Chapter VI

110 9 0
                                    

JACKIE'S POV

Nandito ako ngayong sa dagat nagpeprepare para sa event bukas. Inayus ko yung mga banners pati mga speakers bukas pati na ring mga bulaklak at mga gagamitin sa zumba bukas.

Medyo madilim na dahil isang solar light at ang buwan lang ang nagpapaliwanag sa buong paligid ng karagatan. Medyo malamig na din ang simoy ng hangin.

Nang mapansing kong okay naman na ang lahat para bukas umupo ako sa may buhangin ng dagat dinaramdam ang sariwang simoy ng hanging dumadampi sa balat ko. Tinitigan ko ito simula sa pinaka malayung dako ng dagat sinasariwa ko ang dating mga alaalang alam kong hindi na mababalik pa kasi tapos na.
Naalala pa kaya niya ako? Pinikit ko ang mata ko at isa isang sinasariwa ang isang taong hinding hindi ko makakalimutan dito.

"Peti bat malungkot ka na naman?" Sambit niya sabay yakap sakin.
" Kasi dapu si Daddy babalik na ulit sa barko iiwan na ulit niya kami" mangiyak ngiyak na sambit ko.
" peti wag ka na umiyak babalik din naman daddy mo at kahit naman wala siya sa tabi mo nasa puso ka naman niya parati diba?" Sambit niya sabay yakap sakin.
" peti" tawag niya.
" wag na wag mo akong kakalimutan ha?" Sambit niya habang nakatingin sa karagatan.
" bakit naman dapu?" Pagtataka ko habang pinupunasan yung mga luha ko.
" dadalhin ako nila mommyla para sa operasyon ko " sambit niya.
" iiwan mo din ako dapu?"
" hindi peti , hindi kita iiwan babalik ako yung magaling na magaling na kaya hintayin mo ko peti"

" umuulan na halika na " sambit ng boses sa likod ko na nilagyan pa ako ng Jacket at pinayungan pa ako.

Agad ko itong nilingon. Hindi ako pwedeng magkamali sa boses na pinanggagalingan.
" Viceee?" Sambit ko na sadyang isang maaliwalas na ngiti lang ang tugon niya.
" umuulan na ali ka muna dito magkakasakit ka sige ka walang zumba bukas " sambit niya habang inaakay ako papuntang cottage.

" Vicee" sambit ko balak ko sanang sabihin yung napanaginipan ko.

" Jackie " tugon niya.

Sasabihin ko ba? Eh wag na! Nakakahiya! Kaya ngumiti nalang ako bilang tugon sa kanya.

" bat ka nga pala nandito?" Agad na tanong ko sa kanya sabay kuha ng Jacket niya.

" kasi nandito ka!"

Eh ano ba Vice! Wag kang ganyan!

" bakit nga?" Pagngungulit ko.

Baka naman kasi napanaginipan niya din ako . Sanaa!

" Nakita ko yung fliers kanina yung may inutus sakin si Com. Ipapatourist spot to?" Pagtatanong niya sakin.

" oo bukas nga may event " dagdag ko.

" nakita ko nga yun sa fliers grabe noh mapapaayos na talaga tong dagat na to " sambit niya habang tumititig sa dagat.

Habang ako nakatitig na sa kanya.

" oo nga eh mababalik na siya ulit sa ayos " ani ko.

Muling tumahimik ang paligid dinama namin ang serenity ng paligid.

" di ka pa ba uuwi gabi na masyado ah?"  Pagaaya niya sakin.

" ito na nga uuwi na tara!" Sambit ko at agad na tumayo. Nabigla ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko habang naglalakad papunta sa motor ko palihim kong tinitigan yon. At agad na napangiti ako ng mga non.

" nga pala may bagong motor nako" pagmamayabang ko sa kanya.

" oo nga nakita ko sana all naman may bagong motor " sambit niya.

Nang marating namin ang mga pinaradahan ng motor namin agad na naghiwalay kami para magkapagdrive at makauwi bago umuulan.

" dito nako ha una ka na " sambit ko sa kanya na isang metro ang agwat ang pagitan. Pero hindi ko narinig na pinaandar niya ang motor niya kundi inilawan ako.
" hindi mauna ka dito ako sa huli " tugon niya. Kaya agad akong sumampa sa motor ko pinihit ang manibela nito at nagpatakbo pauwi ng bahay at hindi nga ako nagkamali nasa likod ko lang siya.
Tinitignan ko siya ng palihim mula sa side mirror ko. At sa di malamang dahilan napangiti ako.

You're still the ONE ( COMPLETED)Where stories live. Discover now