16

23 7 0
                                    

Isinulat ko ito hindi dahil gusto kong mang-guilty.

...hindi rin dahil gusto kong magsorry ka...

This is just my way of saying all the feelings na naramdaman ko simula ng makilala kita.

...simula nung ikaw yung maging bida sa bawat araw ko...

... simula 'nung mahulog ako sa misteryo ng ngiti mo...

...simula 'nung maging laman ka ng bawat panalangin ko...

...simula 'nung magkasundo ang isip at puso kong mahal ka...

Bale, parang closure lang ito.
Para totally maka-move na talaga ako sayo.

'cause I want to end this feeling without bitterness.

Kasi alam mo? Sa lahaaaat ng pinaasa?

Gusto ko, ako ang pinakamasaya.

Kasi sa lahat ng pwedeng mahalin at asahan.... ikaw ang natipohan ko.

Ikaw na gwapo na hindi alam na gwapo siya..

Ikaw na palaging nakikisabay sa trip nila...

Ikaw na palagi akong binabati sa birthday ko...

Ikaw na minsan ng naging buhay ko.

Kaya bakit ako magiging bitter na tulad ng iba?

Never mo pa akong pinahiya kahit wala ka namang gusto sakin.

Hymn,

Hindi ako umaasang mababasa mo ito, ngunit kung sakali man... Gusto kong malaman mo na kailanma'y hindi ko pinagsisisihang minahal kita.

Bago ko pa man tuluyang tanggapin na hindi na talaga tayo para sa isa't isa, nais kong magpasalamat sayo.

Maraming salamat sa araw na pinagpasensyahan mo ang kakulitan ko, sa mga pagkakataong hinayaan mong ipakita ko ang paghanga ko sayo, sa mga alaala kong ikaw ang bumuo, at sa pagtanggap sa nararamdaman ko kahit man hindi naging tayo.

at hinihiling ko na maging masaya ka,

at mahanap mo na rin ang taong minsan ko ng pinangarap maging ako.

Sana wag mong makalimutan na minsan sa buhay mo, may nagmahal na sayo ng totoo na nagngangalang... 'Phoebe'.

Sixteen Memories with Hymn [COMLETED - Unedited]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora