Epilogue

35 7 2
                                    

Tatlong taon ang lumipas,
Nang mabalitaan kong engaged ka na raw.

Nahanap mo na nga yung hinahanap mo...

Ikakasal ka na.
Masaya ako para sayo...

Pinakiramdaman ko ang sarili ko.

Oo, masaya ako pero syempre... may konting kirot parin.

Kaya kalaunan, umoo na rin ako dun sa inaalok na kasal saakin ng mga magulang ko.

Limang buwan ko na din naman silang pinaghintay, kaya oras na din siguro para mag-settle na ako.

"Sixteen Memories with Hymn" - muli kong basa sa nakasulat sa notebook.

Binuksan ko ang drawer ng vanity table saka ako tumingin sa kaharap kong salamin at ngumiti.

Sinigurado kong hindi pekeng ngiti ang nakikita ko bago ako tumayo at pinagmasdan ang sarili ko sa full body Mirror.

I think... this is it?

Ikakasal na talaga ako.

Ipinagkasundo na ako ng mga magulang ko sa lalaking alam nilang magpapasaya saakin.

Hiniling ko kay God na kung siya nga talaga ang para saakin,
let it be.

Kung siya nga ang nakatadhana para saakin?

Bakit naman ako aatras when I've already lost the bet na ikaw yun.

Eh sayo lang naman ako pumusta.

Nagsimulang tumugtog ang kanta...

Naglakad na rin yung mga bridesmaids...

"'Nak, it's time to go." mangiyak iyak na sambit ni Papa habang nilalagay ang kamay ko sa braso niya.

"105 is the number that comes to my head...

When I think of all the years I wanna be with you...

Wake up every morning with you in my bed...

that's precisely what I plan to do..."

Nakayuko lamang akong tinutongtong ang daan patungo sa lalaking papangakoan ko ng panghabangbuhay,

Ngunit nanlaki ang mata ko ng iangat ko ang mga mata at ikaw ang makita ko.

Nakangiti ka nanaman...

Pero this time,
Naiiyak ka habang nakangiti.

Pagkatapos kang pangaralan ni Papa ay ipinagkatiwala na niya ako sayo.

Hindi ko mapigilang maiyak...
Ikaw naman kasi eh.

"Wifey, akala ko ba gusto mo ako? Bakit pinaghintay mo pa ako ng limang buwan bago ka pumayag sa proposal ko?"

Sixteen Memories with Hymn [COMLETED - Unedited]Where stories live. Discover now