14

21 6 0
                                    

Kumusta ka na?
Namimiss na kita...

Magkikita pa kaya tayo ulit katulad ng sinabi nilang ibig sabihin ng pink na panyo?

Kung nasaan ka man,
Hinihiling ko na sana nasa mabuti kang kalagayan...

---

Dalawang taon ang lumipas mula nung mawala yung contact namin sayo.

Kaya nga ng bigla kang mag-Online ay nag-GM sila na OL ka raw.

Para kang artista na inaabangan namin. Hahaha.

Matagal din akong hindi nag-Online sa Facebook simula ng magkolehiyo na tayo, busy sa mga requirements eh.

Nagpost ka ng mga pictures mo na may caption na:
"Renaissance"

Parang mas lalo ka atang gumwapo.

Pero this time...
Hindi na ikaw yung tipong 'gwapo na hindi niya alam na gwapo siya'.

Parang aware na aware ka na.

Gayun pa man,
Hindi pa rin nagbabago yung nararamdaman ko sayo.
Mahal pa rin kita.

Malakas pa rin ang tibok ng puso ko kahit sa simpleng banggit lang ng pangalan mo.

Kinumusta ka ng mga kaibigan mo sa pamamagitan ng pagco'comment sa pictures mo.

Ako naman, nakikibasa na lang.
Hindi ko kasi kayang magcomment eh.

"'sta na pre!"
"Ito, mas lalong gumwapo! Hahaha!"
"Tingin ko walang nagbago! Gag* ka pa rin tol!"

Nalaman kong nasa Manila ka pala at doon ka na nagkolehiyo.

Nakita ko rin yung mga pictures mo nung pumunta sa concert ng 1D kasama ang mga pinsan mo.

May mga picture ka rin na naka-jersey kasama ang mga kateam mo sa basketball.

Kaya napangiti ako habang naluluha.

Mabuti naman at okay ka na.

Tingin ko nga mas masaya ka na diyan.

Naluluha lang naman ako kasi wala ako para masaksihan yung mga masasayang parte ng buhay mo.

Kung sana hindi nangyari 'yun...
Siguro palagi akong nasa Basketball court para panuorin at supportahan ka.

Siguro gagawa pa ako ng fansclub mo! Hahaha!

Nakuha ng attention ko 'yung nagcomment ng

"Dude, kelan ka uuwi dito para mapatawag ko na ang buong barangay?"

"Sorry 'pre, baka matagalan... busy eh."

"Busy saan?"

"Basta 'pre! Busy-busyhan! Hahaha"

"Chicks ba?"

"Gag* Hahahaha!"

Dalawang linggo bago mag-sembreak ng magpost ka na uuwi ka na dito.

Tuwang-tuwa ako 'nun.
Napalike tuloy ako sa post mo.

Pagdating mo,
Nagpatawag sila ng reunion ng batch.

Kaso ang masaklap, exam ko 'nun sa major ko kaya hindi ako naka-attend.

Pasensya na hah?

Believe me!

Gustong gusto kong makita ka.

Kahit pa isa kang malaking
P A A S A. --- ayun ng modernong
filipino dictionary.

Sixteen Memories with Hymn [COMLETED - Unedited]Where stories live. Discover now