Chapter 12

10.1K 332 7
                                    

Chapter 12

Lucy's POV

"Ano na ang gagawin natin? Hindi ba't sabi ni Voltaire ay may nagtangka na rin sa buhay ni Vianca kamakailan lang?"

Sambit ni Pepper kaya napabuntong-hininga ako.

"Mukhang dapat pa nating mas pagtibayin ang security ng MEA. Hindi ko alam kung paano nakakapasok ang Rogues at Lycan na iyon kung may barrier naman."

Sambit ko.

"Baka ma-trigger si Vianca at maalala niya ang nangyari noon, Lucy."

Umiling naman ako.

"Hindi naman yata, it seems like wala pa rin siyang kaalam-alam sa nangyari noon at kung sino talaga siya."

Sagot ko.

Naramdaman ko namang pinisil ni Van ang kamay ko.

"Sabihan niyo ang lahat ng Professors na gagawin na naman natin iyong ritual para sa barrier ng MEA. Dapat hindi na ito maulit pa, baka ano na ang mangyayari sa susunod."

Tumango naman ang dean sa sinabi ni Van.

"Hindi ba napansin ng ibang estudyante ang nangyari Pepper?"

Tanong ko at umiling naman ito.

"Hindi, mabuti na nga lang at hindi iyon napansin dahil maaari itong ikabahala ng iba."

Sagot ni Pepper.

"Dito na muna kami mag i-stay ni Van, babantayan na muna namin siya pati na rin ang kaibigan niya."

Bahagya pang nailing sina Pepper nang tawagin ng mga ito si Isa bilang 'kaibigan' ni Lorraine.

"Dean, kayo nalang po ang bahala sa nasira, pasensya sa abala."

Umiling naman ang Dean.

"H'wag kayong mag-alala mahal na reyna, gagawin ko po iyon. Saka trabaho ko naman po iyon bilang Dean kaya okay lang po sa akin 'yon."

Napailing naman ako.

"Ang weird mo Lander, po ka ng po. Tumigil ka nga diyan."

Sambit ko nalang kaya napatawa ito ng bahagya.

Si Lander Cruz kasi ang Dean ng MEA ngayon, ang asawa ni Pepper.

[A/N: Nasa MEA 2 po siya, iyong date ni Pepper noong may ball sa palasyo para sa birthday ni Tristan]

"Oh siya, mauna na muna kami. Mag-ingat kayo Lucy, Evander. Pakibantayan nalang din si Isabella."

Tumango naman kami at nagpaalam na rin sa kanila.

Pagkatapos nun ay muli kaming pumasok sa clinic at nakita naman naming binabantayan ni Voltaire si Vianca.

"Nakatulog na ba siya Voltaire?"

Napatingin naman ito sa akin at tumango.

"Yes, tita."

Napatingin naman ako kay Vianca at hinaplos ang mukha niya.

"Ikaw Voltaire, hindi ka ba magpapahinga?"

Sambit ni Van at nakita ko namang umayo mula sa pagkakaupo si Voltaire.

"Magpapahinga na rin po, sige mauna na rin po ako Tito, Tita."

Sabi niya kaya tumango naman kami.

"Sige, Voltaire. Mag-ingat ka."

Tumango naman ito at nag-bow pa ng bahagya bago umalis.

Napabuntong-hininga naman muna ako saka tiningnang muli si Vianca.

Magical Elite Academy 3: The Tremendous (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon