Chapter 1

12.8K 457 33
                                    

Chapter 1

Pagkapasok namin ay agad naman kaming naghanap nang upuan.

"Friend"

"Hmm?"

Sagot ko nang tawagin ako ni Isabelle.

"May gwapo oh. Nakatingin sayo."

Bulong niya kaya sinipa ko iyong binti niya.

"Manahimik ka nga. H'wag kang bumulong-bulong diyan. Nagmumukha kang sira, at saka baka naririnig ka niyan."

Sambit ko sa isipan niya kaya napakamot ito sa ulo.

"Hehe, kunsabagay."

Sambit nalang nito.

Lumingon naman ako sa may bintana at napabuntong-hininga.

"Lorraine"

Nilingon ko naman si Isabelle at tinaasan ng kilay.

"Oh, ano na naman ang problema mo?"

Tanong ko at may iningunguso siya sa may harapan namin.

"Bampira iyang nasa harapan natin, actually silang lahat."

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

Hindi naman sa natatakot ako o ano, sadyang nakakagulat lang na kaming dalawa lang ang magic users dito.

Dumadami na siguro ang populasyon ng mga bampira.

"Ha? Pabayaan mo nalang."

Sagot ko kaya tumango naman siya.

* - *

Napangiti naman ako nang marating na namin ang MEA.

Ang lawak-lawak talaga! Saka ang ganda!

Open ang MEA sa mga bampirang gustong mag-aral, may mga abilities rin kasi sila, hindi nga lang kasing rami kagaya ng mga magic users.

Ang kadalasang abilities ng mga bampira ay, teleportation, telekinises, manipulation, illusion maker, and of course ang napakabilis nilang paggalaw at kayang pagbuhat ng mga mabibigat na bagay.

Iyan ang kadalasang abilities ng normal na bampira o kahit mga elite na bampira.

Iba kasi sa mga Royal blooded-vampires, kaya nilang manipulahin ang mga elemento like Air, Earth, Water, Fire, Light, Dark and Electricity (Thunder).

Pero isa lang yata ang Royal blooded-vampire na kasalukuyang nag-aaral dito sa MEA, ang sinasabing prinsipe nila na ang gwapo-gwapo raw.

Iyan ang kwento sa akin ni Isa eh.

"Ilagay nalang muna natin ang mga gamit natin saka tayo maglibot-libot."

Sambit ko na siyang tinanguan lang ni Isa.

Agad naman naming tinungo ang dorm, nagtaka pa ako kasi kaming dalawa lang ang nasa isang dorm.

Eh ang laki naman yata ng dorm para sa aming dalawa.

"Ang laki naman, hindi kaya nagkamali sila sa pagbigay ng card sa atin Isa?"

Binatukan niya naman ako.

"At bakit naman sila magkakamali? Baliw ka talaga. Pabayaan mo nalang, everything happens for a reason."

Sabi niya kaya napangiwi ako.

"Ayusin mo nalang kaya muna iyang gamit mo saka tayo mag-gala Isa? Para naman pagbalik natin dito, okay na ang lahat."

Napasimangot naman ito.

"Whatever Lorraine! Ang KJ mo talaga."

Tinapunan ko naman siya ng unan saka nagsimulang i-arrange at i-organize ang closet ko.

May tig-tatatlong sets kami ng school uniform ni Isa.

At isang P.E. uniform.

Napatitig naman ako sa pin ko kanina.

Para kasing nakita kong kulay gold ito at ang nakasulat ay Fantansia, V.L. at sa baba nito ang STAR Section.

Pero nang kumurap ako ay naging kulay gray ito at ang nakasulat na ay Velasquez, L.E. at sa baba nito ay Beginners - 1.

Woah! Ang weird hindi ba?

Fantasia, V.L.?

Pangalan ba iyon ng prinsesa naming magic users?

Fantasia, Vianca Lucresia?

Namamalikmata lang siguro ako.

Wew!

"Tapos ka na, Lorraine?"

Nilingon ko naman si Isa.

"Yep, at tigilan mo nga ako sa kaka-Lorraine mo!"

Sambit ko kaya inirapan niya ako.

"Psh! Eh sa mas gusto ko ang Lorraine kaysa sa Eureka eh! H'wag kang KJ."

Binatukan ko naman siya.

"H'wag mong palaging banggitin ang Lorraine! Pwede namang Raine lang eh! Lorraine ka ng Lorraine hambalusin kita diyan eh!"

Sinipa niya naman ako sa binti.

"H'wag kang harsh at brutal!"

Sabi niya kaya inirapan ko siya.

"Harsh at brutal! Eh ikaw nga 'tong naninipa eh!"

Sambit ko.

"So galit ka na niyan?"

Inirapan ko naman uli siya.

"Mukha ba akong galit? Ha? Isabelle?"

Inismiran nita naman ako.

"Hindi. Tara na nga lang, baka saan pa 'to mapunta."

Iningusan ko nalang siya saka sumunod sa paglalakad.

"Hoy Isa! Saan tayo pupunta uy?"

Tanong ko sa kanya.

"Sa pamilihan ng MEA!"

Sagot niya kaya napangiwi ako.

Napakamot naman ako sa ulo.

Grabe naman yata ang babaeng 'to!

Napatawa pa ako nang nagsimula na itong tumakbo kaya tumakbo na rin ako pero agad rin naman akong napatigil.

Para kasing may nakatingin sa akin.

Inilibot ko naman ang paningin ko at agad na napatigil nang mahagip ko ng tingin ang isang lalaking hindi masyadong malayo sa kinatatayuan ko.

Nakatitig sa akin.

Hindi ko alam pero nang para bang nagtama ang paningin naming dalawa ay sumakit ang tattoo ko sa may collar bone.

Napangiwi pa ako nang para bang napangisi ito nang makitang napangiwi ako at napahawak sa tattoo ko.

Ipinilig ko nalang ulo ko nang tawagin na ako ni Isa.

"Hoy Lorraine! Bilis-bilisan din nating kapag may time!"

Nilingon ko naman siya.

"Oo na!"

Sagot ko saka nilingon ang lalaki kanina.

Ay! Nawala na siya.

Pero nanlaki naman ang mga mata ko nang tila ba may dumaan sa may likuran ko at bumulong.

"My Cresia"

Magical Elite Academy 3: The Tremendous (Completed)Where stories live. Discover now