Chapter V

91 8 0
                                    

Ilang oras na nagpabalik balik si Jackie  sa kwarto lalabas ulit tapos papasol ulit ng kwarto , tila ba aligaga.

" ano ba gusto ko pang matulog " reklamo ni Jackie habang sinasapo ang ulo ng ilang beses.

Tiningnan niya ulit ang oras sa phone niya

1:12 am

" takte isang oras nakong gising " sambit ni Jackie sa sarili. Muling umupo siya sa biranda at ng maramdamang inaantok na ay agad na pumasok sa kwarto niya para mahiga at matulog.

Samantalang sa kabilang dako di na ulit nakatulog si Vice ang ginawa nalang niya ay iguhit ang panaginip niya sa isang malinis na bond paper. Kasabay ng pagdrawing kinuha niya na rin yung baril nya para na din magduty.

Bago pa man siya makapagsimulang gumihit ay ilang minuto muna siyang tulala iniisip ang panaginip.
" ano kaya ibig sabihin nun?" Sambit ni Vice sa sarili na unti unting sinimulan ang pagguhit.

Hanggang sa bigla nalang itong napatakbo sa quarter niya.
" ano kaya title nung kanta" sambit niya sabay punta sa youtube ng phone niya at sinearch ang title ng kantang bumabagabag sa kanya.

" ah yakap pala putcha ang ganda naman " agad na dinowload ito ni Vice at pinakinggan at nagsimula uling magguhit.
Ilang oras na pagdadrawing naiguhit na niya ang kanyang panaginip.
" Grabe subrang panaginip talaga " sambit ni sabay habang tinititigan ang kanyang drawing.

Bumalik ulit sya sa quarters niya at dinikit ito sa dingding sa may ulunan niya.

Agad siyang tumingin sa phone niya at nagscroll ng mga photos.
Nakita niya dun ang mga litrato nila ni Karylle. Isa isa niya ito tinitigan.

" Sana masaya ka sa kanya " sambit niya sa sarili sabay isa isang binura ang lahat ng litrato ni karylle pati na din phone number nito. Matapos non ay isang buntong hininga.

" Life must go on kakalimutan na kita " sambit ni Vice kasabay non ang pagpikit ng kanyang mata at kasunod non ang huling luha para kay karylle.

" Vicee "
" sir yes sir?" Agad na labas sa quartees neto at tayo ng tuwid sabay ang pagsalute.
" Dito ka lang ha? Baka may puntahan mamaya" paguutos ng Commander ni Vice.
" Sige po sir" agad na sagot ni Vice.
.
.
.
.
.
" Anak gising na!"
" aanaaaak!"
Paggigising ni Mommy Che kay Jackie na nasa kasarapan ng tulog.

" Mommy ano ba?" Papungay pungay na pagtatanong ni Jackie.

" Gising na nandito na yung motor mo tapos ito yung araw na lilinisin natin yung dagat diba?"

Biglang napatayo si Jackie at agad na pinilit gisingin ang kaninang natutulog na katawan.

" Ay ngayon ba yun sige bibihis lang ako mommy " ani ni jackie sabay ligpit ng mga kumot at unan nito.

" kumain ka muna dun hinanda ko na dun " sambit ni Mommy Che sabay labas ng kwarto ni Jackie

" Sige mommy Thank you"

Agad na kumuha ng tuwalya si Jackie at mabilisang naligo at nagbihis. Matapos ay agad na kumain ng kanyang umagahan.

" Mommy bumili na ba si Vice dito?" Pagtatanung ni Jackie.

" Wala eh di pa ata bumaba " agad na sagot ni Mommy Che habang sinusuot ang sapatos nito.

Bigla nalang natulala si Jackie, muling naisip ang panaginip niya. Agad niyang sinapo ang ulo nito at itinuon ang atensiyon sa suot ng mommy niya.

" ah alam ko na mommy magpazumba and singing contest for a cause kaya tayo? For sure maraming sasali !" Ani ni Jackie sabay subo ng isang tinapay.

" magandang idea yan nak isa ako sa sasama niyan " naeexcite na tugon ni Mommy Che.

You're still the ONE ( COMPLETED)Where stories live. Discover now