CHAPTER IVX

76 4 0
                                    

VICE POV

Ilang oras na byahe narrating ko na din yung Bahay naming,sobrang namiss ko tong lugar na to.

Ito ang lugar na lagi kong uuwian tuwing nasasaktan ako, at isang yakap lang ng Nanay ko solve na.

Agad kong pinarada ang motorsiklo ko sa garahe matapos ay agad na pumasok sa Bahay. Na agad

naman akong sinalubong ng yakap ni Nanay, mahigpit ko siyang niyakap, as in subrang higpit.

"Masakit na naman ito noh?" sambit ni Nanay sabay tapat ng kamay niya sa bandang puso ko.

Tinawanan ko nalang siya. Matapos yun ay agad akong umupo sa sofa naming at binuksan ang TV.

Nakatulala ako yung tila ba nanunuod ako pero wala akong naririnig

Malalim ang iniisip hanggan sa mapansin kong nakaupo na satabi ko si Nanay.

"Pangatlong beses na yan, mahirap makalimot kapag pangatlong pag-ibig " saad ni Nanay na nanunuod ng TV.

Oo nga noh? Pangatlo na to, pare-parehong sinasaktan lang ako ng taong minamahal ko.

"Ano ba pinagkaiba Nay eh pagmamahal naman pare-pareho yun---- at pare-parehong sakit din" agad na sagot ko sabay akbay sa Nanay ko.

"Yun na nga pangatlong beses ka ng nagmahal pero parehong sinaktang ka lang, Dun sa una at pangalawa mo dapat may natutunan ka. At dapat kung ano mang sakit ang naranasan mo sa una at pangalawa dapat hindi mo na nararanasan sa pangatlo-----yan ang sinasabing natututo"pangangaral sakin ni Nanay.

Kaya agad akong napaisip, Oo nga naman sa tatlong pagibig ko pare-pareho akong nagpalaya.Pare pareho ko silang pinalaya.

Maya maya nagtaka ako biglang tumunog ang phone ko sa bag.

Pagtingin ko tatlong text at limang tawag galling iyon kila Jackie at Greg

.

.

.

From Jackie

- Can you be here?I need you....please

Kasunod nun ang kay Greg

From Greg

- Pare...Nasan ka?Pumunta ka sa Pedapu

- Pare asan ka? Hindi dumating yung Dapu

Medyo nagtaka ako, bakit hindi dadating yung Dapu na yun? Kaya agad kong tinawagan si Greg.

Habang hinihintay na sagutin niya ay agad uli akong nagsuot ng Jacket.

"Hello anyare kay Jackie?" agad na pagtanong ko ng masagot ni Greg ang tawag ko.

"Pare nagiiyak dito. Hindi dumating yung Dapu eh"

"Sige wag kang aalis dyan hanggat wala pa ako dyan ha? Sino kasama ngayon ni Jackie?" paguusisa ko.

"Wala pare eh.. nagpaewan siya nagsisigaw kanina eh"

"Wag mong iiwan papunta na ako" saad ko sabay patay ng tawag at agad na pinaandar ang motorsiklo ko.

Agad namang napasigaw si Nanay ng makita niya akong sakay uli ng motorsiklo ko.

"San ka pupunta gabing gabi na?" sigaw sakin ni Nanay.

"Babalik ako bukas dito Nay" agad na sagot ko.

Hindi ko alam pero kahit nasaktan ako ni Jackie ayaw ko parin siyang umiiyak.

Mabilis ang takbo ko para din kaagad na makarating sa Pedapu. Medyo hindi traffic kaya okay lang.

"Ang kapal din naman ng muka mong Dapu ka para saktan si Jackie" bulong ko sa sarili habang nagmamaneho.

You're still the ONE ( COMPLETED)Where stories live. Discover now