Chapter 6

9.8K 407 29
                                    

Chapter 6

Pagkatapos ko rin namang kumain ay agad niya naman akong hinatid pabalik sa dorm kagabi.

Papunta na kami ni Isa sa cafeteria para mag-almusal nang lumingon ito sa akin at tinititigan ako.

"May something sayo, friend. Parang blooming kaya at parang masaya ka na kinikilig. Anong nangyari kagabi at parang may na-miss yata ako?"

Napangiwi naman ako dahil sa sinabi niya.

"H'wag kang assuming at mapaghinala Isa. Wala, walang nangyari kagabi kaya tigil-tigilan mo ko."

Sambit ko pero pinanliitan lang niya ako ng mga mata sabay taas ng kilay.

"Eh bakit nung umuwi ka dorm kahapon, pulang-pula ka at parang may nangyari ha? Saka saan ka nanggaling at talagang umalis ka dis oras ng gabi?"

Inismiran ko naman siya.

Mabuti na nga lang at hindi niya kami nakitang magkasama ng prinsipe.

Or should I say na wala talagang nakakita sa amin which is good thinh.

Ini-inaimagine ko palang ang reaction niya ay naloloka na ako.

"H'wag kang malisyosa Isa. Wala nga. Tigil-tigilan mo ko."

Sambit ko at nakita ko namang inirapan niya ako.

"Fine, pero may ichi-chika ako. Alam mo ba kung sino ang pinaghi-hinalaan ng iba kung sino ang mate ng prinsipe?"

Agad naman akong napatigil dahil sa sinabi niya.

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib at tila ba sumisikip ito.

"Sino?"

Tanong ko.

"Ang Prinsesa nating Magic Users."

Napalunok naman ako.

"Talaga?"

Tanong ko pa at nakita ko namang tumango si Isa. "Feeling ko rin, baka ganun talaga. Except for the fact na may rumor na talagang ang mate ng prinsipe ay magic user, may haka-haka na talaga na baka ang prinsesa ang mate nito. Bagay din naman kasi sila, prinsipe ng mga bampira at prinsesa ng Magic Users. Para silang ginawa para isa't isa."

Hindi ko alam pero bigla na lamang akong nalungkot.

Naiisip ko palang na ikakasal ang Prinsipe sa iba ay para bang gusto kong maiyak.

Like what the!

Eh kakakilala ko pa lang naman sa kanya.

Ipinilig ko nalang ang ulo ko saka ipinagpatuloy ang paglalakad patungong cafeteria.

"Hoy Lorraine! Hintay!"

Rinig kong sigaw ni Isa.

Pagkarating namin sa cafeteria ay agad ko namang nakita iyong Prinsipe sa may counter.

"Ah, Isa. Ikaw nalang ang mag-order, ako na ang maghahanap ng table natin ha?"

Sambit ko saka nagmamadaling pumunta sa may sulok at dun umupo.

Sinilip ko naman si Isa at nakita ko namang parang kinikilig pa ito habang papunta counter.

Baliw talaga.

Agad ko namang iniiwas ang tingin ko nang lumingon sa may gawi ko ang Prinsesa.

At heto na naman iyong pakiramdam na parang nagkakarerahan ang tibok ng puso ko.

Idagdag mo pang tila ba nanginit ang pisngi ko dahil sa nakita ko pang napangisi ito nang mahuli akong nakatingin sa kanya.

Ngingiti na sana ako nang maalala ko ang sinabi ni Isa kanina.

'Na baka ang mate ng Prinsipe ay ay ang Prinsesa.'

Eh pano naman kung totoo iyon diba?

Ano naman ang laban ko dun?

Agad naman akong napabuntong-hininga at napasimangot.

Aish!

Ano ba itong naiisip ko!

Ipinilig ko nalang ang ulo saka nakapanghalumbaba habang hinihintay si Isa.

'Is there a problem Cresia?'

Agad naman akong lumingon sa pwesto kanina ng Prinsipe at nakita kong napasulyap naman ito sa akin.

Umiling naman ako at hindi na lamang ito pinansin.

Baka kasi guni-guni ko lamang iyon dahil sa pag-ooverthink.

'Cresia'

'Cresia'

Lumingon naman ako sa paligid at halos mahulog naman ako sa kinauupuan ko ng makitang nakaupo na ito sa katabing table namin.

Napakurap-kurap naman ako.

Napatitig naman ito sa akin bago ako tinaasan ng kilay.

'Ba't hindi ka sumasagot?'

Sasagutin ko na sana siya nang dumating na si Isa at inilapag na ang tray namin.

"My gosh friend! Mukhang ang swerte mo naman yata sa table na napili mo. Kyaaaah! Nasa kabilamg table lang natin ang Prinsipe."

Bulong ni Isa kaya napangiwi ako.

"Kita ko nga. At talagang may pabulong-bulong ka pa eh naririnig ka naman niyan dahil sa enhanced senses niya. Tss."

Nakita ko namang napaismid si Isa.

"Ikaw na talaga friend! Ikaw na talaga ang hindi naaapektuhan ng charms. Hindi ka ba kinilig diyan ng kahit konti lang?"

Napangiwi naman ako

"Tigil-tigilan mo ko ah. Sisipain talaga kita."

Sambit ko at nakita ko namang napangisi ito.

"Kunsabagay may Tyler ka naman. Hihihihi"

Ani nito saka ngumisi pa ng mas malaki at may bahagyang sinulyapan.

Pero agad rin naman kaming napalingon sa table ng Prinsipe ng makarinig kami ng kalabog.

Napalunok pa ako nang makitang nakasimangot ito at parang may narinig o nakitang hindi kaaya-aya.

Kinurot ko naman si Isa.

"Ang ingay mo kasi Isa, mukhang nagalit tuloy."

Sabi ko saka iniiwas uli ang tingin at nagpatuloy sa pagkain.

Ganun rin naman ang ginawa ni Isa.

Nakita ko pang halos mabilaokan na ito dahil sa pagmamadali.

Napahinga nalang ako ng malalim saka nilingon ang Prinsipe na papalabas na ng cafeteria.

Napano kaya iyon?

Pagkatapos naming kumain ay agad naman kaming pumunta ni Isa sa classroom namin.

"Anong subject natin ngayon, Isa?"

Tanong ko.

"Enhancing of Abilities"

Tumango naman ako.

Tinungo ko naman ang upuan ko saka umupo, napabuntong-hininga naman ako.

Hindi ko alam pero ang bigat ng pakiramdam ko.

Hindi ko na lamang iyon pinansin at itinuon nalang ang aking atensyon sa parang magiging Professor namin sa Enhancing of Abilities.

Narinig ko namang nagsinghapan ang mga kaklase ko.

Woah! Ang ganda niya.

"Good day Students. Sa mga hindi nakakakilala sa akin I'm Prof Lucianna Miranda Fantasia. You can call me Prof Lucy."

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa narinig.

Oh My God! Fantasia?

Lucianna Miranda Fantasia?

So ibig sabihin siya ang Reyna?

Magical Elite Academy 3: The Tremendous (Completed)Where stories live. Discover now