Chapter 5

13.9K 483 0
                                    

Chapter 5

Distracted ako ngayon dahil sa na-drawing ko kanina.

Ni hindi ko na nga napansin na tinawag na pala ako ni Prof.

"Miss Alcazarate?"

Napakurap-kurap naman ako.

"Ah, yes. Prof?"

At nakita ko namang tila ba nag-alala ito sa akin.

"Are you okay Miss? You look pre-occupied."

Tumango naman ako.

"You're going to have a duel with Mister Wilson."

Lumapit naman ako sa harap at hinanda ang sarili.

Tiningnan ko naman siya sa mata at napapikit naman ako nang makita ko ang nakaraan niya.

Once talaga na may makita ako, sunod sunod na.

Sinuntok niya ako pero nailagan ko ito.

Nag-bend naman ako at sinubukan siyang patirin pero naiwasan niya ito.

Sinubukan niya akong sipain pero nasangga ko ulit ito.

Napatitig naman ulit ako sa mata niya at nakita ang iilang imahe ng hinaharap niya.

Kinagat ko nalang nang mariin ang aking labi at talagang tinitigan siya sa mata at nagpakawala ng suntok patungo sa kaliwang panga niya na hindi niya inaasahan.

Tumilapon naman siya dahil sa napalakas ko yata ang pagsuntok.

"Good job, Miss Alcazarate. Better luck next time Mister Wilson."

Sambit ni Prof kaya bumalik na ako sa pwesto ko kanina.

"Okay ka lang, insan?" Napatingin naman ako kay Pepper at tinanguan ako nito.

"Hoy! H'wag ka ngang mag-over think about dun kay Prince Vander. Wala lang yun. Titigilan ka lang rin nun kaya you don't to overthink. Magmumukha kang shungi insan."

Binatukan ko naman si Pepper.

"I'm not overthinking about that. May iba akong iniisip saka tigil-tigilan mo ako tungkol diyan."

Nakangiwing sambit ko kaya napatawa naman siya.

Natapos naman ang lahat kaya pina-dismiss na kami ni Prof.

Nakita na raw niya kasi kung sino ang may malaking potential sa self defense.

Andaming arte noh?

"Tara, punta tayong cafeteria. Libre kita."

Sambit ni Pepper kaya napairap naman ako.

Para namang tag-hirap ako ngayon.

Nagulat na lamang ako nang biglang sumulpot sina Glendy at Lander.

"Hi! Pwedeng pasabay?"

Sabi ni Lander kaya napa-palakpak naman si Pepper.

"Sure! Libre ko. Tara."

Napangiwi naman ako at napakamot sa uli.

Hindi ko type ang dalawang 'to.

"Anong order niyo?"

Tanong ni Paminta sa kanila at sinagot naman nila.

"Samahan na kita."

Sambit ko at sinamahan si Pepper.

"Alam ko na ang sasabihin mo, ano ka ba. Stop being negative."

Sabi ni Pepper kaya inilingan ko siya.

"Bahala ka, that's your choice. Basta, ikaw ang pumayag na makipag-kaibigan sa kanila at hindi ako. I'm out of that."

Sinapok niya naman ako.

"Ayan! Umaandar na naman yang ka-ewan mo! Anong order mo?"

Tanong ni Pepper sa akin.

"One piece chicken meal, isang extra rice, chicken afritada, black forest cake and chocolate shake."

Tumango naman ang tindera. Pagkakuha namin sa order namin ay agad naman kaming bumalik sa mesa namin.

Napatingin naman ako sa may entrance ng cafeteria nang pumasok ang mga Royalties.

'Heto na naman sila.'

Magical Elite Academy 2: The Unexpected (Completed)Where stories live. Discover now