4

28 7 7
                                    

Monday na 'nun, school days.

Nalaman kong nagpustahan kayo ng mga kaibigan mo at natalo ka kaya ginawang parusa sayo ang gawing Profile ang picture ko at hindi mo pwedeng sabihin na parusa yun.

Kaya pala puro ka secret.

But despite that fact,
kahit trip trip man sa iba, o kahit sayo.

Alam ko sa sarili ko na nahuhulog na ako sayo.

Kasi kahit clumsy ako,
Hindi naman ako manhid, tulad mo.

I don't know when it actually started.

Basta ang alam ko lang,
Araw araw ka ng hinahanap ng mga mata ko.

Hindi kompleto ang araw ko kapag absent ka.

Natural na akong nakikisabay sa pangaasar ng kaklase natin.

Umo-Oo pa nga ako kapag tinatanong nila kung crush ba talaga kita.

Siguro satingin mo eh, nakikisbay lang din ako.

Pero ang hindi mo alam...
Totoo yun.

Lumampas pa ata.

Kasi ang sabi, kapag crush mo raw ang isang tao for more than six months, hindi na raw crush yun... mahal na ang tawag doon.

Ikaw kasi yung tipong, gwapo na hindi niya alam na gwapo siya. Hahaha.

Crush kita kasi gwapo ka,
Pero mahal kita dahil sa ugali mo.

---

2nd Year Highschool

Hindi tulad noong last year na kinakabahan akong pumasok.

In fact, excited pa ako kasi alam kong makikita kita.

Ngunit nawasak ang excitement ko sa sinabi ng mga kaklase natin
dati.

"Congrats Phoeb! Section A ka!"

Hinanap ng mata ko ang pangalan mo sa listahan ng mga Section A pero wala ka.

Akala ko ba matalino ka?
Bakit wala ka sa Section A!

Sana pala hindi ko ginalingan ang pag-aaral para kaklase parin kita...

Pero wala na akong magagawa.

Akala ko noong una,
Kapag mga section A... puro sila aral...

Pero kalog din pala.

Kung baga, nasa loob ang kulo, hahaha!

Eh kasi ang seryoseryoso nila sa buhay tapos malalaman-laman ko na may tinatago din silang kabaliwan.

Nalaman din pala nila yung loveteam natin at may nagvolunteer pang isulat ang lovestory daw natin.

Pero tumanggi ako kasi alam kong wala siyang maisusulat.

Katapat lang ng room namin ang room niyo kaya nga sa tabi ng pintuan ang pinili kong pwesto para tanaw kita kapag lalabas ka sa classroom niyo.

Nalaman kong mga kaklase mo pala mula kinder hanggang highschool yung mga kaibigan mo at ilan sa mga kaklase natin kaya daw hindi mo ginagalingan yung evaluation exam para kasama mo sila ng section.

Aba! Edi sana sinabi mo rin sakin noh! Hahaha.

Pero di bale na,
Hindi naman hadlang ang pagkaka-iba natin ng klase para patuloy akong humanga sayo eh.

Hihiling ko na lang na sa susunod na taon... magkaklase na ulit tayo.

Para may inspirasyon ako araw araw.

Sixteen Memories with Hymn [COMLETED - Unedited]Where stories live. Discover now