Epilogue

12.7K 413 15
                                    

Epilogue

Napahinga naman ako nang malalim habang naglalakad ako papunta sa garden ng palasyo.

May iilan akong nakakasalubong dahil na rin sa mga bisita nina Mommy dahil may event na ginaganap para sa birthday ko.

Pero wala ako sa mood magsaya.

Umupo naman ako sa isang bench pagkarating ko sa garden.

Napatingala naman ako sa langit.

Ang ganda ng mga nagkikinangang bituin.

Nasaan na kaya si Anna?

Is she one of the stars that I keep on staring at everytime I feel sad and lonely?

"Anna"

Bulong ko.

"Vander"

Nanlaki naman ako nang may narinig akong bumulong.

Biglang lumiwanag ang buong garden.

May nagsiliparan pixies.

Nagkikislapan ang mga bulaklak at kumikinang ang mga halaman.

Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso.

Hindi ko alam pero natatakot akong lumingon kung saan man nanggaling ang boses na iyon.

Napasinghap pa ako nang may narinig akong humagikik.

Unti-unti namang nagsipatakan ang mga butil ng luha galing sa aking mga mata saka dahan-dahang lumingon sa kung saan nanggaling ang boses.

Halos pinipigil ko na ang aking paghinga nang masilayan ko kung sino iyon.

"Anna"

Gulat kong ani.

Nananaginip lang ba ako?

Ba't nandito si Anna?

Why is she standing in front of me?

Smiling so brightly and beautifully?

She's wearing an off-shoulder purple dress and a gladiator sandals.

May flower crown pa siya at suot-suot niya ang kwintas na ibinigay ko sa kanya noon.

Ngumiti naman siya sa akin.

She's smiling at the same she's crying.

Pero hindi iyon nakakabawas sa ganda niya.

"Happy Birthday"

Sambit niya saka dahan-dahang naglakad papunta sa akin.

At tumigil naman siya nang magkaharapan na kami.

"Ba't ka umiiyak baby Vanvan? Are you sad? Birthday mo hindi ba?"

Turan niya saka inabot ang magkabilaang pisngi ko at pinahid ang mga luhang patuloy pa rin sa pagkaagos.

Niyakap niya naman ako.

"I'm sorry. I'm sorry kung ngayon lang ako nakabalik. I'm sorry kung hinayaan kitang maghintay ng matagal. I'm sorry Van."

Sambit niya habang nakayap siya sa akin. Inalis ko naman ang pagkakayakap niya sa akin.

"Bu-buhay ka?"

Hindi makapaniwalang tanong ko.

At tumango naman siya kaya hindi ko mapigilan ang sariling yakapin siya ulit.

"I thought I had lose you already Anna. Akala ko hindi na kita makikitang muli. Akala ko hindi na kita mahahawakan o mayayakap man lang ulit. Akala ko iniwan mo na ako. Akala ko hinding hindi na muli tayong magkakasama."

Garalgal ang boses ko habang sinasabi iyon.

"Ako rin Van, akala ko hindi na kita makakasama. Mabuti nalang I was given a second chance to live again."

Sagot niya sa akin.

"Ba't ka nga pala nagda-drama diyan? You looked like you were about to cry nung lumitaw ako rito."

Sabi niya.

"Nami-miss na kasi kita. It's been five years magmula nang makita kita."

Sagot ko at narinig ko naman siyang napatawa.

"Have you been miserable Van? Sinisisi mo ba ang sarili mo sa nangyari sa akin hmm?"

Malambing niyang sambit .

"You shouldn't have done it Anna. H'wag mo nang gawin uli iyon kahit na buhay ko ang nakataya. Don't you dare to sacrifice your self para sa iba."

Umiling naman ito saka ako tiningala.

Hinaplos naman niya ang mukha ko. Nginitian niya naman ako.

"I love you."

Sabi niya kaya nginitian ko rin siya pabalik.

"I love you too my Anna. H'wag mo na akong iwan uli ah? Baka mabaliw na ako nang tuluyan."

Napatawa naman ito.

"Matagal ka ng baliw Van, noon pa man."

Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Baliw na baliw sa akin."

Sambit nito saka ako kinindatan kaya napatawa ako.

"Happy birthday, wala akong gift bukas nalang."

Umiling naman ako.

"You're more than enough Anna."

Ngumuso naman ito at umiling.

"No, dapat may gift ako. Limang birthdays mo ang na-miss ko."

Sabi niya kaya napatawa ako.

"Ako rin naman ah."

Sagot ko pero ngumisi lang ito sa akin.

"Fine, ito nalang muna."

Ani nito saka tumingkayad at ipinaglapat ang mga labi namin.

Napangiti naman ako saka pinagmasdan ang napakaamong mukha ni Anna.

Ang ganda niya pa rin kahit limang taon na ang makalipas.

Lalayo na sana siya nang bigla ko siyang hinigit papalapit sa akin at hinawakan ang mukha at muling ipinaglapat ang mga labi namin.

And I felt a tear fell from my eyes.

Napatawa pa ako sa isipan ko nang parang naging stiff ito at nagulat nang igalaw ko ang mga labi ko.

Mas hinigpitan ko pa ang pagkayapos sa kanya nang hinalikan niya rin ako pabalik.

Best birthday ever.

Bumalik na si Anna.

Ang babaeng pinakamamahal ko at ang babaeng papakasalan ko at ang babaeng magiging ina ng mga anak ko.

"Anna, kambal pa rin ah?"

Napatawa naman ako nang bigla niya akong hinampas.

"Ba't ba gusto mo ng kambal? Pwedeng isa nalang muna then saka na iyong isa? Mahirap manganak Evander Shawn kaya tigilan mo ko."

Sabi niya pero nginisihan ko naman siya.

"Nah, I'll do my best para maging kambal."

Hinampas niya naman akong muli.

"Kambal kambal ka diyan ni hindi pa nga tayo kasal. Iwan kita diyan eh."

Hinawakan ko naman ang kamay niya saka siya niyakap.

"Fine, kasal nalang muna bago ang kambal. Ayokong magaya ka kay Mommy na nanganak sa araw ng kasal nila ni Papa."

Narinig ko naman siyang napatawa.

"Pero pwede rin namang mauna ang kambal."

Sabi ni Anna saka ako hinalikan uli.

Magical Elite Academy 2: The Unexpected (Completed)Where stories live. Discover now