Chapter 28

12K 398 16
                                    

Chapter 28

Napatawa naman ako nang pagkagising ko sa umaga ay agad na bumungad sa akin sina Tita Kath at Tito Denver.

"Halika na Lucy! Mag-swimming tayo! Ay! Kumain pa pala muna tayo then saka tayo mag-swimming!"

Natatawang bumangon naman ako sa higaan.

"Sige po tita, mag-aayos na muna ako."

Ngumiti at tumango naman silang dalawa.

"Oh, sige Lucy. Good Morning."

Sabi ni Tito at hinila na si Tita.

Nagbihis lang ako ng loose shirt na kulay navy blue at short shorts na maong.

Nag flip flop at mi-nessy bun ang buhok.

Nag-tooth brush at nag-hilamos, of course.

Ngayon, paano ko hahanapin ang dining room nila?

Papalabas pa sana ako nang may kumatok.

Agad ko naman itong binuksan at nakita kong si Vanvan ito.

"Halika na. Kanina pa ako kinukulit ni Mommy."

Napatawa naman ako.

"Oo nga. Ang hyper naman yata ng Mommy mo, ano?"

Tumango naman siya.

"Yup. She's been always like that. But she's the best mom I could ever wish and have."

Napangiti naman ako.

Makalipas ang ilang minuto naming paglalakad ay narating na rin namin ang dining room nila.

"Lucy! Upo ka na."

Tumango naman ako at umupo sa tabi ni Vanvan.

"Kain ka lang hija."

Tumango naman ako sa sinabi ni Tito.

"Woah! May waffles."

Sambit ko kaya napatawa sila.

"It's Shawn's suggestion. Mahilig ka raw kasi sa waffles."

Nangingiting tumango naman ako at nagsimulang kumain.

Kumuha ako ng hotdogs and bacons.

Kumuha rin ako ng nuggets.

Hindi na ako mahihiya.

"Ang takaw mo."

Sabi ni Vanvan kaya inismiran ko siya.

"Minsan lang naman, OA mo ah."

Sagot ko kaya napailing siya.

"Minsan lang daw pero nakaubos ng limang waffles nung Thursday."

"Hehe, ang cute niyo. Sure ba talaga kayong wala kayong relasyon? Nagbaba-kasali lang naman."

Sabi ni Tita kaya napangiwi ako at napakamot sa ulo.

"Ha? Wala po. Magkaibigan lang po kami ng anak niyo."

Tumango naman si Tita.

"Any plans? What I mean is that, ahm, if--Mom, tumigil ka nga. Ang atat mo ah."

Putol ni Vanvan sa sasabihin ng Mommy niya.

"Fine! Kamusta na nga pala ang magulang mo Lucy?"

"Ahm, okay lang naman po sila Tita."

"Really? Ba't yung Papa mo lang yata ang nakita ko kahapon sa pageant, nasaan ang Mama mo? Hindi niya ba alam na sumali ka sa pageant?"

Napatingin naman ako sa Hari at ngumiti.

Magical Elite Academy 2: The Unexpected (Completed)Where stories live. Discover now