Chapter 29

10.7K 423 1
                                    

Chapter 29

Wala kaming klase ngayon dahil ibinigay sa amin ang natitirang dalawang araw before ang leveling para sa training kuno namin.

"Hoy Paminta! May pupuntahan na muna ako. Sige! Ba-bye!"

Sabi ko saka nag-teleport.

Tinawag pa niya ako pero hindi ko na ito pinansin.

Agad naman akong nakarating sa may bukana ng forest.

"Lailanie?" Tawag ko kay Lailanie saka inilibot ang aking paningin. "Lailanie? Edgar?"

Tawag kong muli.

Binibiro lang yata ako ni Lailanie eh.

Aalis na sana ako nang pagkatalikod ko ay may nakaharang na Pegasus sa harapan ko?

Woah! Pegasus!

"Ako po ay pinadala ng Inang Reyna, halina po kayo."

Sabi ng Pegasus.

Woah ulit!

Nakakapagsalita sila.

"Hindi po kami nakakapagsalita. Sadyang nababasa niyo lamang po ang nasa aking isipan."

Sabi niya kaya napangiwi ako.

"So sasakay ako sayo?"

Nakita ko naman itong napailing parang sinasabi na 'Hindi ba obvious?'

"Halina po kayo. Kanina pa po sila naghihintay."

Sabi ulit nito kaya agad nalang akong sumampa sa likuran niya saka nagsimulang maglakad.

Pagkapasok namin sa kagubatan ay nagsimula na itong tumakbo hanggang sa paunti-unti na itong lumilipad.

Yikes!

Ang ganda tingnan ng nasa baba.

Makalipas ang ilang minutong paglipad ay bumaba na naman rin ang Pegasus.

"Dumiretso ka lang. Dun sa may fountain. Nandun naghihintay ang gustong kumausap sayo."

Tumango naman ako at nagsimulang maglakad.

Ang ganda ng paligid.

Parang kaparehas nung nakita at nai-drawing ko.

Huminga naman ako ng malalim nang makita at maaninag ko na ang fountain na sinasabi ng Pegasus.

Medyo dinalian ko ang paglakad pero agad rin naman akong napatigil nang makita ko kung sino ang gustong makipag-usap sa akin.

Napangiti naman ako at hindi ko mapigilan ang hindi maiyak.

"Mama"

Sambit ko saka siya nilapitan at niyakap.

"Lucy"

Sagot niya at niyakap din ako pabalik.

Humiwalay naman siya sa pagyayakap sa akin at hinawakan ang mukha ko at pinahid ang iilang butil ng luha.

"Anak, na-miss kita."

Sabi niya kaya tinguan ko siya.

"Na-miss rin kita."

Sagot ko saka siya yinakap ulit.

"Akala ko matatagalan ka pa Ma."

Narinig ko pa siyang napatawa.

"Gusto lang kasi kitang supresahin anak. Nanalo ka raw dun sa pageant na sinalihan mo."

Sabi niya kaya napatango ako.

"Oo nga Ma, ang gaganda nung mga damit na ipinadala mo. Saka kilala mo rin pala sina Lailanie."

Ani ko saka napatingin sa kasuotan ni Mama.

Napangiti naman ako.

"Nakausap mo na ang mga magulang mo Ma?"

Tanong ko kaya napatigil siya at napatitig sa akin.

"Paano mo nalaman Lucy?"

Gulat niyang tanong kaya nagkibit balikat ako.

Hinawakan ko naman ang flower crown na suot-suot ni Mama.

Nakasuot siya ng floral na long sleeve whole dress.

At parang kumikinang si Mama.

"Isa kang fairy hindi ba?"

Tanong ko ulit.

"Ikaw ang anak ng reyna. Nakita ko iyon Ma."

Dagdag ko kaya napakurap kurap siya.

"Hindi ba siya galit Ma?"

Nakita ko namang napaiyak si Mama at umiling.

"Hindi siya galit anak. Gusto ka nga niyang makita."

Sagot niya kaya napangiti ako.

"Sa kanya mo ba namana iyong naapektuhan ang paligid sa kung ano ang nararamdaman natin Mama?"

Tanong ko at tumango naman siya.

"Lahat ng fairies na may royal blood anak, may kakayahang ganun. Alam mo naman sigurong hindi normal na fairy ang Mama ko hindi ba?"

Tumango naman ako.

"So Prinsesa ka ng mga fairies Ma?"

Tanong ko at tumango naman siya.

"Kaya isa lang ang ibig sabihin nun anak, prinsesa ka rin nila."

Napangiti naman ako sa sinabi ni Mama.

Magical Elite Academy 2: The Unexpected (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon