Chapter 41

10K 329 0
                                    

Chapter 41

Pagkarating namin sa palasyo ay halos nandun na ang mga bisita.

May iilang napapatingin sa amin pero hindi ko na lamang iyon pinansin.

"Nasaan sina Tita, Van?"

Tanong ko rito.

"Nandun yata sila, nandun kasi ang Lola mo oh."

Sambit niya at may tinurong direksyon.

Agad niya naman akong hinigit papunta doon.

"Mom, Dad"

Tawag niya kaya napalingon sa amin sina Tita at Lola.

"Anak, oh, nandito ka na pala Lucy. Ang ganda mo talaga, hehe. Bagay talaga kayo ni Baby Shawn namin."

Napatawa naman ako sa sinabi ni Tita.

"Hello po. Happy Birthday po Tito Denver."

Narinig ko namang nagbulungan ang iilan habang iyong kasama nila sa table ay parang kinilig.

"Ay! Hindi ba siya iyong nanalo sa pageant Kathy?"

Tanong nung isang babae.

"Oo, Yas. Ang ganda 'no?"

Napahagikik pa si Tita habang sinasabi iyon.

Nakita ko namang napailing si Vanvan.

"Mom, punta na muna kami sa table namin."

Tumango naman sina Tita kaya pumunta na kami sa table namin.

Anim lang kami, si Lander, si Pepper, si Glendy at isang hindi ko kilalang lalaki.

Nagsimula naman ang event, kinantahan namin si Tito ng Happy Birthday song saka ito nagbigay ng message for everyone.

Natawa pa nga ako nang nasingit niya pa kaming dalawa ni Vanvan.

Ang sumunod naman ay si Tita Kath.

"So I would like to greet our king a happiest birthday. Tumatanda ka na Tris pero buti nalang ang gwapo mo pa rin."

Natawa naman kaming lahat.

"I wish a good health and happy life. Yun lang, ayoko nang mag-drama or what baka umiyak ka pa ako ang sisihin mo. Just always remember that I'm always here by your side. I love you Tris."

Napatili naman ang iilan dahil dito habang ako ay napangiti nalang.

Ang cute talaga nila.

"Ang swerte mo sa parents mo ano?"

Sabi ko kay Vanvan.

"Yup, ang swerte ko nga. I'm really glad na sila ang naging parents ko."

Sagot niya.

Pagkatpos naman ay tinawag si Vanvan para magbigay ng message.

"I wasn't informed na kasali pala ako sa magme-message for Dad. I just want to greet him a Happy happy birthday. I hope that he will enjoy this party. Happy birthday and best wishes."

Nagpalakpakan naman sila pagkatapos magsalita ni Van.

May iilan pang nagbigay ng message hanggang sa sayawan na raw.

Naunang isayaw ni Tito Denver si Tita Kath hanggang sa hinigit na ako ni Vanvan papuntang dance floor.

"Ang ganda mo ngayon."

Sambit ni Vanvan.

"Ngayon lang?"

Natatawang tanong ko.

"Nope, palagi naman."

Natatawang sagot niya.

Patuloy lang kami sa pagsasayaw nang mahagip ng paningin ko si Mama.

"Ay teka muna Van, tinatawag yata ako ni Mama."

Tumango naman siya.

"And I think tinatawag ka rin ng Mommy mo."

"Parang nga."

Natatawang sabi niya.

Naglalakad na ako papalapit kay Mama nang bigla na lamang nawalan ng ilaw ang buong hall.

Napatigil naman kaming lahat.

'Ano na naman ang nangyayari?'

[A/N: Short chapter lang po itech]

Magical Elite Academy 2: The Unexpected (Completed)Where stories live. Discover now