CHAPTER XIII

67 5 0
                                    

Jackie's POV

Bumaba ako ng kampo nila Vice na nagtataka. Nasan kaya siya? Saan siya pumunta?

Ilang minuto kong tinitigan ang motorsiklo. Nagtataka man pero hinayaan ko nalang.

Pinuntahan ko nalang ang motorsiklo ko para eprepare na ang birthday celebration ni Dapu.

Ito yung unang unang birthday niya na makakasama ko siya.

Napapangiti nalang twing iniisip ko yung gabing muli ko na naman siyang nayakap.

" Mommy mauna nako sa Pedapu ha? Sumunod nalang kayo " saad ko kay mommy habang nakasakay na ako sa motorsiklo ko.

Tumango lang si Mommy sakin. Habang ako nginitian lang siya.

Nang marating ko ang Pedapu. Agad kong nilagay lahat ng decorations tarpulin pati balloons gustong gusto ko siyang sorpresahin sa birthday niya.

Nang maisabit ko na ng tarpulin, agad ko naman tinarbaho ang mga balloons.  Matapos yun tinitigan ko ito.

" Para sayo to Dapu " bulong ko sa sarili.

Maya maya maayos na ang lahat, prepare na lahat pati pagkain. Dahil nga sabi ko ito ang pinakaperpektong araw ni Dapu.

Mag-aalas otso na nung dumating sila Mommy dala ang iba pang pagkain. Nandun lahat yung mga kaibigan ko at pamilya ko. Ang saya ko lang na andito silang lahat para kay Dapu. Suportado nila ang kasayahan ko.

Maya maya nagtaka ako may papalapit sa akin. Nakajacket na itim at nakasumbrero. Buong pagaakala ko si Vice. 

"Jackie ito nga pala pinapadala ni Vice hindi daw siya makakarating eh"

Yun pala si Kuya Greg.. Ibinigay niya sa akin ang isang bouquet ng Pink Roses at isang cake. Agad ko itong nilagay sa lamesa kasama ng bouquet.

"ayy thank you kuya ha! eh Nasan pala si Vice?" paguusisa ko.

Tila ba blangko ang pagmumuka ni Kuya Greg. Matagal siyang nakasagot. 

"Ah di ko alam eh basta nasa Oplan Ligaw yun" nauutal na sagot niya sakin.

Tumango nalang ako. Naiisip ko na lang iniiwasan ba niya ako?

Hindi ko alam pero ayoko nalang sirain ang maganda kong araw ngayon dahil sa kanya. Alam ko naman babalik din siya pagkatapos ng Oplan Ligaw nila.

Pinaupo ko na si Kuya Greg sa malapit na upuan. At agad tiningnan ang phone ko kung nagreply naba si Dapu sa mga text ko.

Pero wala pa rin. Kaya tinext ko ulit siya.

To Dapu

-Nasan ka ?Punta ka na dito Dapu!

Tiningnan ko ulit ang orasan ko mag-aalas nuwebe na ng gabi. Pero wala parin kahit isang reply si Dapu.Tiningnan ko ang mga tao, sila mommy tila ba naiinip na sila.

Kaya lumapit ako sa kanila.

"Hintay lang po tayo ha?Papunta na siya" sambit ko kasabay ang hilaw na ngiti pagkatapos ay lumakad uli ako papuntang dalampasigan ng dagat. Tinitext si Dapu pero kahit isang reply wala akong natanggap.

"Dadating ka!Dadating ka Dapu!" bulong ko sa sarili.

Nanatili ako sa dalampasigan ng dalawang oras. Dalawang oras ko siyang tinadtad ng text at tawag pero kahit isa wala siyang sinagot at nireplayan.

"Anak dadating pa ba siya?11:00 na umuwi na nga yung iba eh, nainip"

Nilingon ko si Mommy kasabay nun ang pagtulo ng aking luha.

