15

22 6 0
                                    

Nakita ko lang sa facebook yung mga pictures niyo tapos ni-mention pa nila ako.

"Phoeb bakit wala ka?! Dumating na 'yung hubby mo oh!"

Kaya wala akong choice kung hindi ako magko-comment. Baka tawagin nila akong snob eh. Tsaka baka akalain nilang bitter ako. Hahahaha

Tandang-tanda nila yung panahon na umiyak ako 'nung makita kitang naka-akbay sa girlfriend mong si Precious.

"Sorry. May exam ako sa major ko." kinabitan ko pa ng peace sign na emoji para sincere.

Laking gulat ko ng mag-reply ka sa comment ko.

"Akala ko pinagpalit mo na ako, Wifey." Tapos may sad emoji pa sa dulo

Wifey...
Wifey...
Wifey...

Binasa ko ng paulit-ulit, baka kasi namanlik mata lang ako.

Pero
Whatda! Wifey talaga yung makasulat!

Ano na naman bang drama mo?

Bakit gumaganyan ka?

Gusto mo bang magsimula na naman silang asarin tayo?

Nakuuu! Ikaw talaga!

Ayun tuloy binaha yung comment ko. Ni-screenshot pa nila yung reply mo.

Sinasabi ko na nga ba...

Isang linggo rin tayong pinagpyestahan sa facebook pero kalaunan... katulad ng ibang nagtetrend... lumipas rin.

May bagong trend na kasi eh.

Pagkabalik mo sa Manila,

Hindi na about sa pagkamiss mo sa mga batchmates ang laman ng timeline mo...

Yung mga pictures niyo na 'nung bestfriend mo...

Bestfriend mo na mukhang girlfriend mo...

Hindi lang kasi isang picture niyo ang napost mo.

Marami.

Hindi ko alam kung hindi mo sadya o ano?

Kasi puro siya ang laman ng facebook mo.

May mga nagko-comment din na mga college friends na sinasabing front niyo lang yang bestfriend-bestfriend kasi ang totoo ay kayo na.

Alam mo? Compared kina Jewel at Precious?

Mas nakakaselos yung bestfriend mo.

Kasi ang dami niyong pinagdaanan at wala akong panapat doon, kasi ako...

Apat na taon lang tayong magkaklase.

No more, no less.

Kaya sa pangatlong pagkakataon,
Bago pa man maging kayo at masaktan na naman ako...

Nag-momove on na ako in advance.

Naging expert na rin ata ako sa pag- mo-move on eh. Hahaha.

Kaya kung sakaling itatanong mo kung bakit biglang nawala yung account ko o kung bakit nabawasan yung likes sa mga posts mo.

Ako 'yun... 'nung magdeactivate na ako.

Ako 'yun ng mapagdesisyunan kong tama na ang tatlo.

Ako yun... 'nung finally sumuko na ako sayo.

Sixteen Memories with Hymn [COMLETED - Unedited]Where stories live. Discover now