Chapter 17

11.4K 429 0
                                    

Chapter 17

Pagkatapos niyang i-braid ang buhok ko at lagyan ng bulaklak ay lumabas na rin iyong mga kaibigan niya.

Lahat pala ng pixies, mahilig humagikik. Ganun din kasi sina Louise, Mia, at Jack.

Ang pangalan naman ng dalawang fairies ay Sue at Lyca.

Habang ang gnomes naman ay Philip, Roger at Yen.

At sila na ang bago kong mga kaibigan.

Akala ko masungit si Edgar iyon pala ay friendly at jolly rin ang isang iyon kapag nakapalagayan mo na ng loob.

Pagkatapos ng kwentuhan namin ay agad rin naman akong bumalik sa dorm.

Baka hanapin na ako ni Pepper kapag nauna siyang nakabalik dun.

Pagkarating ko sa dorm ay ako pa rin ang nandoon.

Buti nalang.

Hindi na ako pumunta sa cafeteria, dadalhan din naman kasi ako ni Pepper ng pagkain kaya h'wag nalang.

Nagulat nalang ako nang may kumatok.

"Lucy! Si Pepper!"

Sambit ni Glendy.

Siya pala iyong kumatok.

"Ha? Anong nangyari?"

Tanong ko.

"Nakikipag-away sa cafeteria. Ayaw papigil eh."

Sagot niya kaya dali-dali kaming tumakbo.

Napangiwi naman ako nang maalala kong kaya pala naming mag-teleport.

"Mag-teleport nalang tayo!"

Sambit ko kaya napatango naman siya.

'Nako naman! Ano bang pumasok sa kokote ni Paminta at nakipag-away pa!'

* - *

"Sh*t pare! Si Erielle inaaway iyong kasama ni Nerdy girl kanina! Ayaw papigil! Idagdag mo pang war freak rin yung isa kaya nagkaka-rambola na sa cafeteria!"

Napatigil naman si Vander.

"What? What about the nerd?"

Tanong nito.

"Wala, wala siya sa cafeteria pero I think, tinawag siya nung isang kakilala niya."

Napatayo naman siya.

"Eh bakit walang pumipigil sa kanila? Mga professors?"

Napakamot naman sa ulo iyong kausap ni Vander.

"Ewan! Gabi na eh! Wala na ang professors sa Faculty! Nasa village na nila. Alangan namang tawagin natin ang Dean eh baka mas lumaki ang problema!"

Sagot nito kaya binatukan ito ni Vander.

"Aish! Sana siya nalang agad tinawag niyo!"

Umismid naman ang kausap ni Vander.

"Pare, nakakalimutan mo yatang ikaw ang Prinsipe at ikaw ang naka-toka sa Peace and Order ng Academy. Na-amnesia ka ba?"

Napairap naman si Vander saka nag-teleport papuntang cafeteria.

Pero nagulat naman siya sa nadatnan niya.

Sobrang tahimik ng lahat at nanlalaki ang mga mata.

Napatingin naman siya sa mga mesang nakatumba at chandelier na nasa sahig, basag.

Parang dinaanan ng delubyo ang buong cafeteria.

Napatingin naman siya sa gawi nina Erielle pero parang gulat na gulat rin ito.

Napatingin naman siya sa kung kanino ang mga ito nakatingin.

At nagulat nalang siya nang makita ang nerd.

Mariing nakapikit at tila kinakalma ang sarili.

'Woah! Don't tell me, siya ang may gawa nito?'

"What the heck had happened here?"

Tanging nasambit niya kaya napalingon sa kanya ang lahat.

Magical Elite Academy 2: The Unexpected (Completed)Where stories live. Discover now