1

51 7 5
                                    

Naalala mo pa ba? Nung una tayong magkita?

Unang araw 'yun ng pasukan sa highschool at wala akong kakilala kasi transferee ako sa school niyo.

Ang epic lang nung una nating pagkikita 'cause unlike every other lovestory na nagsisimula sa slowmo at mga cliché na scene na tulad ng nagkabanggaan sa hallway at tinulungan ng Guy si Girl or di kaya ay mayabang si Guy kaya hindi nag-sorry at naiinis sakanya si Girl. Things like that.

Kasi 'yung saatin,
Kakaiba.

Hindi nagsimula sa slowmo,
Wala ring spark,
dahil hindi 'yun nagsimula sa simpleng 'love at first sight'.
More like a 'Love at multiple sight' na kalaunan eh, tinawag kong 'Love at Sixteenth Sight'.

Walang spark ang 'first sight'.
Kasi of all places kung saan tayo pwedeng magkita ay sa CR pa talaga!

Oo, ako yung tatanga-tangang babae na pumasok sa Male Comfort Room sa unang araw ng pasukan.

Hahaha, Pasensya kana hah?
Naligaw lang talaga ako.
Eh, malay ko bang nasa kabilang dulo pa ng building ang CR ng mga babae?

Kakalabas ko lang ng cubicle ng magulat ako dahil nakita kita...

Bakit may lalaki sa CR ng mga babae?!

Kakapasok mo palang ata 'nun at ang unang sinabi mo saakin eh,

"Ah, miss naligaw ka ata?"

Hindi ko tantsa kung nang-aasar ka ba o nagulat ka rin lang kaya hindi mo alam ang sasabihin.

I can see how hard you tried to be respectful kasi napapakamot ka pa sa batok.

"Huh?"

"Male CR kasi 'to."

Hindi na kita nasagot at patakbo akong lumabas at tinignan ang sign board sa taas ng pintuan ng CR, saka ko pa nakompirmang sa CR ng mga lalaki nga ako nakapasok.

Pero hindi ko ininda ang kahihiyan kasi alam ko namang limang porsento lang ang tsansang magkikita tayong muli dahil malaki naman ang school na 'yun. Tsaka makakalimutan mo rin ako dahil hindi mo naman ako kilala.

Ngunit hindi ganun ang nangyari,
dahil ng mahanap ko na ang klasrom ko...

Tumingin tingin ako sa kabuoan ng klase, nagbabakasakaling may makitang kakilala.

Pero ikaw ang kauna-unahang napansin ko.

Nakikipagtawanan ka sa mga kabarkada mo.

At doon ko napagtanto na kaklase pala kita.

Minsan, tinatanong ko ang sarili ko pati ang tadhana...

Kung sa ibang lugar at ibang pagkakataon kaya tayo unang nagkita...

May spark kaya?
May 'Love at first sight kaya'?
o kahit simpleng slowmo man lang,

or kung may tayo kaya...

Sixteen Memories with Hymn [COMLETED - Unedited]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora