Chapter 46

10.6K 370 0
                                    

Chapter 46

Nagulat naman ang lahat dahil sa nasaksihan.

Muling lumiwanag ang paligid.

Lumutang ang katawan nina Lucy at Prince Vander.

Hindi naman mapigilan ng Mama at Lola ni Lucy ang mangamba.

Ginagamit na naman ni Lucy ang ability niyang Necromancy!

Ang ipinagtataka nilang dalawa ay kung paano nalaman ni Lucy na mayroon siyang ganoong abilidad.

Hanggang sa tuluyan na naman silang lahat na napapikit nang lumiwanag
namang muli.

Napaawang naman ang labi nilang lahat nang pagmulat nila ay nawala na ang katawan ni Lucy.

Tanging katawan na lamang ng Prinsipe.

Walang kasugat-sugat o kahit isang galos man lang.

At lalong lalo na, tumitibok na namang muli ang puso nito.

Napasinghap ang iilan nang maintindihan nila ang nangyari.

Habang ang Reyna at Hari naman ay gulat na gulat pa rin.

At hindi naman mapigilan ng ina at lola ni Lucy ang hindi maiyak.

Nawala na si Lucy!

Nabuhay ngang muli ang Prinsipe pero siya namang pagkawala at pagkamatay ng babaing mahal na mahal nito!

Habang ang ama ni Lucy ay napatulala na lamang.

Hindi makapaniwala at hindi matanggap ang sinapit ng dalawa niyang anak.

Namatay si Lucas at naglaho nang tuluyan si Lucy.

Ngunit napatigil na namang muli ang lahat at natahimik nang imulat ng mahal na prinsipe ang mga mata nito.

At paunti-unting bumabangon.

Hindi nila alam kung sasagutin ba nila o kung ano ang gagawin nila nang magtanong ito.

"Nasaan si Anna?"

* - *

Makalipas ang limang taon. .

"Babalik pa rin ba siya sa dati Tris?"

Malungkot na sambit ng Reyna.

"Hindi ko alam, sinisisi pa rin niya ang sarili dahil sa pagkawala ni Lucy. Alam kong ilang beses na niyang hiniling na mamamatay o hindi kaya ilang beses na niyang sinubukan kitilin ang sariling buhay ay hindi niya naman magagawa. Masasayang ang ibinuwis na buhay ni Lucy para lang muli siyang mabuhay."

Garalgal ang boses ng Hari habang sinasabi iyon.

Tinititigan nila ang anak nilang nakatulala na naman sa kawalan.

Patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha.

Hindi naman nila mapigilan ang sariling hindi maiyak.

Naaawa sila sa kanilang kaisa-isang anak. Masyado itong nasaktan dahil sa nangyari.

"Paano na lamang kung palagi nalang siyang ganyan, Tris? Anong mangyayari sa kanya sa mga susunod na araw? Buwan? Taon?"

Niyakap naman ng Hari ang Reyna.

"Siya lang ang nakakaalam Mara. Siya lang. Pero alam kong darating din ang araw na babalik siya sa dati. Maaaring hindi ngayon, pero alam kong darating ang araw na iyon. Maghintay lang tayo Mara."

Niyakap naman pabalik ng Reyna ang Hari.

"Pero hanggang kailan tayo maghihintay Tris? Hanggang kailan?"

Napapikit na lamang ng mariin ang mahal na hari.

"Hanggang sa makakaya natin Mara. Hayaan na muna natin siya ngayon. Mukhang napakasakit pa rin sa kanya ang nangyari. Ano nga ba ang magiging reaksyon mo kung pag-gising mo nalang ay wala na ang taong mahal mo. At malalaman mo pang ibinuwis nito ang sariling buhay para muli kang mabuhay."

Napabuntong hininga na lamang ang dalawa habang pinagmamasdan nila ang kanilang anak.

* - *

Vander's POV

Hindi ko pa rin mapigilan ang sariling hindi maiyak sa tuwing naalala ko si Anna.

Nasaan na kaya siya ngayon?

Ano ba kasi ang pumasok sa kokote ng babaeng iyon at pinili niyang buhayin ako!

Ako dapat iyon eh! Ako dapat iyong mamamatay!

Why did she chose to sacrifice herself in order for me to live?

Anna naman kasi eh!

Limang taon na ang makalipas na puno ng lungkot, lumbay, panghihinayang at pagsisi.

Hindi ko mapigilan na sisihin ang sarili dahil sa pagkawala ni Anna.

It was like purely my fault!

Oo namatay nga si Luke ang reincarnation ng God of Darkness and Destruction pero namatay rin si Anna!

Why of all people, ba't si Anna pa.

Napahawak naman ako sa kwintas ko.

Iyong kwintas na binili ko noong pumunta kami sa pamilihan ng MEA.

Kaarawan ko na naman bukas.

Pero hindi ko makuhang magsaya man lang.

I felt useless.

Hindi nalang ako magugulat kung bigla nalang lilitaw si Anna dahil sa pinagagawa ko.

I'm doing some nonsense things already!

Mukha na ngang sinasayang ko lang ang buhay ko dahil puro pagtulala at pagmumukmok ang ginagawa ko araw-araw.

Napatingila naman ako.

Can I just ask a favor?

Pwede bang ibalik nila si Anna?

Pwede ba nilang ibalik sa piling ko ang babaeng mahal ko?

Magical Elite Academy 2: The Unexpected (Completed)Where stories live. Discover now