Chapter 26

7.8K 252 1
                                    

Chapter 26

Mag-iisang linggo na ang makalipas magmula nang makausap ko si Olivia pero hindi pa rin ako nilulubayan ng mga sinabi niya.

Mag-iisang linggo na ring wala sa MEA si Andrei it seems like mukhang seryoso at malaki ang naging problema sa palasyo nila.

Malapit na ang leveling at may ball na gaganapin sa palasyo.

Kasabay ng birthday ni Papa Tristan which is my Lolo.

Dalawang buwan nalang rin ay birthday ko na.

Malapit na akong ipakilala nina Mommy sa lahat at i-anunsyo ang engagement namin ni Andrei.

"Riri."

Napalingon naman ako kay Tyler.

"May problema ba?"

Tanong nito saka umupo sa tabi ko.

Umiling naman ako.

"Wala naman, iniisip ko lang sina Andrei at Zach. Ang tagal nilang bumalik."

Sagot ko kaya napatawa naman ito.

"Nasaan nga pala si Isa? Ang aga niyang umalis kanina."

Dagdag ko at nagkibit balikat naman siya.

"Ewan, baka nagboy hunting. Past time niya iyon hindi ba?"

Nanliit naman ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Selos ka?"

Tanong ko saka siya nginisihan.

Napangiwi naman ito.

"Kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo Riri."

Sagot niya kaya napatawa ako.

"Aysus, may paayaw ayaw pa talaga ano? Don't tell you still believe na ako ang gusto mo?"

Hindi makapaniwalang tanong ko kaya napailing naman ito.

"Uy, amin amin din pag may time. Kapag iyon nakahanap ng iba, bahala ka."

Sabi ko at napailing naman ito.

"Pinagsasabi mo diyan? Kung ano-ano nalang talaga ang naiisip niyo magpinsan ano?"

Sagot niya kaya napatawa ako.

"What? Sinasabi ko lang naman ang napapansin ko. May feelings ka naman talaga sa kanya pero panay ang deny mo."

Ani ko at napailing naman ito.

Napataas naman ang kilay ko nang tumayo ito.

"Manahimik ka na nga lang diyan, pumunta nalang tayong pamilihan. I-libre nalang kita ng pagkain baka nalipasan ka lang sa gutom kaya kung ano ano ang pinagsasabi mo."

Sabi niya kaya natatawang tumayo nalang rin ako.

Magsisimula na sana kaming maglakad papuntang pamilihan nang mapatigil siya.

Tumunghay naman ako at agad ko namang nakita si Zach.

Nandito na siya?

So ibig sabihin, nandito na rin si Andrei?

"Zach!"

Tawag ko rito at ngumiti naman ito saka nagsimulang maglakad papalapit sa amin.

"Vianca"

Tawag niya sa akin kaya napaismid ako habang si Tylee ay napangiwi.

"Nakabalik na kayo? Nasaan si Andrei?"

Tanong ko at umiling naman ito.

"Wala siya. He need to stay there a little longer. May inaasikaso pa siya."

Magical Elite Academy 3: The Tremendous (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon