Chapter 11

13.1K 427 6
                                    

Chapter 11

"Pssssst. Alam mo Lucy, hindi ko alam kung ba't ka nagkakaganyan. Hindi ka naman ganyan nung hindi pa tayo pumapasok sa MEA. May nangyari ba?"

Tanong sa akin ni Pepper.

"Wala naman. Na-homesick lang yata ako. Saka nami-miss ko rin sina Mama."

Sagot ko kaya napailing si Pepper.

"O siya, kunwari naniniwala ako Lucy. Psh. Saka hindi kayo nagpa-pansinan nina Landon, may problema ba?"

Umiling naman ako.

"Pero may napansin ako kanina Lucy. Yung Luke"

Sambit ni Pepper kaya napalingon ako sa kanya.

"He exactly looked like Lucas, isn't he?"

Tumango naman ako.

"Are you bothered?"

Umiling naman muna ako saka nagsalita.

"Pabayaan mo nalang, maybe it's just a coincidence."

Napanguso naman siya.

"But there's no such thing called coincidence dito mundo ng mahika Lucy. So don't tell me, coincidence lang rin na Luke ang pangalan niya? Saka Rivas pa ang apelyido niya!"

Inilingan ko naman siya.

"So what do you mean then? Na he ressurected from the dead? Wala namang ability na kayang buhayin ang patay Pepper."

Sagot ko.

"Oo nga. Pero may parang ganun kaya. Don't tell me, nakalimutan mo kung saang blood line nanggaling ang Papa mo?"

Napabuntong hininga naman ako.

"Shut up, Pepper. Wala na iyon."

Napairap naman siya.

"Pero alam mo namang pina-practice iyon ni Lola! What if Lola did something para bumalik si Luke! Hindi mo ba pansin ang tinging ibinibigay niya sayo?"

Napapikit naman ako ng mariin.

"But the dark ages had been ended Pepper! Nabuwag na ang grupong nagwo-worship kay Kael! Saka patay na siya! Tapos na ang lahat!"

"Pero hindi pwedeng kabutihan nalang palagi Lucy! Kapag may kabutihan! May kasamaan! Hindi ba sabi nila, nung mamamatay si Kael, wala ng kapangyarihang dumadaloy sa katawan nito? So, saan napunta ang kapangyarihan ni Kael? Nawala lang ng parang bula? Imposible iyon Lucy!"

Napahinga naman ako ng malalim saka hinarap uli si Pepper.

"Pepper, you don't need to over react dahil lang sa may kamukha si Lucas! Oo, noon, kasali nga si Lola't Lola sa pagpa-practice ng mga evil deeds noon ni Kael, na sinasabing God of Darkness and Destruction pero wala na siya! Napatay na nga siya ni Queen Kathylina hindi ba?"

Napailing naman siya.

"Nakita ko ang notebook mo Kath. May nakita ka na naman."

Napatigil naman ako.

Except sa parents ko, alam rin ni Pepper na nakakakita ako ng future.

"Hindi mo ba ma-gets kung anong meaning nun Lucy? May mangyayari."

Napatitig naman ako sa kanya.

"And about Lucas, sige let's just say na coincidence lang ang lahat. But you should still be careful Lucy. May iba sa kanya. At alam kong nararamdaman mo iyon."

"Hindi ka ba pupunta sa cafeteria?"

Napailing naman ako.

"Hindi, hindi naman ako nagugutom."

Napangiwi naman siya.

"Sa oras malaman ni Tito at Tita na nagpapalipas ka ng gutom. Ewan ko nalang talaga. Sige, baba na muna ako. Don't stress yourself too much Lucy."

Sambit ni Pepper bago ito tuluyang umalis.

'I really hope na coincidence lang ang lahat Pepper. Kahit alam kong hindi naman talaga.'

Magical Elite Academy 2: The Unexpected (Completed)Where stories live. Discover now