Prologue

30.2K 545 67
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidential.

Prologue

Lorraine Eureka Velasquez

"Ma! Alis na po ako!"

Sambit ko habang dala-dala ko ang mga bagahe ko.

"Oh siya, anak. Umayos ka roon ha? Ingatan mo ang sarili mo. H'wag magpalipas ng gutom at umiwas sa mga gulo."

Ngumiti naman ako at tumango.

"At?"

Yinakap ko naman si Mama.

"Iwasan ang mga bampira hanggang sa makakaya."

Sambit ko.

Hindi kasi masyadong fond si Mama sa mga bampira.

Idagdag mo pang may nagtangkang patayin ako noong sampung taong gulang pa lamang daw ako.

Wala nga akong maalala sa childhood memories ko.

At ang alam ko lang ay ampon lang ako nina Mama at Papa.

Sa kanila ako hinabilin ng totoong magulang ko.

Hindi ko nga lang alam kung ano ang dahilan pero ramdam kong mahal na mahal nila ako.

At iyan din ang sinasabi nina Mama.

Saka sabi kasi nina Mama makikilala ko naman daw sila sa 18th birthday ko.

"Sige na Ma, una na po ako."

Tumango naman siya.

"Iyong kwintas at anklet, dapat hindi iyan matanggal okay? Dapat suot suot mo iyan palagi."

Napatawa naman ako sa sinabi ni Mama.

"Gustuhin ko man silang tanggalin ay hindi sila matanggal-tanggal. Kaya h'wag po kayong mag-alala."

Tumango naman si Mama.

"Pati na rin iyong tattoo mong rose sa may collar bone, dapat hindi iyong makita ng iba, okay ba anak?"

Natatawang tumango naman ako.

"Oo na Ma. Nung nakaraang araw pa po niyo iyang paulit-ulit na sinasabi kaya alam ko na iyan. H'wag niyo na po akong alalahanin, kaya ko na po ang sarili ko. Oh sige na Ma, aalis na po ako, baka hinihintay na ako ni Isabelle sa may train station. Bye Ma, mami-miss ko po kayo ni Papa."

Tumango naman ito.

"Kami rin anak. Ingat."

Kumaway naman ako kay Mama saka tuluyang umalis.

Kyaaaaaah!

Excited na ako!

* - *
Pagkarating ko sa train station ay agad kong hinanap si Isabelle, best friend ko simula nung mapunta ako sa puder ni Mama Cara.

Napansin ko namang marami-rami ang mga bampira sa may gawi ko.

Minsan talaga hindi ako makapaniwala na nag-eexist pala ang mga bampira.

Pero ang ipinagtataka ko talaga ay ang biglaang pagsulpot nila.

Ang sabi ay may rason sila sa kung bakit bigla na lamang silang dumating at nagpakita rito sa Fantasia.

At first, akala ng nakararami na masasama sila pero kalaunan ay nagkasundo naman ang dalawang panig.

May sarili silang kaharian and such kaya okay lang. May sarili silang royal family at sinasabing gwapo raw iyong prinsipe nila.

Kaya nga marami ang humihiling na sila ang mate ng prinsipe, ma-bampira man o hindi.

At isa na riyan si Isabelle.

Masyado iyong adik sa mga gwapo at macho.

Well, bumalik tayo sa mga bampira.

Actually okay lang naman sila, ang malaking problema lang ay ang mga rouges.

Ang mga bampirang sinasabi nilang nawala sa katinuan at sumisipsip ng dugo ng kapwa nila bampira at magic users.

Idagdag mo na rin ang lycans. A

Ang mga wolves na kayang mag-transform bilang tao.

Werewolves.

Nawala na nga ang black magic users pero sila na naman ang pumalit.

Laganap naman ang nakawan at krimen sa bawat sulok ng mundo ng mahika dahil sa kanila.

Lumalaki na ang populasyon nila kaya lumalaki na rin ang problema patungkol sa kanila at hindi na sila basta-bastang nasusugpo.

Kaya nga nagsakasundo ang mga bampira at ang mga magic users sa pagdakip sa mga rogues at lycans.

"Lorraine!"

Napalingon naman ako sa tumawag sa akin. Si Isabelle.

"Isabelle! Kanina pa kita hinahanap saan ka ba galing?"

Tanong ko.

"Diyan lang sa tabi-tabi. Tara na, nabilhan na kita ng ticket."

Sambit niya.

"Alam ko."

Tinaasan niya naman ako ng kilay.

"Paano mo nalaman?"

Tanong niya.

"Sekretong malupit kaya halika na bago pa tayo mapag-iwanan. Akala ko ba excited ka na sa pagpunta natin sa MEA?"

Napailing naman ito.

"Whatever. Halika na nga. Sana may makita tayong gwapo para naman ma-energize ako."

Binatukan ko naman siya.

"Tumigil ka nga. Pinagsasabi mo."

Sambit ko saka siya tuluyang hinila papasok ng train.

©Magical Elite Academy 3.All Rights Reserved.Rikamadz.2019

Magical Elite Academy 3: The Tremendous (Completed)Where stories live. Discover now