CHAPTER XII

86 6 0
                                    

Vice POV

Nang makaalis na si Greg namukmuk uli ako sa quarter ko.

Parang di ko kaya harapin ang araw araw na ganito ako.

Humiga ako nagdelete ng mga messages kasama na yung mga messages ni Jackie.

Nang sa di ko malamang dahilan tinawagan ko si Nanay.

" Nay?" Ani ko sa Nanay ko na nasa kabilang linya.

" Tutoy bakit napatawag ka?" Pagtatanong ni Nanay. Isa lang nasa isip ko ngayon gusto ko yung yakap ng nanay ko. Gusto kong mawala yung sakit na to kasama ang Nanay ko.

" Nay pwede ba akong umuwi dyan? Miss na miss na kita eh" saad ko na pinipigil ang sarili ko na umiyak na naman.

" tinatanong pa ba yan tutoy? Welcome na welcome ka dito miss na miss ka na din namin dito" agad na sagot ni Nanay. Agad akong napahikbi. Pero ayaw kong marinig yun ng nanay ko lalo nat nasa kabilang linya siya at malayo ako sa kanya.

" Sige nay uuwi ako dyan bukas nandyan na ako " saad ko sabay putol na tawag hindi ko kaya. Dun ko nalang to iiyak.

Napapabuntong hininga nalang ako kasi parang nahihirapan na akong huminga. Pano kunting kibot naiiyak ako.

Maya maya dumating na din si Greg dala dala yung pinautos ko. Tinitigan ko iyon.

Bahagya kong nginitian si Greg. Kahit masakit bahala na basta kay Jackie kaya kong magparaya lagi naman , lagi naman akong nagpapalaya kahit noon pa.

" Pre may galit ba sakin yung tadhana? Bakit ganun lahat ng pinagtatagpo niya sakin hindi sakin tinadhana? " tinitigan ko si Greg, mugto na yung mata ko halos di ko na maaninag ang taong nakikita ko. Pumipitik pitik na din yung puso ko tuwing napapabuntong hininga ako.

" Pare just let the hurt flow mawawala din yan. " agad na sagot ni Greg sakin.

" Ibibigay ko na ba to?" Pagtatanong niya.

Tumango ako bilang sagot ko sa kanya. Napapagod na ako sa lahat ng sakit. Pagod na pagod na ako.

Si Greg agad na bumaba dala ang mga pinabili ko sa kanya para ibigay ito kay Jackie.

Habang ako nagiimpake para umuwi muna. Kunting damit lang dinala ko kasi ilang araw lang naman babalik din ako.

Matapos kong magimpake agad na akong bumaba pero tiningnan ko kung nandun ba sa bahay nila si Jackie. Mabuti at wala kasi wala yung motorsiklo niya.

Siguro nasa Pedapu dun din siguro hinatid ni Greg ang mga pinabili ko sa kanya.

Sinikbit ko na ang bag ko matapos ay agad na sumampa sa motorsiklo ko.
Tinitigan ko ang bahay nila Jackie.

" Pagbalik ko kaya na kitang harapin na wala ng pagmamahal sayo " bulong ko sa sarili ko.

Sana nga ! Sana nga pagbalik ko hindi ko na mahal si Jackie. Sana pagbalik ko makalimutan ko na siya.

Agad ko ng pinaandar ang motorsiklo ko. Kinuha ko muna ang earphones ko sabay lagay nito sa tenga ko.
Isang malalim na buntong hininga bago ko pinatakbo ang motorsiklo ko.

Habang nasa byahe bumabalik yung lahat ng ala ala niya. Ala ala naming dalawa.

🎶Minsan napapagod ang puso
Pag hindi ito pinapakinggan
Ng isang taong pilit mong pinaglaban🎶

Putcha naman tong tugtog ko. Nanandya ata.

Nang mapansin kong madadanan ko ang Pedapu. Huminto muna ako.

Kitang kita ko pano pinaghandaan ni Jackie ang birthday ni Dapu.

May tarpulin sa may cottage " Happy 28th birthday Dapu" yan ang nakasulat.

Maraming balloons. Prepare na prepare si Jackie. Nakita ko din doon si Greg dala dala yung bulaklak at cake na inutos ko sa kanya.

Tinitigan ko sa malayo si Jackie.

