Prologue

37.5K 702 67
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidential.

[A/N: This is unedited so don't expect too much! Enjoy reading!]

Prologue

Lucianna Miranda Alcazarate

Napabuntong hininga naman ako nang marinig ko namang nag-aaway ang mga magulang ko.

Grabe talaga ang mga 'to, ngayon na nga ako aalis papunta sa Magical Elite Academy, magbabangayan pa rin sila.

Bait nila noh?

Napatingin naman ako sa repleksyon ko sa salamin.

Kulay tsokolate ang buhok ko at kulay berde naman ang mga mata ko.

May mahahabang pilik mata, matangos na ilong at mapupulang labi.

May freckles rin ako na namana ko sa lola ko sa side ni Mama.

Maputi rin ako, at maraming nagsasabi na ang ganda ko raw.

Pero I'm not fond of being a center of attraction kaya uso ang disguise sa akin.

Pang-manang ang damit at may thick-rimmed eye glasses.

I'm just wondering kasi kung may mga tao pa bang hindi bumabase sa itsura.

'Trip kong mag-social experiment.'

Isa si Papa sa kasapi ng konseho kaya maituturing mong may kaya kami.

Higher Elite pero wala naman akong pake diyan.

Napakamot na lamang ako sa ulo ko nang tawagin na ako ni Mama at pinapupunta na sa baba.

Tapos na siguro ang bangayan nila ni Papa.

Agad naman akong bumaba dala-dala ang aking mga bagahe.

Nakita ko namang napangiwi si Mama nang masilayan niya ang kabuuan ko.

"Anak, natatakot ka bang masikatan ng araw ang balat mo? Ba't balot na balot ka? Trip mong maging suman?"

Napairap naman ako sa sinabi ni Mama.

"Mama, balot na balot lang ako pero maluwang po ang suot ko kaya paano ako magiging suman?"

Sagot ko kaya kinutusan niya ako.

"Tapos na ang session niyo ni Papa Ma?"

Tanong ko kaya napakunot noo si Mama.

"Anong session session ang sinasabi mo Lucianna Miranda?"

Napasimangot naman ako dahil sa binanggit ni Mama ang buong pangalan ko.

Di ko type.

"Yung sigawan at bangayan session ninyo ni Papa, Ma."

Sagot ko kaya nahampas ako ni Mama.

"Ikaw talagang bata ka. Pumunta ka na nga sa labas. Hinihintay ka na ng Papa mo roon."

Inismiran ko naman si Mama.

"Battered daughter na ang peg ko nito Ma. Kung hindi kutos, batok, kung hindi ka rin babatukan, hahampasin ka. Isumbong kaya kita sa Mayor Mama?"

Sabi ko kaya sinamaan na ako ng tingin ni Mama kaya napalunok naman ako.

"Sabi ko nga, aalis na ako. Una na ako Ma. Ingat."

Sabi ko saka nagtatakbo papalabas ng bahay.

Maabutan pa ako ng dragon, mabugahan pa ako ng nagbabagang sermon.

Katakot iyon.

© Magical Elite Academy 2.All Rights Reserved.Rikamadz.2019

Magical Elite Academy 2: The Unexpected (Completed)Where stories live. Discover now