6

32 6 2
                                    

Noong una ayokong maniwala pero 'nung ako na mismo yung nakakita sainyo. Saka ko napagtantong trip trip mo lang talaga ang makisabay sa pang-asar nating mga kaklase.

Ang totoo'y hindi mo talaga ako magugustuhan.

Parang tinusok ng maraming karayom yung puso ko. Kahit na wala naman akong karapatang masaktan.

Eh, ano ba ang dapat kong maramdaman?

Wala akong magawa kundi ang ngumiti at pigilan ang mga kaklase natin sa karereto satin.

"Lachapelle, ano yung nababalitaan naming may girlfriend ka na raw? Paano nalang si Phoeb?!" Pabirong sambit ni Yenna.

Namula yung tenga mo at halatang hindi alam ang isasagot.

Kaya bago ka pa man mainis sakanila.

Ako na ang nagsalita.

"Tigilan niyo na nga iyan...
May girlfriend na 'yung tao pinepeste niyo pa."

Sinabi ko yun ng bahagyang nakangiti para hindi halatang affected ako.

Pero mas nabuhayan pa ata sila sa pang-aasar.

"Oh, Lachapelle tignan mo na? Nagseselos talaga si Phoeb!"

"Oo nga!, Maghahanap ka na nga lang ng girlfriend sa ibang section pa. Ang lapit lapit lang ni Phoeb sa iba ka pa lumingon!"

Ang lalim ng pinanguhugotan ng mga kaklase natin noh?

Parang sila yung sinaktan? Hahaha.

Pero pasalamat na lang ako at hindi ka nagalit sakanila especially 'nun one time na harap harap akong renireto sayo ng mga baliw nating kaklase habang kasama mo yung girlfriend mo.

Kaya hindi ko siya masisisi kung tinitignan niya ako gamit ang nanlilisik niyang mga mata.

Nalaman kong Jewel Bernard pala ang pangalan niya, anak ng congressman.

Siya pala yung tipo mo noh?
Yung malakas yung dating,
Hindi tatanga-tanga na katulad ko.

Matangkad,
Naka-highlight yung buhok,
Mala-cool na gangster ang dating.

Pero bagay kayo.

Pero no offense hah?
Gusto kong matawa sainyo kasi mas astig pa siyang tignan kesa sayo.

Mukha ka kasing good boy lalo na kapag naka-uniform ka.

Pero siguro kung naka-casual ka,
Bagay siguro kayo.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahong ikompara ang sarili ko sakanya, kasi alam kong malayo ako sa kanya. Magkaiba kami.

Kung siya nga ang gusto mo,
Wala na talaga ako sa standards mo.

Hindi ko naman kayang baguhin ang sarili para lang makapasok sa ideals mo.

Hindi ko maimagine ang sarili kong mag-astig-astigan tulad niya.

Kaya isang araw,
Napagdesisyonan kong...

Mag-move on.

Walang tayo.
Alam ko.

Pero pwede naman siguro akong mag-move on ng pasekreto.

Dahil simula't sapol,

Wala ka namang alam sa nararamdaman ko.

Sixteen Memories with Hymn [COMLETED - Unedited]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt