CHAPTER VXII

80 5 0
                                    

Agad na nagmadaling pumunta sa St.Jude Hospital sila Mommy Che kasabay ng pamangkin nito.

Mangiyak ngiyak siyang nagbihis at naghintay ng masasakyan.

At ng madadaanan nila ang lugar ng aksidente kita nila ang pagkawasak ng motorsiklo ni Jackie at pati na ang truck na nabunggo ni Jackie.

Marami pa ring tao ang nandun sa lugar.

Mare diba sasakyan to ni Jackie ani ng isang babae na nandun sa malapit sa wasak wasak na motorsiklo ni Jackie.

Napahagulhul nalang ang mommy ni Jackie sa nakita niya at napatango bilang sagot nito.

Kaya agad agad na siyang sumakay uli at dumiretso na sa ospital kung saan dinala ng ambulansya sila Jackie

Pagkarating nila sa sinabing ospital patakbong pumasok si Mommy Che sa loob.

Jackie.. Jackieeee pagsisigaw ni Mommy Che

Agad naman siyang inasikaso ng mga nurse at tinanong ang pangalan ng pasyente niya.

Ikaw po ba yung kamag-anak nung nadisgrasya sa may Pedapu Beach po?

Yes nurse ako po ang Mommy niya nasan po ang anak ko?

Paguusisa ni Mommy Che.

Nasa Operating Room po ang anak niyo habang ang isang kasamang naaksidente ay nasa ER kailangan niyo po itong permahan ang waiver para masimulan na ang operasyon ng anak niyo

Sambit ng nurse sabay lahad ng ballpen at papel na pipirmahan.

Waiver? Hindi ko to pipirmahan kasi mabubuhay ang anak ko, mabubuhay siya,gagawin niyo ang lahat para gumaling ang anak ko humahagulhul na pagmamakaawa ni Mommy che sa Nurse.

Opo maam gagawin namin ang lahat para makasurvive ang anak niyo pero hindi namin masisimulan ang operasyon kong walang pirma niyo sa waiver na yan giit ng nurse.

Kaya hindi na nagatubili si Mommy Che agad niyang pinirmahan ang waiver.

Please.. please gawin niyo ang lahat iligtas niyo ang anak ko please pagmamakaawa ni Mommy Che sa Nurse.

Tumango lang ang Nurse at agad na naglakad papuntang OR at nagtawag ng ibang Nurse.

Agad naman niya itong sinundan. Pinilit niyang pumasok sa OR pero agad siyang pinigilan ng mga Nurse.

Anak lumaban ka please.. anak pleaselumaban ka !!! umiiyak na sigaw ni Mommy Che at dahan dahang umupo sa upuan sa gilid ng OR.

Maya maya may dumating ding isang magulang na naghahanap ng kanilang anak galing din sa disgrasya.

Miss nasan yung anak ko yung nadisgrasya? agad na tanong ni Nanay Rosario sa in-charge nurse.

Kayo po ba yung magulang ni Viceral?pagtatanong ng Nurse.

Oo ako nasan ang anak ko? agad na sagot ni Nanay Rosario.

Nasa ER po siya. Ginagamot lang po ang mga sugat na natamo niya pagkatapos nun elilipat na siya sa Private room agad na sagot ng Nurse habang ginagabayan sina Nanay Rosario sa daan papuntang ER.

Tila naman nabunutan ng tinik si Nanay Rosario sa narinig niya.

Magkatapat lang Emergency Room at Operating Room kay umupo na din si Nanay Rosario sa umupuan na malapit sa ER para hintayin ang anak niya.

Naghihintay ka din ba sa anak mo? naluluhang tanong ni Mommy Che kay Nanay Rosario

Oo eh ililipat na siya sa room maya maya agad na sagot ni Nanay Rosario.

Mabuti ka pa ligtas na yung anak mo, yung akin nasa OR pa naiiyak na sambit ni Mommy Che.

Maya maya inilabas na din sa ER si Vice at ililipat na sa Private Room.

Vice? laking gulat ni Mommy Che. Kasabay nun ang paghagulhul na din ni Nanay Rosario ng makita niyang puno ng sugat ang muka ni Vice.

Anong room niyo? pupunta ako mamaya

Pagtatanong ni Mommy Che agad namang siyang sinagot ni Nanay Rosario

Room 203 sige una na kami ha? Ipagdarasal ko kaligtasan ng anak mo ani ni Nanay Rosario

Muli ay umupo siya sa mga umupuan habang hinihintay ang doctor.

Maya maya nga ay lumabas na ang doctor galing sa loob ng OR.

doc kumusta ang anak ko?

Pagbungad ni Mommy Che sa doctor.

Okay na po siya stable na lahat ng vital signs niya pero comatose pa rin siya ngayon at yan yung kailangan nating bantayan maraming dugo rin ang nawala sa katawan niya. Mananatili po siya sa OR hanggang sa maging stable ang blood counts niya.

Pagpapaliwanag ng Doctor kay Mommy Che.

Pero magiging ok naman po siya diba doc? pagtatanong ni Mommy che

Well hope so pero di ko pa masasabi lalo pa ngayon na comatose pa siya lets just pray na manatiling okay ang vital signs niya at sumunod ang blood counts niya sige po mauna na ako sambit ng doctor sa kanya sabay lakad palayu.

Halos nahirapan huminga si Mommy Che ng malaman niyang comatose pa ang anak niya.

Halos hihimatayin ito ng pagpasok niya sa OR nakaratay ang anak niyang walang malay at mahina ang paghinga. Habang ang buong katawan ay parang binalatan sa dami ng sugat na natamo niya sa disgrasya

Agad niya itong nayakap at lalong napahagulhul sa pag-iyak.

"Anak please lumaban ka please... magpapagaling ka diba?... diba malakas ka? Matapang ang Jackie ko diba?"

You're still the ONE ( COMPLETED)Where stories live. Discover now