9

21 6 0
                                    

"Si Jewel naman pala ang may kasalan eh."

"Kanina pa siya hinahanap ni Lachapelle nung dinner hindi niya mahagilap tapos di pa daw nagrereply o sumasagot ng tawag. Syempre mag-aalala si Lachapelle, boyfriend eh."

"Kaso pagkakita niya...
Kasama lang pala ni Jewel si Mendez! Kumakain silang dalawa! Aba! Sinong hindi magagalit don?"

"Kaya ayun! Sinuntok niya si Mendez!"

"At alam niyo ba? Si Mendez pa yung kinampihan ng walanghiyang Jewel na yun? Hah! Pa-long hair ang peg! Sarap sampalin!"

Kung hindi lang siguro seryoso ang nangyayari ay tatawanan ko si Yenna sa super energetic niyang pagkukwento pero hindi ko kayang magsaya... habang nalulungkot ka.

"Kaya for sure, break na sila hahahaha!"

Baliw.

Natahimik kami ng makita ka namin sa hallway.

Magulo ang buhok,
Wala ka namang sugat na dapat kong ipag-alala,

Ngunit ang pumiga sa puso ko, ay ng makita ang pula at namumugto mong mga mata.

Nang marinig ko kasing sinuntok mo si Mendez,

Iniisip kong pride mo lang bilang lalaki at bilang boyfriend ni Jewel ang nagtulak sayo para suntokin siya.

Ngunit, hindi ganun yun.
Dahil sa mapula at namumugto mong mga mata,

Napatunayan kong... mahal mo nga talaga siya.

Hindi mo naman siguro iiyakan kung hindi diba?

Akala ko naka-move on na ako sayo,

Hindi pa pala. Mas lumala pa ata.

Kaya sa gabing yun na iniiyakan mo siya, nasa kabilang kwarto lang din ako... iniiyakan ka...

---

Masayahin kang tao,
Palangiti,
Kaya nga parang ang hard ng atmosphere kapag ikaw na yung malungkot.

Hindi ko tuloy feel yung fieldtrip.

Pagkauwi natin.
Nagrestdaw lang tayo ng dalawang araw tapos balik na ulit tayo sa school.

Pero nalungkot lang ako dahil hindi ka nanaman pumasok ng one week.

Ganun ka ba ka-affected?
Isasakripisyo mo pa ata ang academics mo.

Next week na ang Finals.

Buti nalang pumasok kana ulit.
Pero hindi na ikaw yung dating palangiting Lachapelle na nakilala ko.

Hindi ka na masayahin.
Nawala na ang dati mong sigla.

Nangingiti ka lang kapag pinagtitripan ka ni Maam Nadia...

Lalapit siya sayo at biglang kakanta ng:

"Kung ako nalang sana ang 'yong minahal, di ka na muling luluha pa...

Di ka na mangangailangan pang... humanap ng iba."

Iyan sana yung gusto kong kantahin sayo eh.

Kaso ayokong ipamukha sayo na nagkamali ka.

Sa mga oras na yun,
gusto kitang yakapin at sabihing,

Andito lang ako, kapag nasasaktan ka na.

Sixteen Memories with Hymn [COMLETED - Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon