Chapter 3

15.8K 541 13
                                    

Chapter 3

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi ni Pepper.

Patay!

Narinig niya bang tinawag ko siyang bwis*t?

Nako! Bibitayin na niya ba ako?

Patay ako nito kay Papa!

Stay out of trouble pa naman ang goal ko ngayon.

Dahan-dahan ko namang nilingon ang likuran ko at laking gulat ko na lamang nang ilang inches nalang ang pagitan ng mukha naming dalawa.

'What the freaking golly molly of chocolate black forest cheese cake!'

"Are you interested in me, Ms.I-Don't-Know-Who-You-Are?" Tanong niya kaya umiling ako.

"Ah hindi po." Sagot ko at tinaasan niya naman ako ng kilay.

'Psh. Feeling naman ng isang 'to mas ikina-gwapo niya ang pagta-taas ng kilay. Nagmumukha naman siyang bakla.'

"I'm Prince Evander Shawn Quezares Fantasia. And you are?" Bumuntong hininga naman ako at tatanggapin na sana ang kamay niya nang sumingit si Pepper.

"And she's Lucianna Miranda Alcazarate. Hehe, sige una na kami Prince. Sige po." Sambit ni Pepper saka ako hinila paalis.

* - *

"Alam mo bang known ang Prinsipe sa pagpapahiya ng mga babae? Cold-hearted ang isang iyon at ang sungit-sungit! Ang hilig pang mang-asar! Nako friend! Ikaw ang trip niya ngayon! Ba't naman kasi tinawag mo siyang bwis*t eh!"

Ngawa ni Pepper kaya binatukan ko ito saka ko sinabi sa kanya ang dahilan kung bakit ako naiirita sa Prinsipeng iyon.

"Hahahahaha! Shet! Kawawa ka friend! Na-misunderstood ka yata! Hahahaha. . "

Napangiwi naman ako nang nagpatuloy pa rin sa pagtawa si Pepper.

"Sige pa Paminta, tumawa ka pa hanggang sa malagutan ka ng hininga. Nahiya naman kasi ako sayo. Pinsan mo ko, pero kung pagtawanan mo ko, parang kung sino-sino lang ako noh?"

Nakita ko naman siyang kinagat niya ang kanyang labi at pinipigilan ang sariling matawang muli kaya umismid ako.

"Itawa mo nalang iyan Paminta, baka sa iba pa lumabas ang iyan. Mahilo pa tayong dalawa."

Sambit ko kaya napahalakhak na naman uli siya.

Kaiyak.

'Grabe! Ansama sama talaga ng isang 'to.'

Inabot pa siya ng ilang minuto bago natapos ang tawanan portion niya.

"O siya. Seryoso na this, my dear cousin. Ba't naman kasi trip mong mag-disguise eh ang ganda ganda mo naman?"

Tanong niya sa akin kaya napabuntong hininga ako.

"Social Experiment nga kasi 'to." Sagot ko kaya binatukan niya naman ako.

"Eh ba't mo ba trip iyang gawin? My ghad! Kung kasing ganda at sexy lang kita ira-rampa ko talaga sa buong Fantasia!" Inirapan ko naman siya.

"Mas mabuti nalang 'to no? Iwas sa expectation and such saka iwas plastic na rin. Marami na nga ang lumalapit sa akin dahil sa Higher Elite ako, ipapakita ko pa ba ang itsura ko? H'wag na uy! Nakakatamad makipag-kapwa tao. Saka I prefer being like this, kasi nakasanayan ko na rin 'to." Sagot ko kaya napatango naman siya.

"Eh anong gagawin mo kapag nagkasalubong kayo ni Prince Vander?" Nagkibit balikat naman ako.

"May dapat ba akong gawin? Syempre iwasan siya o di kaya, act like you forgot everything. Ganun ang peg ko. Bahala na kung anong mangyari! I'll just go with the flow." Sagot ko kaya napailing naman siya.

Magical Elite Academy 2: The Unexpected (Completed)Where stories live. Discover now