13

26 6 0
                                    

Dapat ba akong matuwa?
O dapat ba akong malungkot?

Dahil ang ibig sabihin 'nun... magkakahiwalay na tayo...

Baka hindi na kita makita ng matagal...

At paano kung magkita tayo ulit
Pero may iba ka na naman?

at sa oras na 'yun... huli na ang lahat...

---

Graduation Day

Magkahalong saya't lungkot ang nararamdaman ko 'nun.

Saya kasi syempre, finally tapos na ang highschool.

College na tayo!

Lungkot, kasi hindi ko sigurado...
Kung magkokolehiyo tayo sa parehong university.

Hindi ko na iniisip kung may girlfriend ka pa o wala.

Basta ako,
Kuntento't masaya na akong masilayan ka kahit once a semester lang.

At kahit hindi kita makita,
At least, alam kong nasa iisang school lang tayo pumapasok.

"Phoeeeeb! Pumasa tayoooo!!" Sigaw ni Yenna ng makita ang result ng entrance exam.

"Aaaand! Pumasa rin ang hubby mo! Oh, diba! Ang saya!"

Oo, masaya ako.
Masayang masaya.
Lalo na ng malaman kong sa iisang university nga tayo papasok.

Accountancy ang kurso mo.
International Relations naman sakin, alam mo namang pangarap kong ma-tour ang buong world diba?

Pero yung kasiyahan ko,
May kataposan rin pala..

Bakit ganun?
Nakontento naman ako kahit hindi naging tayo...

Nakontento ako kahit magkaiba tayo ng kurso...

Nakontento ako kahit hindi kita palaging nakikita...

Kasi alam kong,
Pareho pa ring hangin ang hinihinga natin.

Isang hapon nung kalalabas ko lang sa History 1 kong klase ng makasalubong ko ang isa sa mg batchmates natin.

"Phoebe! Nabalitaan mo ba yung nangyari kay Lachapelle?"

Nagtaka ako at kinabahan.
Anong pwedeng mangyari sayo?

"Bakit? Anong nangyari?"

"Binugbog siya ng isang grupo ng mga lalaki sa Math department kahapon!!!"

Nawalan ako ng lakas sa narinig ko. Bakit ka nila binugbog? Anong nangyari? Okay ka lang ba?

Nalaman ko sa ibang mga batchmates at mga kaklase natin na binugbog ka raw ng mga pinsan ng girlfriend mo dahil nakipagbreak ka sakanya.

Dahil sa nangyari,

Nagpa-Official drop ka na raw.

Hindi macontact ang cellphone number mo.

at nagdeactivate ka ng facebook.

Kaya magmula 'nun...

Wala na akong narinig tungkol sayo.

Sixteen Memories with Hymn [COMLETED - Unedited]Where stories live. Discover now