10

22 6 0
                                    

"Muliiing iiiibaliiik... ang tamis ng ating pag-ibig!"

Dahil sa breakup niyo ni Jewel,
Mas naging madalas ang pangaasar ng mga kaklase natin.

"Wag ka na kasing maghanap ng iba Lachapelle! Ayun si Phoebe oh! Naghihintay lamang sayo!" Sabay hlakhak ni Jennie.

Pero hindi tulad ng dati na ngingintian mo lang sila kapag wala kang masabi...

Ngayon ay tahimik ka lang na napapailing o di kaya'y mananahimik na lang na walang pakealam.

Pansin kong napipikon ka na ba sakanila.

Kaya sa lahat ng reto nila saakin,

Ang sagot ko eh,

"Ano ba kayo, may iba na akong crush noh" nagbabakasaling, matauhan din sila't tumigil na.

"Ooows? Hindi kami naniniwala! Sa apat na taon mong crush yang si Lachapelle? Sus! Hindi mo kayang ipagpalit 'yan!"

Sorry ah?
Kung nakakarindi na sila...

Sorry din kung ako nalang palagi yung nirereto sayo...

Sorry kung nakukulitan ka na...

Sorry kung wala akong magawa...

Sorry kasi nagkagusto ako sayo...

Sorry kasi hindi ko mapigilang mahalin ka...

---

"Una si Jam, then si Julia, tapos, si Jhen, tapos si Jewel!"

"Oh my Gosh! Does that mean na tipo ni Lachapelle yung mga 'J' ang starting letter ng name?! Is that the only reason kaya hindi niya magustuhan si Phoebe?!"

Hindi makapaniwalang sigaw ni Jennie dahil sa napagtanto.

Sabi kasi ng mga kaklase mo simula kinder eh, may mga crush ka na raw dati at kung iisipin... lahat nagsisimula sa letrang 'J' ang mga pangalan nila.

Pati yung ex-girlfriend mong si Jewel.

Pasensya ulit hah? Kung masyadong malakas ang tupak ng mga kaibigan ko. Desperadong magkatuluyan tayo.
Kahit gaano ka impossible.

"Kung yun lang rin, Phoebe! Mula ngayon..  ibibigay ko na sayo ang 'J' sa pangalan ko... Palit tayo. Mula ngayon, Joebe na ang pangalan at ako naman si Pennie." Ika ni Jennie sa buong klase na sinadyang iparinig sayo. Natatawa naman ang bupng klase except ako at ikaw.

Akala ko maiinis ka na naman,
Pero laking gulat ko ng pauwi ako sa araw na yun...

Nasa baba na ako ng hagdan ng tawagin mo ako...

"Joebe!"

Natulala ako sayo, sayo na nakangiting nakapamulsa sa itaas na parte ng stairs.

Nginitian mo ako kaya nginitian din kita bago ako tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad habang tinatanong ang sarili ko...

Ano? Dapat ko na bang ipapalit ang Birth Certificate ko?

Hindi maalis sa mukha ko ang ngiti ko kahit ramdam ko ang pagkamanhid ng aking pisnge.

Wala eh, masaya talaga ako...

At least alam kong okay ka na ulit.

At least, naka-move on ka na sakanya.

Sixteen Memories with Hymn [COMLETED - Unedited]Where stories live. Discover now