Chapter 35

10.7K 395 2
                                    

Chapter 35

Gabi na pero hindi pa rin matapos-tapos ang bulungan ng mga estudyante tungkol sa amin ni Prince Vander.

"Hay!"

Napatingin naman ako sa mga sketches ko.

Ba't ba naman kasi nakakakita pa ako eh!

Napapikit naman ako saka isinubsob ang mukha sa mesa.

Hindi ko naman mapigilan ang sariling umiyak.

'Mamatay si Aristotle'.

Mabuti nalang wala si Pepper rito.

'Magkakagulo ang lahat.'

Napatingin naman ako sa huling sketch na gawa ko.

'Magkakaroon ng digmaan at nasa kabilang panig si Papa.'

Napatayo naman ako saka pinahid ang iilang butil ng luha sa aking pisngi.

Napabuntong hininga naman muna ako saka isinuot ang hoodie ko.

Gusto kong pumunta sa gubat ng MEA.

Habang naglalakad ako ay iniisip ko pa rin ang mangyayari.

Ba't ba naman kasi nakakakita ako ng hinharap eh!

Pagkarating ko sa gubat ay agad kong tinungo ang ilog at umupo sa isang malaking bato.

Napapangiti naman ako ng makitang nagsililipiran ang ilang pixies.

Tila ba sila'y sumasayaw sa indayog ng malamig na simoy ng hangin.

Napatingin naman ako sa paligid saka gumawa at nagpatubo ng iilang glow in the dark na mga halaman.

Gumawa rin ako ng light balls na iba-iba ang kulay saka ipinalipad.

Napatingin naman ako sa ilog nang may tumawag sa akin.

"Ang ganda ng simoy ng hangin ano?"

Napakurap-kurap naman ako.

Isang serena.

"Hindi ko mapigilang hindi pumunta rito. Isa kang fairy ano? Nalalanta kasi ang iilang halaman sa ilalim ng tubig. Malungkot ka ba?"

Napatitig naman ako dahil sa sinabi niya.

Nakita ko naman siyang ngumiti.

"Alam kong mahirap ito mahal na prinsesa, pero kailangan mong magpakatatag. H'wag mo masyadong pahirapan ang sarili mo sa iyong mga nakikita. Makisabay ka na lamang aa agos prinsesa. Hindi porke't nakikita mo ito ay nakakaakibat na rin sayo ang responsibilidad na ikaw ang gumawa ng paraan para gumaan at umayos ang takbo ng kapalaran ng lahat."

Napabuntong hininga naman ako dahil sa sinabi niya.

"Mahirap man, pero kailangan mong tanggapin ang lahat ng nangyayari. Ang mas mabuti pa'y ipagpahinga mo na lamang ang iyong isipan at sarili."

Nakita ko namang ngumiti ulit ito.

"Magandang gabi, Prinsesa. Sana'y patnubayan ka ng mga Diyos at Diyosa."

Sabi nito saka lumangoy pailalim.

Saka ko lang naalala na konektado pala ang ilog ng MEA sa karagatan ng Fantasia.

Dun siguro siya galing.

Napalingon naman ako sa likuran ko nang marinig kong tinawag ako ni Vanvan.

"Anna"

"Ba't ka nandito?"

Nagkibit balikat naman ito saka lumapit sa kinaroroon ko.

Magical Elite Academy 2: The Unexpected (Completed)Where stories live. Discover now