Di ko alam kung anong isasagot.

" anong ibig mong sabihin?" Pagtatanong ko sabay iwas sa tingin niya. Pero hinawakan niya ang kamay ko matapos ay hinawakan ang pisnge ko at pinaharap sa kanya.

" alam ko merong kung ano dito sa nararamdaman ko. Ito yung parehas ng naramdaman ko nung nagkita kami ni Karylle " sambit niya habang hawak hawak ng dalawang kamay niya ang kamay ko.

" naguguluhan ako pero isa lang ang alam ko jackie... Gusto kita"

Halos di ako mahinga non a' teka oxygen please. Gusto kong di tumitig sa kanya pero letche magmumuka akong may gusto talaga sa kanya huuy pakipot naman ate girl.

" pano kung parehas kay Karylle di tayo magclick? Masaktan kita? Or much more masaktan mo ko?"  Sambit ko sa kanya.

Medyo nagiba yung aura niya pagkasabi ko non sa kanya pero ilang sandali lang ngumiti ulit siya ng bahagya.

" kaya nga susubukan natin diba?" Sambit niya sabay hawi nya sa mga buhok na napupunta sa may mata ko.

Natahimik ako di ko alam kung anong isasagot kung oo ba ako o hindi. Napaka advance ko magisip ewan ko pero bahala na si bro dito.

Tumingin ako sa dagat, kalawakan nito.

" hindi kasi pwede yun vice na susubukan lang naman natin kasi pano kung sa subok na yun masaktan natin ang isat isa? Magkakalamat lang yung kung anong meron tayo " pagpapaliwag ko sa kanya sa mahinahong boses.

Tumahimik siya nadinig ko pa na napalunok siya. Maya maya inakbayan niya ako.

Agad akong napatingin sa kamay niya nakaakbay sakin.

" Di naman tayo masasaktan Jackie kung hindi nating dalawa intensiyon ang saktan ang isat isa... At wala akong intensiyon na saktan ka "

Hindi ko alam ewan ang gulo. Inaamin ko gusto ko siya pero pano si Dapu? Pano pagdumating siya?.

" wala din naman akong intensiyon na saktan ka vice eh... At inaamin ko oo gusto kita pero may iniintay kasi akong bumalik " sagot ko sa kanya sabay titig sa kanya.

Napayuko siya. Alam ko sumama yung loob niya sa sinabi ko. Alam ko naman kasi pag bumalik si Dapu masasaktan ko din siya. Kasi pipiliin ko si Dapu kesa sa kanya.

Niyakap ko nalang siya. Mahigpit na yakap. Ayokong saktan siya , ayokong ayoko.

" lets just savor what we have right now Vice atleast we knew we have a mutual feeling " sambit ko habang yakap yakap ko siya.

Ilang minuto ko siyang niyakap. Matapos non agad siyang ngumiti.

" Lets just enjoy this Jackie " sambit niya matapos ay pinatayo niya ako.

Pumunta siya sa likuran ko tapos niyakap niya ako patalikod. Tapos sinandal ang ulo niya sa balikat ko.
Sinasayaw niya ako ng dahan dahan.

" ginagawa mo?" Pagtatanong ko.

Pero isang mahigpit na yakap ang tugon niya.

" gusto kung palitan ang alaala na meron ka dito kay Dapu mo " sambit niya.

" Ang alaala di kailan man mawawala Vice. Pwedeng hindi mo na makita yung taong nagpadama neto pero yung alaala mananatili lang " sagot ko sa kanya.

Ayoko kong matapos ang sandaling ito. Sobrang echecherish ko ang araw na to pero hindi ko alam kung hanggang kailan kami ganito o bukas kaya ganito parin kami?.

Pinikit ko ang mata ko dinadamdam ang alam kong magiging alaala nalang sa susunod.

Maya maya naramdam na namin ang maliliit na pagpatak ng ulan.

" umuulan na uwi na tayo" ani ko pero yumakap pa lalo siya.

" huuy aba magkakasakit tayo " pagpupumilit ko sa kanya.

Ilang minutong para akong timang na nagsasalita pero hindi siya sumagot maya maya ay pumayag na din siyang umuwi na kami.

" tara na uwi na tayo " pagaaya niya.

Kasunod non ay nagtatakbuhan na kaming dalawa makarating sa mga motor namin para makauwi na bago ang ulan.

And as usual nandito pa din siya sa likod ko di niya pinapaandar ang motor niya pag di pa umaandar yung sakin.




You're still the ONE ( COMPLETED)Where stories live. Discover now