Chapter 14

9.3K 321 11
                                    

"What a good fight! Let's give the Group 1's representative, Ms?"

Sambit ng Prinsipe kaya napataas ang kilay ko.

Edi siya na talaga!

Ang galing um-acting!

Ang mga ka-grupo ko naman ang sumagot kaya hindi ko mapigilang hindi mapangiwi.

Maka-support sa akin ngayon parang hindi nila ipinagkulo sa mga sarili nilang na matatalo na talaga ako ng representative ng kabilang grupo.

"Velasquez!" Sigaw ng ka-grupo ko.

"Ms. Velasquez around of applause! Your good in hand-to-hand combat. Good job! Congratulations Group 1, you're lucky dahil sa inyo napunta si Ms. Velasquez. Nakaya niyang talunin ang limang representative ng group 2.
While for the group 2, I think it's better luck next time. Mukhang oras ngayon ni Ms. Velasquez."

Sambit ng Prinsipe kaya napasimangot ang Group 2.

"For your punishment, clean the cafeteria without using your abilities and such. 3 days. So let's move forward, I'm going to discuss to all of you kung paano nga ang tamang . . . . . . "

Nagsimula naman siyang mag-discuss kaya natahimik nalang ang kaklase ko at pinilit ang mga sariling makinig sa lesson.

* - *

"Ang galing mo talaga, Raine!"

Napailing naman ako sa sinabi ni Isa.

"Sira! Hindi naman masyado."

Sagot ko kaya napaismid ito.

"Aysus! Pa-humble pa talaga tayo eh 'no? Punta tayong pamilihan, Raine! Isama natin si Tyler para ay taga-libre tayo!"

Napatawa naman ako nang may sumagot dito.

"Mukha ka talagang libre Isabella. Namumulubi ka na ba?"

Nakita ko namang napasimangot si Isa.

"Hindi! Saka hindi ba't sinabihan na kita na h'wag akong tawaging Isabella kasi Isabelle ang pangalan ko. Ang sakit mo talaga sa bangs!"

Sambit ni Isa kaya inismiran siya ni Tyler.

"Tumigil nga kayo, pumunta naman tayo ng pamilihan."

Turan ko nalang saka sila hinigit papunta sa pamilihan nang makasalubong na naman namin ang Prinsipe.

Bahagya naman kaming nag-bow sa kanya.

Pero hindi ko mapigilang hindi ito pagtaasan ng kilay nang makitang kasama na naman nito iyong babae sa cafeteria.

Nang makalagpas na kami ay saka pa lang nagsalita si Isa.

"Kilala niyo ba iyon?"

Sambit ni Isa kaya umiling kaming dalawa ni Tyler.

"Si Oliva Perollo, pamilya nila ang pumapangalawa sa pamilya ng Prinsipe. Ang sinasabi pa nga ay bagay silang dalawa sa isa't isa, na siyang pinagpipilitan ni Olivia pero umaayaw ang Prinsipe. Hindi naman kasi raw si Olivia ang mate ng Prinsipe."

Muntikan naman akong mapa-ismid sa sinabi ni Isa.

"Really?"

Sambit ko nalang at tumango naman si Isa.

"Kumain nalang muna tayo saka gumala, nagugutom na ako."

Tumango naman silang dalawa.

Kasalukuyan kaming kumakain nang mapunta na naman ang usapan namin tungkol sa kung sino raw ako at ang mga magulang ko.

Magical Elite Academy 3: The Tremendous (Completed)Where stories live. Discover now