Chapter 34

10.6K 340 0
                                    

Chapter 34

Pagkatapos kong kausapin sina Lailanie ay napagpasyahan ko na ring bumalik sa dorm pero agad rin naman akong napatigil dahil sa bulungan ng mga estudyante.

'Talaga? Nakita mo kagabi na magkasama iyong Lucy at si Prince Vander?'

'Oo noh! Hinalikan pa nga ni Prince Vander si Lucy eh! Nagyakapan pa silang dalawa!'

'Oh my God! So talagang nasa loob lang ang kulo ng nerd na iyon. Ang landi ah!'

'Pero ano ka ba! Boto raw sa kanya ang King and Queen. Kalat na kalat na iyan sa buong palasyo ng Fantasia.'

'Talaga? So kampanteng kampante ang nerd na iyon?'

'Baka ginayuma si Prince Vander'

'Pero maganda naman kasi iyon saka kung mas papapiliin ang ibamg estudyante sa kanilang dalawa ni Erielle, may iilang sasagot naas gusto nila iyong nerd. Alam mo naman siguro na bully si Erielle hindi ba? Ang taray taray pa at ang b*tchy ng attitude.'

"What the heck! Paano nila nalaman iyon? Yari ako nito."

Bulong ko sa sarili saka dali-daling naglakad pabalik sa dorm.

Naman eh!

Ako na naman ang magiging topic ng mga estudyante.

Hindi na ako magugulat kung bigla nalang na susulpot si Erielle at sabunutan ako.

Ba't ba naman kasi ginawa iyon ni Vander eh!

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad kaya hindi ko napansin na may mababangga ako.

Aish!

Mabuti nalang nahawakan nung nabangga ko ang balikat ko at ang hood ng hoodie ko kaya hindi natanggal.

Napatingala naman ako para tingnan kung sino ang nabangga ko.

'Si Luke'

"You should be careful next time, Miss."

Sambit nito saka ako nilagpasan.

Wew!

Napailing nalang ako saka nagsimulang maglakad ulit.

Pero agad rin namang napatigil.

Ba't pa ako maglalakad kung pwede naman akong magteleport?

Aish!

* - *

"Lucy! Sagutin mo na kasi ako! Totoo ba talaga iyong mga sinasabi ng mga estudyante? Lucy naman eh!"

Napakamot naman ako sa ulo saka inis na nilingon si Paminta.

"Ano ba kasi ang gusto mong sagot? Saka ano ba kasi iyang pinagsasabi ng mga estudyante?"

Maang-maangan kong tanong.

"Na may nakakita sa inyo na magkasama kayo kahapon ni Prince Vander and some incidents had happened!"

Sagot niya kaya napairap ako.

Gusto kong mag-sketch pero ang ingay-ingay niya.

"Kapag sinagot ba kita, mananahimik ka na diyan?"

Dali-dali naman itong tumango.

"Sigurado ka? Tumaba at pumangit ka man?"

Napangiwi naman ito pero agad rin tumango.

"Oo nga kasi. Sagutin mo na ako."

Sabi niya kaya napabuntong-hininga ako.

"Oo, totoo lahat. Kaya manahimik ka na."

Sabi ko saka binalik ang atensyon sa ini-sketch ko.

Napangiwi nalang ako nang magtitili si Paminta at lumundag-lundag.

"Omegash! I can't believe it! Babae ka nga insan! Hindi ka tibo! Kyaaaaa---PEPPER AZALEAH ALCAZARATE RUIZ!"

Sigaw ko kaya napatigil ito saka dahan-dahang umupo at napakamot sa ulo.

Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya nag-peace sign ito sa akin saka sumenyas na tatahimik na siya.

'Hay! Buti nalang. Ang ingay-ingay na niya.'

Magical Elite Academy 2: The Unexpected (Completed)Where stories live. Discover now