Chapter 43

9.8K 328 5
                                    

Chapter 43

Elisa's POV (Lucy's Mother)

"Tumigil na kayo Arthur!"

Sigaw ko rito at nagpakawala ng isang napakalaking light ball na siyang naiwasan niya naman.

Gumawa naman ito ng halimaw na gawa sa vines.

Ba't ba ang hihilig na gumawa ng haliimaw?

Kagaya na lamang ni Lucas!

Binilog nila ang utak nito at agad na kinuhang alyansa para sa labanang ito.

"Ba't ngayon pa kami titigil kung malapit na namin makamit ang aming kagustuhan at tagumpay?"

Sabi nito saka nagpaulan ng tinik.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Mga walang hiya talaga kayo Arthur! Ba't ba hindi niyo nalang tanggapin na hindi kayo mananalo!"

Sambit ko saka sumigaw nang napakalakas kaya lumindol rin ng sobrang lakas at kumulog at kumidlat.

Umulan pa ng apoy.

"Pagsisihan mo ang lahat nang ito Arthur! Pagsisihan mo!"

Sabi ko saka nagpakawala ng mga light balls.

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong napaiyak nang matamaan si Arthur ng light balls.

Hinanap ko naman si Lucy at nakita kong nakikipaglaban na rin ito.

Hinanap ko naman si Mama.

Tumutulong ito sa pag-gamot ng mga nasusugatan.

Agad ko namang nilingon si Arthur at nakita ko namang nakatayo na ito ng maayos.

Napatitig naman ako sa kanya nang may inilabas siyang espada.

Napabuntong-hininga naman ako saka inilabas rin ang weapon kong espada.

Ang kaibahan lang ng espada naming dalawa, ang sa kanya ay napapalibutan ng black magic habang ang akin ay napapalibutan ng light element.

Tumakbo naman kami palapit sa isa't isa at nagsimula ng umatake.

Ito ang kapalaran naming dalawa.

Ito ang nakatadhana sa amin.

Kaya wala na kaming magagawa kundi hayaang mangyari ang dapat mangyari.

At tanggapin kung ano man ang kahihinatnan nito.

* - *

Lucy's POV

Agad naman akong pumikit at huminga ng malalim.

Naramdaman ko namang yumanig ang lupa at kumulog at kumidlat.

Pagdilat ko ay bigla namang lumiwanag ang buong paligid.

Sumigaw naman ako kagaya na lamang ng ginawa ko sa cafeteria noon kung kaya't lumindol na namang muli at nagsilabasan ang mga nilalang na nasa lupa.

Mga higanteng uod at marami pang iba.

Gumawa naman ako ng ipo-ipo at hinayaang matamaan ito ng kidlat.

Kitang-kita ang kuryenteng dumadaloy dito.

At agad naman agad naka-kilos ang Mama ni Pepper kaya agad naman itong natamaan ng ipo-ipo.

Napapikit nalang uli ako ng mariin nang makitang nilamon na ito ng ipo-ipo.

Inilibot ko naman ang paningin ko at may iilang nakikita na ako na wala ng buhay.

Tumingala naman ako sa langit at hinayaang tumulo ang iilang butil ng luha mula sa aking mga mata.

Ilang minuto akong nakatingala nang maramdaman kong nagsisimula nang umulan.

Nakita ko namang mas dumidilim na ang langit at nag-iiba na ang simoy ng hangin.

Hanggang sa may nag-flash na imahe sa aking isipan.

Hindi ko alam pero bigla na lamang akong hindi makagalaw at parang kinakapos ng hininga.

Dahan-dahan ko namang nilingon ang kinaroroonan ni Vanvan.

At nanlaki na lamang ang mga mata ko sa aking nasaksihan.

Yannah's POV (Diyosa ng Kapalaran at Tadhana)

Nagaganap na ang pangatlong digmaan.

Nakakalungkot mang isipin pero malapit nang mangyari ang trahedyang kinatatakutan kong mangyari.

Ang trahedyang magdudulot ng kalungkutan sa buong sangkatauhan.

Ang trahedyang magdudlot ng sakit at pighati.

Ang trahedyang hindi maaaring pigilan.

Magical Elite Academy 2: The Unexpected (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon