5

25 6 6
                                    

Naalala mo rin ba?
Nung Foundation day natin that same school year,

Ikaw yung pambato ng section niyo sa pagkanta ng Solo.

Supposedly eh, kalaban namin kayo pero yung mga baliw kong kaklase sayo naka-supporta! Mas malakas pa ang sigaw kesa actual na kateam mo. Hahaha.

Pero natigil ako sa katatawa ng mapansin kong saakin ka nakatingin.

Saakin ba? o malapit lang ako sa tinitignan mo?

"...Dadalhin kita sa 'king palasyo...

Dadalhin hanggang langit ay manibago,

Ang lahat ng ito'y pinangako ko..."

Ngingiti ngiti ka pa kaya ako namumula eh!

Kinilig naman ang buong crowd. Bakit ka kasi nakatitig sakin?
Hindi ba pwedeng sa flooring nalang, katulad ng madalas mong ginagawa?

Pero salamat nga pala hah?
Kasi kahit papano... kinilig din ako. Hahahaha!

Kahit papaano,
May mga memories ako sayo na hindi ko makakalimutan.

Iisipin ko na lang na dedicated mo saakin ang song na 'yun, kahit hindi.

Ah, Oo nga pala...
Secreto ko nga palang denidedicate yung kantang 'Pangarap lang kita', kahit pa hindi naman talaga ako marunong kumanta.

Mga Korean lang ang kaya kong kantahin eh! Hahaha at least 'yun, walang makakaalam na mali-mali ang tuno pati lyrics ko kasi at that time, kokonti pa lang kaming mga Kpop lovers.

----

3rd year highschool tayo nun nang lumundag ang puso ko sa saya ng malaman kong magkaklase na tayo.

Pareho na tayong nasa Section A.

Pero bakit ganun?
Hinanap kita pero wala ka naman sa klase.

Ah, baka tinamad ka lang sigurong pumasok kasi self-introduction na naman ang gagawin. Ganun naman kasi kadalasan.

Pero sumunod ang mga araw pero hindi ka parin pumapasok.

"Class, may naka-away ba sainyo dito si Lachapelle? Magsabi kayo ng totoo." ika ni Maam Irene na ipinagtaka ng klase.

"Hah? Maam wala naman, bakit pala?"  Tanong ni Wella na dating Class president.

"It's been a week at hindi parin siya pumapasok sa klase niyo. Sa Section B siya pumapasok. I've already told him na nasa Section A masterlist ang pangalan niya."

Nagulat ako sa sinabi ng Teacher natin.

Nalungkot tuloy ako, iniisip ko na baka ayaw mo akong ma-classmate kasi naaalibadbaran ka sa mga rumereto sayo sakin.

"Ah, Maam siguro mas gusto niya doon kasi nandoon yung mga kabarkada niya."

Kung valid ba yung ganung rason, pwede ko rin bang sabihing magtatransfer din ako ng room kasi nasa Section B yung Crush ko?

Kung hindi lang  nakakahiya, ginawa ko na.

Mabuti nalang, the following week nakombinse ka na rin nilang sa Section A ka na pumasok. Kahit na paminsan minsan eh nasa section B ka parin kapag wala tayong Teacher.

Pero akala ko,
Mga barkada mo lang ang rason kung bakit ka nakikitambay sa ibang section...

Kalaunan,
Kumalat ang balitang....

May Girlfriend ka na raw.

Sixteen Memories with Hymn [COMLETED - Unedited]Where stories live. Discover now