Chapter IV

87 11 3
                                    

VICE POV

Grabe ang bilis matuto ni Jackie sa pagdadrive iba talaga kapag desidido ang tao.

Subrang haba ng araw na to puno ng emosyon. Salamat nalang talaga kay Jackie kung hindi sa kanya baka nagpakalunod nako sa lungkot ko.

Pagkarating ko ng kampo namin agad akong dumiritso sa kusina para tingnan kung anong makakain at hay salamat hindi ako nagkamali may adobo nga.

Agad akong kumuha ng pinggan at kanin at kumain na din.

" Pare kain tayo " pagaayo ko kay Greg na nooy nililinis ang baril niya.

" Sige pare tapos nako kumusta naman yung pagtuturo mo ng drive dun sa dalaga sa baba?" Paguusisa ni Greg sakin.

" aba't ang talino pare biruin mo pang two days palang namin ngayon pero nagpapaharurot na ng takbo" sambit ko habang sumusubo ng pagkain.

" ay kanino pa ba matututo edi sa nagturo " ani niya sabay halaklak

" ikaw talaga pare mabilis lang naman ako magpatakbo kung may operation tayo" pagpapaliwanag ko.

Habang kumakain bumalik sa isip ko yung sinabi ni Jackie, yung mga payo niya.

Bigla nalang akong natawa at napailing.

Matapos kung kumain hinugasan ko ito at agad na dumiretso sa quarters ko.
Agad na akong humiga at pinikit ang mata.

" I love you Vice pwede sakin ka nalang?" Sambit ni Jackie sakin.

Takte subrang ganda niya , nakadress na kulay pink at nakalugay ang buhok.

" ikaw Jackie ha? Gusto mo pala ako ha?" Pabirong tugon ko sa kanya.

Lumapit siya ng lumapit sakin. Hinawakan ko yung buhok niya, hinaplos hanggang sa inilapat niya ang mga labi niya sa labi ko

Ang halik na yun subrang puno ng pagmamahal, nagaalab.

" teka , teka mali to " pagtitigil ko.

" anong mali Vice mahal kita di mo ba ako mahal?" Ani niya na puno ng pagsusumamo ang mga mata.

" Jackiee... Mahal kita pero alam mo naman diba?" Sagot ko sa kanya sabay ng pagkamot ko sa ulo niya.

Hinawakan niya ang kamay ko iginiya niya sa beywang niya tapos ang dalawang kamay niya nasa balikat ko.
Kasabay nun ang pagtugtug ng yakap.

Ako ay nagbalik
Sa init ng iyong yakap
Parang ibon sabik sa isang pugad
Nadanas ko ang lungkot.

Nilapit nito ang katawan sa katawan ko
Sinasabayan namin ang himno ng kantang tumutugtog.

Hindi ko alam pero ayaw kong matapos ang oras nato.
Gusto kong manatili ito habang buhay.

Tiningnan ko si Jackie
Dinadama niya ang tugtug
Nakapikit ito habang dahan dahang isinasandal ang ulo nito saking balikat.

" Naguguluhan ako Jackie pero bahala na "

Nagpatuloy kaming magsayaw sa tabing dagat hanggang sa umabot ang paglubong ng araw.

Di ko namalayang unti unti palang tumutulo ang aking luha, ang luhang nooy puno ng sakit ngayon ay tuwa.

Ako ay nagbalik
At muli kang nasilayan
hindi na ako muli pang lilisan
Dahil pag ikaw ang yakap ko
Parang yakap ko ang langit
At yakap ko pati ang iyong ngiti.

Dahan dahan kong pinikit ang aking mga mata at sinabayan ang kanta.

" Jackie ayokong matapos ang sandaling to " sambit ko habang hawak hawak ang beywang niya habang sinasayaw ito.

" Hinding hindi matatapos Vice" sambit niya matapos nun ang isang malamig na hangin.
.
.
.
.
.
Agad napabalikwas ako galing sa maidlip ng pagkakatulog.

" puteeeek panaginip" sambit ko sabay sapo sa ulo ko.
" grabeeee yun ah si Jackie pa talaga " sabi ko sa sarili ng matauhan agad akong uminom ng tubig matapos nun.

End of VICE POV

JACKIE'S POV

Matapos naming magsight seeing ni Vice dun sa dagat agad na kaming umuwi.

