CHAPTER XX

84 5 0
                                    

VICE POV

Hindi ko alam para akong mawawalan ng malay sa sinabi ng doctor samin.

Sinubukan kong pumasok sa OR para makita ulit si Jackie matapos niyang magseizure pero pinigilan ako ng isang nurse.

"di po muna pwedeng makapasok ngayon" saad ng nurse sakin.

Kitang kita ko naman ang labis na pag-aalala ni Mommy Che sa anak niya.

Sino ba naman di mag-aalala kung malalaman mong nag-aagaw buhay ang anak nila diba?.

Ako naman paulit ulit kong sinisisi sarili ko sa nangyari kay Jackie at kung may mangyari sa kanya hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Hinding hindi

"Anak balik na tayo sa room ?" saad sakin ni Nanay.

Umiling ako, gusto kong makita si Jackie.

"Hindi ako aalis dito Nay hanggat hindi ko nakikita si Jackie na ok na"

Tumitig lang sakin si Nanay.

"Anak ang kailangan natin ngayon prayers sa inyong dalawa para gumaling kayo.. at papagalingin ng diyos si Jackie" saad ni Nanay sakin.

Bagamat labag sa loob kong bumalik sa room ko wala akong magagawa, hindi ako makalakad ng mag-isa eh.

"Magpapagaling ako Jackie. hinding hindi na kita iiwan"bulong ko sa sarili.

Pagkapasok namin sa room agad na sinalubong kami ng doctor ko.

"Doc?" agad na sambit ko.

"Uyy Mr.Viceral kumusta na nararamdaman ?" pagtatanong ng doctor sakin.

"Okay na doc pero hindi na po ba ako makakalakad?" sambit ko sa kanya sabay tingin sa sarili ko na nakawheelchair.

"Dont worry makakalakad ka pa kailangan mo lang magpalakas tas magtry ka na uli maglakad as of now wala pang lakad ang mga buto mo kaya mararamdaman mo kapag sinibukan mo tumayo sumasakit pero try mo nga tumayu" ani ni Doc sakin sabay akay sakin para tumayo.

dahan dahan akon tumayo sa wheelchair, habang tumatayo wala naman akong nararamdaman na pagsakit.

"doc.. doc.. wala akong nararamdamang sakit" saad ko na subrang saya.

"Good .. sige pa full strength na tayo "ani ng doctor sakin.

Kaya dahan dahan akong tumayo ng tuwid at dahan dahan hinakbang ang mga paa ko.

"Doc...Nay.. nakakalakad na ako.. magaling na ako naay" masayang sambit ko kay Nanay 

Na ikinatuwa din naman niya.

"Congratulations sayo Mr. Viceral.. so bukas na bukas pwede ka ng madischarge.. papadala ko lang dito lahat ng resitang gamot mo at kailangan mo yung inumin para bumalik sa normal lahat ng sugat mo ha?" pagpapaliwanag sakin ng doctor.

Masaya naman akong tumango bilang tugon ko sa kanya.

"Sige mauna na ako.." pagpapaalam ng doctor.

"Nay nakakalakad na .. " sambit ko sabay yakap sa nanay ko.

"Salamat sa Diyos anak" saad ni Nanay

Bigla akong natahimik. At dahan dahang humarap kay Nanay.

"Nay lahat ba ng prayer niyo sa kanya tinutupad niya?" saad ko habang nakatitig sa imahe ni Jesus sa kwarto ko.

Tumango si Nanay.

"Tinutupad niya ang prayers kapag yung pinipray mo...para sayo talaga.. at para sa ikabubuti mo" sagot ni Nanay sakin.

You're still the ONE ( COMPLETED)Where stories live. Discover now