CHAPTER VIII

78 7 0
                                    

Abala ang lahat dahil sa Contest mamaya. Pati na din sa Hawaiian Dance pagkatapos ng Singing Contest.

Maliban sa pagiinsayo abala ang iba sa paghahanap ng kanilang susuotin at kasama na dun si Jackie.

Hinahanglungkat niya ang lahat ng lagayan niya ng damit. Para makakita ng susuotin mamaya.

" Mommy ano susuotin ko?" Ani ni Jackie ng nawalan ng pag-asa sa paghahanap.

" diba meron ka nung light blue na dress na may mga bulaklak ? Yun nalang " agad na sagot ng Mommy ni Jackie habang abala din sa pagsusukat.

" eh subrang sexy non mommy eh " pagrereklamo ni Jackie.

" kesa magpanty at bra ka dun diba mas sexy ! " agad na sagot ni Mommy Che sa anak.

Hinalungkat ni Jackie lahat at maya maya rin ay nakita na niya ang damit na tinutukoy ni Mommy Che.

Pinagpag niya ito para mawala ang alikabok. Matagal tagal na din na di niya nasuot ang damit na yun.

Lumabas siya ng kwarto niya at itinapat sa katawan niya ang damit , umikot ikot at biglang ngumiti sa harap ng salamin.

" ito yun mommy? " ani niya sabay pakita sa damit tumango lang si Mommy Che.

Kaya agad na pumasok uli sa kwarto niya si Jackie sinuot ang damit at muling lumabas at humarap sa salamin umikot ikot uli. Para tingnan kung bagay ba.

Tinitigan niya ang sarili niya sa salamin. Iniisip kung maglulugay ba o magpoponytail.

Kumuha siya ng suklay sinuklayan ang medyo mahabang at tuwid na buhok at mas piniling maglugay nalang.

Matapos ay tumingin ito sa orasan.

3:50 pm

Agad na nagmadali si Jackie dahil eksaktong 4:00 magsisimula na.

Nagsuot agad siya ng Asul ding sandals at mabilis na bumaba at pumunta sa motor niya at pinaandar.

Nang sa di malamang dahilan napalingon siya sa pinaparadahan ng motor ni Vice.

" Asan kaya yun?" Ani ni Jackie ng makitang wala ang motor ni vice sa pinaparadahan niya.

Kaya naman agad na pinaandar niya nalang ang motor at bumyahe na papuntang Pedapu Beach.

Pagkarating niya dun medyo madami madami ng tao dun at lahat nakasuot ng Hawaiian attire.

Agad siyang nagpunta sa cottage para eprepare ang lahat ng salubungin siya ng isang batang babaeng nakasuot ng pink na hawaiian dress.

" ate ang ganda mo" agad na bungad ng bata sa kanya.

Napangiti si Jackie at bahagyang umupo para kausapin ang batang babae.

" ikaw din naman maganda a' siguro ang ganda din ng mommy mo noh?" Ani ni Jackie pero napansin niyang biglang nagiba ang aura ng bata.

" wala naman po akong mommy at daddy e' nakatira po ako sa home for the girls po " sagot ng bata hawak hinahawakan ang laylayan ng kanyang damit.

Nanlumo si Jackie kaya agad na niyakap niya iyon.

" dont worry ha? Simula ngayon ako na ang Mommy mo. Ano nga pala pangalan ng baby girl ko?" Pagtatanong ni jackie sa bata habang hinahaplos ang buhok nito.

" Queenie Jaice po " agad na sagot ng bata kasabay pa ang ngiti sa labi nito.

" ah Jaice sige baby girl maglaro ka muna dun ha? Lapit ka lang kay mommy pag may kailangan ka ha?" Sambit ni Jackie sabay ngiti.

Tinitigan siya ng bata at biglang niyakap , yakap na subrang higpit ilang minuto lang ay agad na ulit tumakbo ang bata at nakipaglaro.

Tinanaw siya ni Jackie na papalayu matapos ay inasikaso na ang mga gagamitin.

Nang mapansin niya dumadami na ang mga tao tinanaw niya sa paligid si Vice pumunta di siya sa mga paradahan ng motor kung nandon naba ang motor ni Vice pero wala pa.

