3

28 7 6
                                    

"Ma'am alam niyo po bang may bagong loveteam dito sa klase niyo? hahaha!"

"Ah, talaga? May nagkakamabutihan na pala. 'Mind telling me?"

Kaya lang naman gumaganyan ang mga kaklase natin dahil napaka-friendly ni Maam Lyn, kaya nga that time hiniling ko na sana wag nalang siya yung teacher natin.

Supportado niya ang loveteam-loveteam eh! Siya pa 'tong teacher.

Tapos yung mga baliw kong mga kaibigan eh, ikinalat na crush daw kita! Hah! Nakakaloka.

Pero bilib din ako sayo eh,
Ang galing mong makisabay sa retohan.

Hindi ko makakalimutan nung
Birthday ko

Wala naman akong sinabihan ng birthdate ko kahit sa mga kaibigan ko pero nagulat nalang ako na kumakanta sila ng 'Happy Birthday to you' pagkapasok na pagkapasok ko sa klase.

"Lachapelle, what would you like to say to our birthday celebrant?" ika ni Maam Lyn na parang tunay na MC sa isang Birthday Party.

Inasar ka pa ng mga kaklase natin dahil namula ka pa bago nagsabi ng:

"Happy Birthday Phoebe"

Kinilig ang buong klase kahit na sa flooring ka lang naman nakatingin. Hahaha.
Ewan ko sakanila, mga baliw talaga!

Napapailing nalang ako, pero deep in side, nagpapasalamat din ako na hindi mo ako pinahiya. Na kahit hindi totoo at napilitan ka lang eh, sumunod ka parin sa trip nila.

Ang galing mo nga sa retohan,
Kaya nga sa mga panahon ng retohan ako nagsimulang umasa...

Yung mga asta mo kasi, parang totoo.

---

One time, nagulat rin ako.
Weekend 'yun at nag-Online ako sa Facebook.

Nagulat ako kung bakit ang daming notifications at messages. Hindi naman ako famous sa Fb eh, tsaka konti lang yung friends ko.

Nagtaka ako sa message ni Yenna.

"Phoeeeeb! Tignan mo 'yung bagong profile pic ni Lachapelle biliiiis" tapos may naka-attach pa na link.

Pinindot ko yung link at lumabas yung timeline mo sa screen.

Nagulat ako sa nakita ko...

Onyx Hymn Lachapelle changed his profile picture

At nakita ko na picture ko yun!!!

Anong kabaliwan naman ito?
Ito ba ang nagpabaha ng Notification ko?

Ano kayang nangyari?
Na-hack kaya ang account mo?
Kung hindi naman eh, anong trip mo?

Hindi ko tuloy alam kung anong dapat maramdaman...

Mahihiya,
Maiinis,
o Kikiligin.

Sa mga oras na yun,
Pareho tayo ng Profile Picture.

Binasa ko yung mga comments at  nahiya tuloy ako ng makitang nagcomment din yung mga pinsan at mga kapatid mo.

"Hala, sino yan?"
"Nagbinata na nga si Onyx!"
"Gilrfriend?"
"Anong name niya? Search ko para mafriend ko na, Hahaha!"

Ang sagot mo lang sa mga tanong nila eh, isang matipid na salitang:  'secret'

Hindi ko wari kung bakit ka nakikisabay sa trip nila. Pwede ka naman manahimik katulad ng ibang inaasar, para kalaunan... magsasawa rin sila sa kakaasar satin.

Dati akala ko, isip ko lang ang guguluhin mo eh,

Pero ngayon... pati yung puso ko, nadali.

Sixteen Memories with Hymn [COMLETED - Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon