12

23 6 0
                                    

December break 'nun, pero before tayo nagbakasyon...

Naisipan ni Maam Nadia na mag-exchange gifts daw tayo.

Natuwa ang buong klase lalo ng sabihin ni Maam na magbubunutan tayo at hindi mo pwedeng sabihin kong sino ang nabunot mo.

"Pag nabunot niyo na, wag kayong makikipagpalit hah? There's a reason kung bakit mo nabunot yung tao na yun." Saka ngumiti si Maam na parang may nalalaman na kung ano. Yeah, creepy. Hahaha.

Pero dahil dun sa sinabi ni Maam, hiniling ko talaga na ikaw yung mabunot ko...

Sabihin mo ng desperate ako,
gusto lang kitang bigyan mg regalo... yung hindi pwedeng hindi mo tanggapin. Hahaha!

Kaya nalungkot talaga ako nung ibang pangalan ang mabasa ko sa papel na binunot ko.

Ibig sabihin... hindi talaga boto saatin ang tadhana...

Subalit laking gulat ko, ng dumating ang araw na magpapalitan na tayo ng mga gifts...

Dahil lumapit ka saakin at binigay ang regalo mo...

Napansin mo siguro ang pagkagulat mo kaya napangiti ka na lang bago napatingin sa flooring.

Tahimik ding nagulat ang mga kaklase natin na minsan lang mangyari.

Kaya nga parang may nag-play sa backgroud ng...

"Dadalhin kita sa 'king palasyo...

Dadalhin hanggang langit ay manibago...

Ang lahat ng ito'y pinangako ko..."

Yung spark,
Yung slowmo,
Yung tibok ng puso ko,
Nagsabay sabay na.

Pati si tadhana, narinig ko atang pumalakpak.

Hahaha!

Nalimutan ko tuloy na,
may girlfriend ka nga pala...

Nabalik ako sa huwesyo ng ma-excite ang mga kaibigan ko na buksan ang regalo mo.

Mas excited pa sila saakin,
kaya imbis na sa bahay ko pa bubuksan yun eh kailangan ko ng buksan.

Baka mamatay sila sa kuriosidad eh.

Napangiti ako ng makita ang regalo mo...






Tatlong panyo.

Sa panyo nagsimula ang lahat diba?

Kaya hindi ko mapigilang matuwa dahil kahit papaano ay pinag-isipan mo yung regalo mo sakin.

"Lachapelle! Ano 'toh? Bakit panyo ang regalo mo kay Phoebe? Does that mean na paiiyakin mo siya?!" Sambit ni Wella na pasigaw pa.

Hindi kita nilingon pero alam kong madismaya ka.

Sa halos apat na taon kang hinahanap ng mata ko... hindi ko pa ba naman makabisado ang mood mo?

"Bakit? Anong kulay ba ng panyo? Patingin nga?" Singit ni Maam na nakiusyoso na rin.

"Ah, pink naman pala... May ibig sabihin ang kulay na pink eh."

"Maam!!! Ano pong meaning?!"  Excited na tugon ng mga kaklase natin.

Kumabog ang dibdib ko sa kung anong maaaring ibig sabihin 'nun...

Pero hindi ko mawari, kung ano ba dapat ang mararamdaman ko ng sabihin na niya ang ibigsabihin ng pink na panyo...

" Ang ibig sabihin niyan ay...

...We'll see each other again..."

Sixteen Memories with Hymn [COMLETED - Unedited]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang