Chapter 12

12.5K 461 8
                                    

Chapter 12

Sa palasyo. . .

"Anong problema Mara?"

Tanong ng Mahal na Hari sa kanyang asawa.

Umiling naman ito saka lumingon sa Hari.

"Wala naman Tris. Hindi ko alam, pero napapansin kong parang mas dumidilim na ang gabi ngayon. Saka hindi na masyadong lumiliwanag ang buwan. Ilang araw ko na iyong napapansin."

Sambit ng Mahal na Reyna kaya napatawa ang Hari at niyakap ito.

"H'wag kang masyadong mag-over think Mara. Normal lang naman siguro iyan. Ba't ba ang tagal ni Shawn?"

Ani ng Hari.

"Nandito na ako! Kaya please lang, paki-tigil tigilan ang PDA. Nasusuka ako."

Sabi ng Prinsipe kaya binatukan siya ng Reyna.

"Ikaw talagang bata ka. Wala kang kasama?"

Napairap naman ang Prinsipe.

"Mom, may nakikita ka bang hindi ko nakikita?"

Napairap naman ang Reyna.

"None, I just thought na girlfriend mo na iyong anak ni Castro. Sabi kasi ng anak niya nagkakamabutihan na raw kayo."

Napangiwi naman ang Prinsipe.

"Mom, that will never happen. I don't like Erielle saka ilang beses na ba kayong sinabihan niyan? As if namang may magugustuhan ako sa school."

Napailing na lamang ang Hari at Reyna sa sinabi ng kanilang anak.

"Shawn? Hindi ka ba bakla?"

"What the! Dad! Of course not! Why would you think of something like that! Aray!"

Sambit ng Prinsipe.

"Sinisigawan mo ba ako Evander Shawn Quezares Fantasia?"

Napakamot naman ng ulo ang Prinsipe.

"No, Dad. Parang nagulat lang eh."

"Are you sure na wala kang natitipuhan sa eskwelahan mo anak? Kahit sa mga Royalties wala?"

Napairap naman ang Prinsipe dahil sa tanong ng Reyna.

'Meron, yung babaeng nerd na masungit.'

Gusto niya sanang isagot iyan pero baka asarin lang siya ng magulang niya.

"Wala nga."

Pinanliitan naman siya ng mata ng Reyna.

"What?"

"Are you sure? Baka may tinatago ka ah?"

Napabuntong hininga naman siya at napakamot sa ulo.

"Fine. Meron, pero nagagandahan lang ako sa kanya. No more, no less. Umupo na nga kayo, Mom, Dad, kumain na tayo."

Napa-palakpak naman ang Reyna kaya napatawa ang Hari.

"Hindi nga siya bakla Tris. Lalaki ang anak na---Mom!"

"What? I'm just happy na may babae na natitipuhan--Mom, ang sabi ko nagagandahan, hindi natitipuhan. Magkaiba iyon."

Napanguso naman ang Reyna.

"Pero diyan din iyan magsisimula anak."

Sagot ng Hari.

"Whatever Dad. Kumain na nga lang tayo."

Nakasimangot na sambit ng Prinsipe.

"What's her name then?"

Nakangising tanong ng Reyna.

"Lucianna Miranda Alcazarate."

Napahalakhak naman ang Reyna kaya napailing nalang ang Hari.

"Hindi raw natitipuhan, pero alam ang full name. Sure ka ba talaga diyan Shawn? Baka may hidden desire ka na pala sa dalagang iyon."

'Ito na nga ba ang sinasabi ko.'

Sambit ng Prinsipe sa kanyang isipan.

"Pero, Alcazarate huh? Higher Elite? Hindi ba may Alcazarate na kasali sa konseho, Tris?"

Tumango naman ang Hari.

"Bumisita kaya tayo sa MEA, Tris. Tingnan natin kung maganda talaga iyang sinasabi ni Baby Shawn natin."

Napangiwi naman ang Prinsipe at napakamot sa ulo.

"Mom, she's a nerd saka mataray. Kaya tigil-tigilan niyo siya. She has nothing to do with me. Mas mabuting pagtuunan niyo nalang ng pansin ang pagiging Hari at Reyna niyo."

Binatukan naman siya ng Reyna.

"Ang sungit sungit mo talaga! Makapagsalita ka, parang mas matanda ka sa amin ah? Pero dapat talaga, makita ko iyang sinasabi mo, dapat hindi siya mas maganda sa akin, right Tris?"

Napailing naman ang Hari at Prinsipe sa sinabi ng Reyna.

"Ay, sa leveling niyo nalang. Always present naman kami sa leveling and it would be next week kaya hindi ako matatagalan sa paghihintay."

Nag-tinginan na lamang ang mag-ama dahil sa sinabi ng Reyna.

Magical Elite Academy 2: The Unexpected (Completed)Where stories live. Discover now