Ilang minuto nalang magsisimula na.
Kaya lumapit siya sa Emcee.

" Wag mo na kaming tatawagin ha? Wala kasi yung dapat na kaduet ko" ani ni Jackie sa Emcee na tango lang bilang sagot.

Nang magsimula mas pinili niyang maglakad lakad papuntang kabilang dako ng dagat.

" sabi ko na nga ba di ka dadating " bulong niya sa sarili.

Nang marating niya ang kabilang dako ng dagat tinitigan niya ito. Nang di na niya namalayang napaluha na pala siya. Agad niya itong pinunasan at mas piniling pumikit.

Emcee : Bago tayo magsimula sa Singing Contest proper may kani-kanina lang ay mapilit na magpeperform daw sila kay Lets welcome them!

Vice : Uhhhm uhhhm uhhhm minsay pinagtagpo  ngayoy magkalayu
Jackieeeeee nasan ka? Nandito ako!

Napadilat si Jackie ng tawagin ang pangalan niya. Hindi siya pwedeng magkamali boses ni Vice yun .

Kaya agad agad siyang naglakad papuntang cottage na pinanggagalingan ng boses.

Vice : ngunit di papatalo sundin lang ang puso

Habang si Vice patuloy ang pagkanta ay tinanaw tanaw nya kung nasan si Jackie.

Nang maya maya ay nakita nya ito sa kabilang dako ng cottage

Jackie : di kailangan pilitin
Mas kailangang piliian lang

Agad na nilapitan nila ang isat isa. At ng maglapit na ay agad na niyakap ni Vice si Jackie. Yakap na subrang higpit.

Vice and Jackie : tayooooo ohhh kahit ano man ang mangyari sa dulo laging may bahaghari. Magkaiba man ang mundo umulan bumagyo pangako ikaw parin at ako.

Matapos ang ilang minutong yakapan ay hinawakan ni Vice ang buhok ni Jackie at matapos ay ang muka nito.

Jackie : tayoy magkatabi ngunit sating panaginip lang sa bawat araw gabi alaala ay ako at ikaw

Maya maya din bagamat nagdadalawang isip ay hinawakan na din ni Jackie ang muka ni Vice at dahan dahang nilapit sa muka neto sa muka ni Vice.

Bawat isa sa kanila ay di matanggal ang mata sa pagkakatitig sa isat isa.

Vice : pero wag kang mabahala akoy humiling na sa tala sa huli

Vice and Jackie : tayoooo ohhhh kahit ano man ang mangyari sa dulo laging may bahaghari magkaiba man ang mundo umulan bumagyo ikaw parin at ako.

Patuloy ang patitigan nilang dalawa habang kumakanta.
Kasabay non ang dagundung ng hiyawan ng mga tao sa Pedapu Beach dahil sa malaconcert na ginawa niya.

vice : ahhhhhhh kahit ano man ang mangyari sa dulo laging may bahaghari
Jackie : magkaiba man ang mundo umulan bumagyo
Vice : bumaha lumindol

Muli ay naglapit na naman ang kanilang mga muka kasunod non ang agad na paghawak ni Vice sa kamay ni Jackie.

Vice and Jackie : Magkahawak kamay pangako ikaw parin at ako

Nang sa di malamang dahilan agad na napapikit si Jackie at nakita iyon ni Vice ilang segundo ay agad na hinalikan ni Vice si Jackie habang magkalapit ang kanilang mga muka.

Kasunod non ang isang malakas na hiyawan ng mga tao.

Tila naman nawala sa sarili si Jackie ng ilang sandali. Hindi siya agad nakapagsalita. Nakatitig lang ito sa mukang kaharap niya na abot langit ang ngiti.

Habang kitang kita naman sa maputi niyang pisnge ang pamumula niya.

Emcee : ay ang sweet sweet naman sheney eyl!

Sambit ng Emcee nagising nalang si jackie ng biglang may patakbong lumapit sa kanila.

" Mommy Daddy!!!! " sigaw ni Baby Jaice na agad namang kinarga ni Jackie.

You're still the ONE ( COMPLETED)Where stories live. Discover now