2

33 6 7
                                    

Magkaklase tayo.
Magkaklase lang tayo.
Dahil Oo nga't nasa iisang klase tayo and we're breathing the same air... never pa tayong nagkausap.

Nalaman kong Onyx Hymn Lachapelle pala ang buo mong pangalan. Sounds like 'Oh, next to him' lang, hahaha!

Pero 'Lachapelle' ang tawag sayo ng mga Teachers at mga classmates natin.

Nasanay siguro sila sa apelyedo mo kasi yun yung isinisigaw ng mga tao kapag ka may laban kayo ng basketball. Balita ko pa, magaling ka raw kahit freshman ka pa lang.

Matalino ka rin sa klase at paborito ka ng mga Teachers.

Pero honestly,
Hindi pa ako attracted sayo noon.

Hindi naman kasi ako basta-basta humahanga sa kasikatan, kagalingan sa basketball, o kahit sa katalinuhan.

Sa ugali ako nahuhulog.
Bunos nalang kung gwapo.

Galing ako sa public school kaya hindi ako sanay sa school niyo dahil private school at feeling ko lahat hambog ang mga tao.

Ngunit kalaunan, may mga naging kaibigan naman ako... grabe! akala ko ang aarte! May mga tinatagong kalog pala?

Hahaha, kaya at the long run...
Napamahal din ako sa school niyo, natin.

Dahil sa mga baliwng mga kaibigan ko rin nagsimula ang lahat...

---

Mahigit isang buwan noon ang lumipas mula ng magsimula ang klase ng inanusyo ang contest.

Room Beautification

Pagandahan ng decoration ng mga classrooms.

Syempre, kayong mga lalaki ang na-assign sa pag-pipintura. Napagdesisyunan kasi ng adviser natin na magrepaint.

Kakababa mo 'nun sa hagdan pagkatapos pinturahan ang taas ng pader ng asarin ako ng mga kaibigan ko.

"Phoebe oh, pawis na pawis si Lachapelle. Ba't di mo bigyan ng panyo total ikaw naman yung palaging may dalang panyo?"

Mahiyain kasi talaga ako kaya palagi akong may dalang panyo noon, pero ng masanay na ako... parang unti-unti akong naging maingay, hahaha! Kaya that very moment ay wala akong dala.

Pero iwan ko kung anong meron at sinakyan ko 'yung trip nila.

Pumunit ako ng papel sa nakalapag na notebook sa isang armchair saka ako naglakad palapit sayo...

"Oh, Lachapelle panyo oh, Pawis na pawis ka na raw."

Hindi ko alam kong saang lakas ng loob ako humugot na kausapin ka kasi hindi ako sanay makipag-usap sa lalaki.

Tawang-tawa naman yung mga kaibigan ko ng makitang napangiti ka at pinangpunas sa noo 'yung papel na bigay ko sayo.

Natawa rin ako kasi alam kong trip-trip lang yun, walang malisya.

Pero nagsimula na nila akong ireto sayo ng ngumiti ka sakin at

"Thanks 'dun sa panyo ah."

Sa panahon na yun, alam mo na kaya ang pangan ko?

Kasi ako, memoryado ka ang spelling ng pangalan mo kahit nung hindi pa kita gusto.

Sixteen Memories with Hymn [COMLETED - Unedited]Where stories live. Discover now