11

28 6 0
                                    

Akala nila, isang letra lang ang rason kung bakit hindi mo ako magustuhan

Ngunit ang totoo...

Hindi mo talaga ako kayang magustuhan.

---

Tatlong buwan ang lumipas ng mag-break kayo ni Jewel.

Tuwang-tuwa ang mga baliw nating kaklase. Nabuhayan muli sila ng pag-asa sa sinasabi nilang lovestory natin.

"Kapag hindi pa kayo ang nagkatuluyan sa huli! Aaaay! Ewan ko na! Hindi talaga ako aattend sa wedding ng kahiy isa sa inyo! hmph!"

Hahaha! Sabi sayo eh, baliw talaga sila.

Pero kung tatanungin mo rin ako sa panahon na yun?

Hindi ko rin siguro kakayanin, kung iisipin kong hindi ikaw ang makakatuluyan ko... kahit gaano ka impossible.

Ganun ako umaasa.

Ganun ako umasa.

Ganun mo ako pinaasa,

Ngunit muling napunit ang larawan ng pag-asang iyon ng isang umaga, habang hinihintay ko namin si Yenna sa tapat ng school ay pumarada sa mismong harapan namin ang sasakyan mo.

May kasama ka na namang ibang babae...

Iisipin ko sanang baka pinsan mo lang,

Pero yung ngitian niyo, hindi pang-magpinsan.

Yung pagdala mo sa backpack niya, hindi pang-magpinsan.

Yung pag-akbay mo sakanya, hindi pang-magpinsan.

Wala eh, nakalimutan ko na naman na nag-momove on pala ako.

Sorry kung sinabi kong wala akong karapatang masaktan pero nasasaktan pa rin ako...

Parang tinutusok yung puso ko eh,

Yung mundo ko nga, gumuho na... puso ko pa kaya?

Akala ko 'nung una, sa mga 'Love at first sight' lang nangyayari ang slowmo...

Pero may slowmo din pala,
Kapag may kasamang iba yung taong mahal mo.

At that point,

Narealize kong, ganun pala talaga yung pakiramdam ng heartbreak...

Mas masakit pa kasi yun kesa nung kayo ni Jewel,

Kasi nalaman kong hindi nagsisimula sa letter 'J' ang pangalan ng bago mo.

Nagsisimula sa 'P', tulad ng sa pangalan ko.

Nalaman ko sa mga chismusa kong kaibigan na Precious Silvestre ang pangalan niya. Galing sa ibang school.

Maganda siya,
Mukha siyang anghel...

Malayo sa mukhang gangster mong ex.

But I can't stop myself from wondering if that's your way of showing me that no matter what I do, you just can't like me back..

Wala kinalaman sa pattern ng letter J crushes mo.

Basta ayaw mo lang talaga saakin.

Ganun ba yun?

Sign na ba yun na wala na talaga akong pag-asa sayo? Na hanggang crush lang kita dapat?
Na hanggang pang-asar lang ako sayo? Pang-reto?

Ok fine, tanggap ko naman eh,
Sorry kung sobrang OA ko ng mga oras na 'yun...

Umiyak pa ako nun pagkakitang pagkakita ko sainyo. Hahaha!

Yun kasi yung oras na sobrang mahal na kita...

Sixteen Memories with Hymn [COMLETED - Unedited]Where stories live. Discover now