Chapter 40

10.4K 350 2
                                    

Chapter 40

Ngayon na ang ball sa palasyo para sa celebration ng birthday ni Tito Denver.

Si Pepper ay nakasuot ng mint green na ball gown.

May flower crown siya na gawa sa roses na iba't iba ang kulay.

She looked pretty.

Habang ako naman ay navy blue and silver ang kulay ng ball gown.

Off-shoulder ito backless.

Hindi ko alam pero mahilig yata si Mama na pasuotin ako ng backless.

Bin-raid naman ni Mama ang buhok ko.

At pinasuot ng head dress na pure silver at may pearls.

Suot-suot ko naman ang kwintas na ibinigay sa akin ni Vanvan.

"Ang ganda mo talaga insan, as in. Para kang literal na kumikinang."

Napatawa naman ako sa sinabi ni Pepper.

"Maganda ka rin naman."

Sambit ko kaya napangiti ito.

"Pero mas maganda ka, mana ka talaga kay Tita."

Napangiti nalang ako sa sinabi niya.

"H'wag mong bolahin si Mama. Baka akalain niyang totoo na iyang sinasabi mo."

Natatawang sabi ko kaya kinutusan ako ni Mama.

Ayan na naman siya oh.

Ginagawa na naman akong battered daughter.

"Pero mukha ka na talagang Prinsesa insan habang ako naman ay diwata."

Napahagikik naman si Pepper kaya napangiwi ako.

May lahi yatang pixie si Pepper.

"Susunduin ka ba ni Vanvan mo Lucy?"

Nagkibit balikat naman ako.

"Hindi ko alam, wala naman iyong sinabi."

Sabi ko kaya napatango silang dalawa ni Mama.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin ni Mama ang pag-aayos sa akin.

"Hindi ka ba pupunta Ma?"

Tanong ko.

"Pupunta, pero susunod lang ako. May aasilasuhin pa kasi ako. Oh siya sige na. Umalis na kayo baka ma-late pa kayong dalawa."

Sambit ni Mama kaya napangiti kaming dalawa ni Pepper.

Papalabas pa sana kami nang may nag-doorbell.

Sino kaya iyan?

"Oh! Lander, ba't ka nandito?"

Gulat kong sabi.

"Ah, sinudundo ko si Pepper."

Tinaasan ko naman siya ng kilay.

'Really?'

Sambit ko sa isipan niya.

'Lucy, seryoso na ako kay Pepper. Kaya kumalma ka.' S

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

'Seryoso? Talaga lang ah? Sa oras talaga na malaman kong pinagti-tripan mo lang si Pepper, ililibing kita ng buhay.'

Sabi ko sa isipan niya saka siya nginitian.

"Ah sige. Mauna na kayo Pepper."

Sambit ko.

"Ha? Sure ka?"

Tinanguan ko naman sila.

"Oo na nga. Sige na, may sasakyan naman yatang ipinahanda si Mama para sa akin."

Sabi ko ulit kaya tuluyan na silang umalis dalawa.

Kinawayan ko naman sila nang makasakay na sila sa sasakyan ni Lander.

Papasok na sana ako sa carriage na pina-ready ni Mama nang may humablot sa braso ko.

Nanlaki pa ang mata ko nang bigla niya akong niyakap.

Wew!

"Anna"

Napatawa naman ako saka siya niyakap pabalik.

"Ba't ka nandito?"

Tanong ko sa kanya.

"Susunduin kita. Akala ko nakaalis ka na buti nalang naabutan pa kita."

Napatawa naman ulit ako.

"Eh ba't ka nangyayakap diyan?"

Tanong ko.

"Wala lang, hindi kita nakita kahapon at kanina. I just miss you."

"I miss you too."

Sagot ko sa kanya.

Umalis naman siya sa pagkakayakap sa akin.

Inilahad niya naman sa akin ang kanang kamay niya.

"Shall we, my princess?"

Sambit nito kaya nginitian ko muna siya bago inabot ang kamay.

Ngumisi naman ito.

"Ayan ka na naman sa ngisi mo."

Sabi ko kaya napatawa siya.

"Killer smile ang tawag dito Anna. Kaya nga patay na patay ka sa akin eh."

Binatukan ko naman siya.

"Iba ang ngisi sa ngiti. Baliw ka talaga."

Magical Elite Academy 2: The Unexpected (Completed)Where stories live. Discover now