"Dadating siya Mommy paunahin mo nalang muna silang kumain Mommy tas pagkatapos pwede na silang umuwi pero ako dito lang ako" madiing sambit ko kay Mommy

Na agad naman niya akong niyakap. Pagkatapos nun eh pumunta na siya sa cottage para simulan na ang pagkain.

Habang ako hinayaan ko lang tumulo yung mga luha ko. Hinayaan ko lang dumaloy ang mga ito.Muli ay tumingin ako sa kalayuan ng dagat.

"Pinaghandaan ko to Dapu....Pinaghandaan ko to... Tapos di ka pupunta bakit? " bulong ko sa sarili.

Lumingon ako sa mga taong natitira. Kaunti na talaga sila. Muli ay tumingin ako sa orasan 12:00 na. Kaya pumunta ako sa cottage. Kasunod non ang isang malaking buntong hininga.

"Pagkatapos po nito pwede na po kayong umuwi, pwede din po kayong magdala ng pagkain. Sorry po sa abala"

Hindi ko alam pero nahihiya ako, nahihiya ako sa mga taong pumunta, yung mga naabala. Tinitigan ko si Mommy.

Muli ay bumalik ako sa dalampasigan at umupo. Subrang bigat ng nararamdaman ko. Subrang sakit.

Kinuha ko sa bulsa ko ang phone ko.

To Vice

- Can you be here? I need you.. please..

Siya lang ang tao ang maiintindihan ako,

Maya maya may biglang lumapit sa akin si Kuya Greg.

"Jackie uwi na ako ha?" pagpapaalam niya.

Tumango lang ako sa kanya. Matapos yun ay napansin kong si Mommy nalang ang nandon sa Cottage naglilinis ng pagkain.

Tinitigan ko ang Tarpulin at ang mga balloons.

Muli ay tumingin ako sa phone ko walang message. Napabuntong hininga ako.

Lumakad ako papalapit sa Tarpulin at buong lakas na tinanggal ito.

"Anong kasalanan ko sayo Pinagpaguran ko to...Pinagpaguran ko ito Dapu!!!!!Ba....kit?" pagsigaw ko.

Subrang lakas ng sigaw ko na halos mawawalan ako ng lakas. Matapos nun ay tinanggal ko na din ang mga balloons na nakasabit.

"Hindi ko alam akong kasalanan ko sayo Hinintay kita tapos ito lang gagawin mo sakin.. Minahal kita .. Minahal kita Dapu" muling sigaw ko na napaluhod na ako sa buhangin.

Agad naman ako pinigilan ni Mommy

"Anak we cannot please anyone..umuwi na tayo bukas nalang natin to ayusin " pagaakay sakin ni Mommy.

"Hindi mommy dito lang ako, Pupunta siya dito" giit ko kay Mommy

"Anak gabing gabi na kung talagang pupunta siya edi kanina pa" agad na sagot ni Mommy sakin

"No mommy dito lang ako, Dadating siya Mommy.. Dadating siya.. Dadating" giit ko kay Mommy.

Pinatayo ako ni Mommy sa pagkakaluhod sa buhangin at mahigpit na niyakap.

"Sumunod ka kaagad ha?Uuwi na ako"

Tumango nalang ako. Dala dala ni Mommy lahat ng sisidlan ng mga pagkain.

Habang nakikita ko si Mommy na palayu na. Agad kong itinuon ang atensiyon ko sa tarpulin.

Kasunod na non ang pagbugso ng aking mga luha. Di ko na mapigilan, subrang sakit.

"Matagal kitang inantay, subra akong nanabik sayo. Kasi sabi mo babalik ka.... pero bakit parang iba ka na?" Sambit ko na humahaguhul na sa pagiyak.

"Bumalik ka nga pero parang subrang sakit naman ata ng pagbabalik mo... parang hindi na kita kilala"

.

.

.

.

.

"Jackie"


You're still the ONE ( COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن