Chapter 9

13.2K 442 1
                                    

Chapter 9

"Pepper, nakasulubong ko si Lander kagabi, hinatid ka pa niya rito?" Tumango naman si Pepper.

"Don't get too close to him Pepper." Sambit ko kaya napanguso naman ito.

"Bakit? Akala mo ba na baka may something sa amin?" Umirap naman ako.

"Hindi ko siya type noh? Saka may Glendy na iyon. Kontento na ako sa mga gwapong royalties." Napailing naman ako sa sinabi ni Pepper.

"Nababaliw ka na naman." Sagot ko sa kanya.

"Hindi mo kinain ang pagkaing dinala ko galing cafeteria, hindi mo type? Pero inubos mo iyong waffles huh? Adik ka talaga." Inilingan ko naman siya.

"Tara na nga."

Nakita niya namang napailing ito kaya napataas ang kilay niya.

"Iba talaga trip mo sa buhay. Black converse shoes? Really Lucianna?" Binatukan ko naman siya.

"Lucy, Lucy ang pangalan ko." Sambit ko kaya napatawa siya.

"Anlaki ng problema mo sa Lucianna, Lucianna Miranda. Maganda naman ah?" Hinampas ko naman ang balikat niya.

"Manahimik ka. Ang lakas ng boses mo saka kung ano-ano nalang ang kinu-wento mo kahapon ah. Ansarap mo talagang kutusan." Napatawa naman siya.

"Kanino mo iyan nalaman?" Sagot niya kaya umiling ako.

"Diyan lang sa tabi-tabi." Napailing naman siya.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya kaya nilingon ko siya.

"Libre mo?" Tanong ko at nakatanggap naman ako ng hampas mula sa kanya.

"H'wag kang abusado. Mas mayaman ka pa sa akin." Inismiran ko naman siya.

"Yung mga magulang ko ang mayaman, hindi ako. At hindi rin ako ang kuripot, si Daddy yun." Napatawa naman siya.

"Iyon na nga, nagmana ka sa Daddy mo."

Napairap naman ako.

Kung ano-ano nalang ang sinasabi ng isang 'to.

* - *

Pagkapasok ni Evander sa cafeteria ay agad niyang inilibot ang tingin at hinanap iyong nerd na trip niyang tawagin bilang Anna.

Peace offering naman talaga ang plano niya kahapon nang maalala niyang takot ito sa caterpillar sabi ng pinsan nito kaya ayun.

Napag-tripan niya na naman ito.

Halata pa namang nairita talaga ito sa ginawa niya.

Kung nakakamatay pa nga siguro ang sama ng tingin ay baka ilang beses na siyang humandusay sa sahig.

Baka nga ilang beses na siyang pinatay ng babae sa isipan nito.

"Bro? Kanina mo pa tinitignan yung nerd, don't tell me, type mo?" Binatukan niya naman ang kaibigan niyang si Tyler.

"Hindi, kaya manahimik ka nalang diyan." Sagot niya rito at inalala ang napakagandang at maamong mukha ng dalaga.

'Maganda nga siya kahit na may eye glasses ito na pang nerd.'

'Pero mas maganda ito kapag walang eye glasses.'

Sambit ni Evander sa kanyang isipan.

'Her beauty is one of a kind, and I also wish na sana mabait rin ito kahit na may pagka-masungit ito'.

Napataas naman ang kilay niya nang tumingin ito sa kanya.

At muntik pa siyang mapatawa nang mapansing masama pala ang pagkakatingin sa kanya kaya nginisihan na niya lang ito saka iniwas ang tingin.

Napabuntong hininga naman siya nang may kumapit sa braso niya.

Si Erielle.

'One of the higher elite students na pilit na ipinagpipilitan ang sarili sa kanya.'

"Kamusta na ang Mahal na Reyna at Hari, Evander?"

Tanong nito kaya lihim siyang napairap.

'This girl is kinda annoying.'

"Of course, they're doing good. They are the King and Queen after all." Sagot ni Vander saka tinanggal ang pagkakapit ni Erielle sa kanya.

"Are you free tonight, Evander?"

Muntik pang masuka si Vander dahil sa pilit na pina-sweet at seductive ni Erielle ang boses nito.

"No, so please excuse me. Nagugutom na ako."

Sambit ni Vander saka napa-buntong hininga.

Napatingin naman siya sa nerd na makakasalubong niya.

Inirapan pa siya nito bago siya tuluyang nilagpasan.

Napailing nalang tuloy siya.

Magical Elite Academy 2: The Unexpected (Completed)Where stories live. Discover now