🎶Kulang pa hindi pa rin sapat
Hanggang dumating ang araw
Na wala ka ng maramdaman
Hanggang dumating ang araw nagiisa ka nalang🎶

Inaalala ang lahat ng alaala namin.
" Dumating na yung hinintay mo, at oo nauna kang saktan ako subrang sakit Jackie " bulong ko sa sarili. Kasunod non ang mga luhang unti unting pumapatak.

Umiiyak ako na nakahelmet. Kaya kahit marami ng mga tao hindi nila ako makikilala.
" siguro tama sila pinagtagpo lang tayo para saktan mo din ako"

🎶Isipin mo hindi sya para sayo kayanin mo may darating para sayo ibigay mo man ang lahat lahat hindi mo ito makukuhang sapat ang pagibig na iyong pinangarap🎶

"Siguro nga hindi ka para sakin kasi dahil ikaw nakalaan na kay Dapu"

🎶Hindi niya kayang ibalik ng sapat
Hanggang dumating ang araw na wala ka ng maramdaman. Hanggang dumating ang araw nagiisa ka nalang 🎶

Hinayaan kong bumuhos yung luha ko. Hinayaan kong maramdaman lahat ng sakit para pagbalik ko wala na. Tapos na. Nakamove on na ako.

" Kuya? Bakit ka po nandito pumasok po kayo sa Pedapu " agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses si Jaice. Bumaba ako at walang ano ano ay niyakap ko siya.

Matapos ay pinaandar ko na yung motorsiklo ko sabay patakbo neto.

Medyo malayo malayo din yung lugar namin. Kaya buong byahe ko lumuluha ako. Putcha ayaw tumigil ng luha ko eh
🎶Isipin mo hindi siya para sayo kayanin mo may darating para wag manghihinayang hindi ka niya kailangan ilang taong lumaban bakit ako lang. Isipin mo hindi siya para sayo kayanin mo may darating para sayo🎶

Habang nasa byahe bigla akong napahinto sa isang simbahan. Walang tao. Kaya bumaba ako tinanggal ang helmet sa ulo ko at binitbit ito.

Tinanggal ang earphones sa tenga ko at dahan dahang hinakbang ang mga paa ko papasok ng simbahang nasa harapan ko.

Nang nasa mismong pinto na ako.
Dahan dahan akong napaluhod. Kasunod non ang pagdaluy ng aking mga luha muli.

At dahan dahan akong lumalapit sa dambana habang nakaluhod at tinititigan ang imahe ni Jesus.

" Lord bakit? Galit ka ba sakin? Ito ba yung kaparusahan ko kasi sinuway ko yung kautusan mo na wag magmahal ng kapwa lalaki?.. Lord hindi ko pa ba yun napagbayaran?"

Sambit ko habang palapit ng palapit sa dambana habang nakaluhod. Hindi ko alintana ang sakit ng tuhod ko.

" Lord tama na please ... Pagod na pagod na ako lord... Pagod na pagod na akong paulit ... Ulit.... Ulit na saktan.. Napapagod na yung puso ko"

Napahagulgol na ako ng nasa dambana na talaga ako. Napadungo na ako sabay hawak sa sahig ng simbahan kasabay ang tulo ng aking luha.

" Lord pleaseee anak mo din naman ako diba? Bakit ganun puro sakit yung binibigay mo sakin.... Bakit ganun? Parang hanggang ngayon pinagbabayad mo ako... Nagmahal lang naman ako eh di ko naman kayang sabihan yung puso ko na wag siya kasi lalaki siya.. Ang tagal na non lord... Tama na yung pagbibigay ng sakit tama na pleaseeeee subrang wasak na wasak na ako.. Subrang wasak na dinggin mo naman minsan ako o"

Umiyak ako ng umiyak hanggang sa wala na akong maiiyak. Binuhos ko lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Matapos ang ilang oras na pagiiyak sa loob ng simbahan.

Tumayo na ako at agad na nagpunas ng luha.

" Lord kung hindi ko ako kayang pasayahin kahit si Jackie nalang kahit hindi na ako... Kahit si Jackie nalang at si Dapu" saad ko sabay lakad palabas ng simbahan

At agad na sumampa sa motorsiklo ko at agad na bumyahe papunta sa bahay namin.

You're still the ONE ( COMPLETED)Where stories live. Discover now