8

23 6 0
                                    

4th year

Graduating na pala tayo!
Ang bilis ng panahon, grabe noh?
Parang kailan lang?

Excited na akong mag-college pero alam kong baka hindi na tayo magkita kaya somehow eh, nalulungkot din ako.

Pero one thing na excited ako na hindi ko dapat ikalungkot ay yubg Field trip!

Hahaha! Ang saya nung fieldtrip.
Ang saya sana nung fieldtrip kung hindi lang doon sa nangyari...

I am not blaming you,
Nor am I blaming her.

I'm blaming the circumstances,
Kung bakit sa lahat ng orad na mangyyari yun, doon pa sa fieldtrip na supposedly ay good memories lang dapat.

Oh well, so far good memories naman talaga lahat para saakin eh. Kung hindi lang ako pakealamera sa buhay mo.

Bumisita tayo sa isang ecopark,
Bakisayaw sa mga netibo doon tapos tumawid oa tayo sa isang hanging bridge. Kung saan kamuntikan na akong mahulog.

"Ano ba Phoeb, wag kang matakot mahulog... May sasalo naman sayo eh." ika ni Yenna na nakatingin sayo.

Paano kong sabay kaming nahulog ni Jewel? Edi deads ako?
Baliw talaga.

Hapon na ng makarating tayo sa hotel  kung saan tayo nagcheck-in.

At dahil tatlong section tayo ay sa Dining hall na tayo sabay sabay nagdinner.

Pansin kong may hinahanap ka.

Nalaman kong si Jewel ang hinahanap mo ng mag-attendance ang si Maam Nadia na wala siya.

Ipinagkibit balikat ko na lang,
It's not my business to care naman ,
problema niyong mag-jowa yan.

Pagkatapos kumain ay pumunta na tayo sa kanya kanyang assigned room.

May walong occupants each room kaya hindi tuloy ako makatulog. Ang inggay ng mga ka-room ko eh, hahaha!

Tapos nagkukwentuhan pa sila ng kababalaghan kahit na alam nilang matatakutin ako multo.

Kaya parang natapon ang puso ko ng biglang bumukas ang room namin at humahangos na pumasok si Mina, yung SSG president.

"Nasaan si Maam Irene?!" Kasama rin kasi namin sa room yung adviser namin.

"Nasa CR, bakit?!"

"Oh? Anong nangyayari?!" - tanong ni Maam Irene na kakalabas lang ng Cr.

"Maam! Si Mendez at Lachapelle! Nagsusuntukan sa dining hall!"

Patakbong lumabas silang dalawa kasunod ang iba pero ako, na-glue ata ang paa ko sa sahig.

Bakit ka naman makikipag-away?

Sa mag-aapat na taon kong pagkakakilala sayo never ka pang napa-away.

Pagkatapos lang ng gulo saka lang ako nakabalita.

Sixteen Memories with Hymn [COMLETED - Unedited]Where stories live. Discover now