Hay salamat bukas wala ng driving lessons di ko na makikita yung mukang kanal na yun.

Pagpasok na pagpasok ko ng bahay nandun sa biranda ang Mommy ko nakaupo.

Kapag tuwing hapon kasi sanay na siya na kapag natapos na siyang magwalis uupo yan sa biranda dahil dun lang naman medyo mahangin.

" kumusta anak?" Agad na bungad ni Mommy sakin.

" ok lang mommy nagpapaharurut nako magaling na magdrive anak mo san na ba yung motor?" Pagmamayabang ko habang hinuhubad ang sapatos ko.

" aba ang galing ah dalawang araw palang ah " pagkabilib ni mommy na tila ba ayaw manila.
"Naman mana sa mommy eh matalino " sambit ko sabay lagay ng sapatos ko at halik sa mommy ko.

Natawa nalang ang mommy ko sa sinagot ko bakit ba ? Totoo naman matalino kami noh!

Ginalaw galaw ko yung balikat ko dahil medyo sumasakit ng marating ko ang kwarto ko agad akong nagpalit ng damit.

At pagkatapos pumunta sa kusina pinagbubuksan ang kaldero at mga kawali kung may sinaing at ulam ba. Hindi nman ako nagkamali meron nga paborito ko pa adobong karneng baboy.

Grabe naglalaway talaga ako kapag adobong baboy na yung ulam eh kaya agad na kumuha ako ng pinggan at kumuha ng kanin. Habhab na dis.

Matapos nun nagtoothbrush ako at di na nakapagpaalam kay mommy na matutulog nako. Inayos ko yung higaan ko. Pinagpag yung kumot at unan. At pabagsak na inihiga ang katawan ko.
Ay teka nakalimutan phone ko tsaka head phone.
Agad akong nagpatugtug sabay lagay ng earphones sa tenga ko at pumikit na.
.
.
.
.
" Habulin mo ko" sambit ko na tila ang saya saya naghahabulan kami ni vice sa dagat.
" ang daya mo eh ang bilis mong tumakbo " pagrereklamo niya.
" kala ko ba kabayo ka dali na habulin mo ko come baby come " pabiro kong sambit.
" ikaw talaga kapag nahuli kita lagot ka sakin " pananakot niya na pilit akong hinahabol.
" Huli ka " sambit niya sabay pulupot ng mga kamay niya sa katawan ko. Nakaharap ako sa kanya ngayon. Ang liwanag ng muka niya parang subrang gwapo. Hanggang sa hinarap niya ako sa papalubog na araw. Sumisipol siya.
Ilang minutong binalot na katahimikan ang paligid namin hanggang sa kumanta siya.

I do
I do
All i am
All ill be
Everything in this world
All that ill ever need is you
Eyes shining at me
When you smile i can feel
All my passon
Unfolding your hand brushes mine
And a thousand sensation
Seduce me cause i
I do cherish you
For the rest of my life
You dont have to think twice.

Agad siyang napatigil pinaharap uli ako sa kanya. Tinitigan ko siya sa mata.
Nagkatitigan kami nang sa di malamang dahilan napapikit ako.

Hanggang sa maramdaman kong naglalapat na ang labi niya sa labi mo.
Ayoko! Ayoko ko pa ng first kiss pero parang wala akong lakas na pigilin siya dahil ginusto ko din.

Tumigil siya at muling tumitig sakin
" Jackie pwede tayo nalang ?" Matapos non ay hinalikan niya ako sa noo.

At hindi ko malaman hinawakan ko ang mukha niya, hinawakan ng dalawang kamay ko. At dahan dahang nilapit ang muka ko sa muka niya at hinalikan siya. Kasabay ng nagiinit na halik ang hanging dumadampi sa katawan ko.
.
.
.

" Araaaaay!" Sigaw ko takte kinagat ako ng daga.
Takte anong bangungut yun? Si Vice pa!
Agad kung tiningnan phone ko 12:12 am abat alas dose pa. Kaya agad akong lumabas ng kwarto para uminom ng tubig.

Nagtambay ako ng biranda takte di ako uli makatulog iniisip ko yung letcheng panaginip na yun. Isang malaking barubal taktee sa lahat ng tao si Vice pa.

You're still the ONE ( COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora